6

5 0 0
                                    

Magkasamang naglakad si Anna at Juan at doon nga hindi maiwasan ni Juan mapansin ang itim na bomber jacket na suot ni Anna at pagkasimiaridad nito sa suot ni Maria noon

"Ang ganda ng jacket mo" Aniya nya kay Anna at doon nga napalingon si Anna at napangiti

Pinisil ni Anna ang Jacket, "Salamat uh.. Binili ko to matagal na rin"

"Kamusta na ang papa mo?" Tanong ni Juan kay Anna at doon nga nakita nya ang mas madiin na paghawak ni Anna sa kanyang damit

"Patay na sya" Sagot ni Anna

"Oh.."

Sa pagpunta nila sa bahay ni Anna hindi maiwasan mapansin ni Juan ang mga medalya na nakasabit sa mga pader ng bahay ni Anna at nagtanong siya

"Marami ka palang medalya?" Aniya ni Juan kay Anna at tinango ni Anna ang ulo nya sa kanya at doon nga sya sumagot, "Ayon sinubukan ko lang naman nahirapan ako sa umpisa pero ayos lang naman"

"Ganon ba?" Sinubaybay ni Juan ang bahay ni Anna ng may curiosidad at doon nya nga napansin ang litrato ni Maria kasama si Anna at Lisa na naka frame sa tabi, "Si Maria-"

Narinig nya ang lagabag sa direksyon ni Anna at noon binaling nya ang ulo nya dito nakita nya na aksidenteng naihulog ni Anna ang kanyang baso sa sahig at kumalat ang mga bubog nito sa sahig

"Ano bang meron si Maria na wala ako?" Pabulong na tanong ni Anna

"Minsan nagtataka ako" Tinitigan ni Anna si Juan ng parehong mga bilugan na mga mata na may kislap ng kung ano mang emosyon, "Kung ako ang namatay noon meron bang makakaalala saakin?"

Inilagay ni Anna ang mga kamay nya sa balikat ni Juan, "Bakit puro na lang si Maria ang nasaisip mo? Paano naman ako?"

"Anong ibig mong sabihin?" Napahakbang patalikod si Juan at doon nga idinikit ni Anna ang labi nito sa kanya pero agad nyang ibinaling ang ulo nya sa tabi

"Satingin ko meron tayong hindi pagkakaintindihan" Agad na ihiniwalay ni Juan ang kanyang sarili kay Anna at doon nga sya ay tumayo sa tabi, "Pagusapan natin bukas ng umaga"

"Pero-" Sinubukan magsalita ni Anna pero hindi sya pinakingan ni Juan at umupo lang ito sa tabi at isinandal ang kanyang ulo

Inimulat ni Juan ang mga mata nya sa isang madilim na gabi at doon nga nya nakita si Anna na natutulog sa may sofa at doon na nga sya napaisip sa sarili kung ano ang nangyari hinaplos nya ang kanyang labi at napatayo sa kanyang kinakaupuan

Doon nga napatitig si Juan sa telefono ni Lisa na kanya paring daladala at sinubukan nya itong buksan munit hindi nya maisip kung ano ang password nito

Napansin nya na lamang na nagumaga na noong nakita nya ang isang tasa ng mainit na kape ang ipinatong sa kanyang harapan at doon umupo si Anna sa harap ni Juan ang kanyang mga mata ay namumula

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Anna sa kanya at doon nga pinakita ni Juan ang cellphone ni Lisa

"Alam mo ba ang password ni Lisa?" Tanong ni Juan kay Anna

Hinablot ni Anna ang cellphone kay Juan at may pinindot sya doon at agad na bumukas ang telefono ibinalik ito muli ni Anna kay Juan

Nagtaka si Juan, "Anong password ni Lisa?" doon sya tiningnan ni Anna at sumagot na may kasamang buntong hininga, "Ang birthday ni Carlo"

"Birthday ni Carlo?" Napakunot noo si Juan, "Bakit naman nya gagawing password ang birthday ni carlo?"

