7

3 0 0
                                    

Ilang taon narin ang nakakalipas..

"Anna" Lumingon si Anna sa boses na tumawag sa kanya at doon nga makikita si Maria na nakatingin sa kanya

Pumapaypay ang mga pilikmata nito na merong kung ano bang ninging sa kanila, "Akala ko nagsimula na ang klase" Lumapit si Maria kay Anna at ipinulupot niya ang kanyang sarili sa braso ni Anna, "Tara bili muna tayo sa may canteen"

Ngumisi si Anna at ibinaling ang kanyang ulo sa tabi, "Magpapalibre ka lang eh" Biro nya dito at agad na narinig nya ang dramatikong paghinga ni Maria at pagbitaw nito kay Anna

"Inaaway ako ni Anna" Pabirong iyak ni Maria na may kasamang dramatikong pagpaypay sa kanyang mukha at doon na nga makikitang dumating si Lisa sa likuran ni Maria

"Anong nangyayari?" Tanong ni Lisa sa kanilang dalawa at doon nga nila pinagtinginan si Lisa at napatingin sa isa't isa at nagsimulang tumawa

Napasimangot si Lisa sa kanilang pagtawa at nagtatakang nagtanong, "Anong nakakatawa?"

"Wala" Wika ni Maria kay Lisa

Tumingin si Lisa kay Anna, "Ano nga?" Tanong nya kay Anna pero umiling lamang si Anna kay lisa

"Bahala ng kayo dyan" Nagdadabog na naglakad papalayo si Lisa sa kanila munit agad agad ni Maria itong hinabol

"Parang hindi ka naman mabiro Lisa" Malambing na sinabi ni Maria kay Lisa, "Plano lang namin dumaan sa canteen"

"Magpapalibre ka nanaman kay Anna?" Tanong ni Lisa at agad na napailing si Maria

Winagayway ni Maria ang kamay nya sa ere na parang ipis na hindi mapakali, "Bakit ba lagi na