Napasinghal si Anna, "Kasi may gusto si Lisa kay Carlo"

"Ano?" Nagtaka si Juan sa sagot ni Anna, "Si Lisa may gusto kay Carlo?"

Tinango ni Anna ang ulo nya, "Hindi mo ba napapansin? Masyado ka bang manhid?" Singhal ni Anna sa kanya

"Bakit mo ba gusto mabuksan ang cellphone ni Lisa?" Dagdag ni Anna

"Meron akong suspecion na may kinalaman si Lisa sa pagkamatay ni Maria" Sagot ni Juan

Tinaas ni Anna ang kanyang kilay kay Juan, "Bakit naman nya gagawin iyon? Alam mong kahit magaspang ang ugali ni Lisa hindi sya masamang tao"

"Bakit parang prinoprotektahan mo sya diba lagi kayong magkaaway?" Tanong ni Juan habang nag scroll sya sa mga picture ni Lisa

"Kahit na" Sabat ni Anna, "bakit ka ba natingin sa mga picture ni Lisa?"

"Gusto ko malaman kung nasaan sya nitong mga nakaraan na pa-" Nanlaki ang mga mata ni Juan sa kanyang nakita

"Anong problema?" Tanong ni Anna kay Juan at doon nga sinilip ni Anna ang litratong tinitingnan ni Anna at sya rin ay nagulat

Katabi ni Lisa sa litrato ay ang isang matandang bersyon ni Maria na nakangiti sa kanyang tabi, "Sino sya?" Tanong ni Anna kay Juan

Iniling ni Juan ang kanyang ulo, "Hindi ko rin alam"

Doon nga pinindot ni Juan ang log book ni Lisa at lumabas ang contact ng kanyang huling tinawagan ni Lisa, 'Marisol'

"Narinig ko na ang pangalang yun dati" Wika ni Anna, "Pero masyado na itong matagal"

Tumayo si Juan sa kanyang inuupuan, "Kaylangan natin alamin ang totoo" nagsimula maglakad si Juan papunta sa pinto

"Teka! Juan" Hinabol sya ni Anna at hinawakan sya nito sa braso, "Sasama ko sayo"

"Sige" Sagot ni Juan

At doon nga gamit ang mga information sa telefono ni Lisa ay agad nilang nahanap ang location ng bahay ni Marisol at doon kumatok si Juan sa pintuan na may matinding kaba

Bumukas ng pinto at doon nga nakita nila ang familyar na muka, "Nakadating na pala kayo"

Para bang inaasahan na ang pagdating nila hinayo agad sila papasok ni Marisol, "Pumasok na kayo matagal ko na rin kayong inaasahang pumunta"

Hindi maiwasan ni Juan mapatitig kay Marisol ng matagal at namalayan nya lang ang ginagawa nya dahil sa pagsiko sa kanya ni Anna

"Umupo na kayong dalawa" Wika ni Marisol sa kanilang dalawa at sila ay parehas na umupo sa mesa kung saan na umupo din si Marisol

Hindi na nagpasikot sikot pa si Juan at agad nyang sinungaban ang pagkakataon na magtanong, "Alam mo ba kung anong nangyari kay Maria?"

Napatawa si Marisol sa tanong ni Juan at ibinalik nito ang tanong sa kanya, "Sino ba talaga si Maria?"

"Ano?" Parehong tanong ni Juan at Anna kay Marisol at doon nga sila nagsimulang magsalita muli at nauna si Anna

"Si Maria ay" Tiningnan ni Anna si Juan at Marisol, "Isang taong hindi magiging ako"

Sumagot naman si Juan, "Isa syang..Mahalagang tao para saakin"

"Lagi syang masayahin" Narinig ni Juan at Marisol ang boses ni Lisa sa likod nila at doon nga nila nakita si Lisa pero ang mas nakakagulat ay si Carlo na nasa tabi nito

"Siya ang pinakamabait na taong nakilala ko" Sagot ni Carlo at doon nagsimulang umupo ang dalawa katabi nila Juan at Anna

MariaWhere stories live. Discover now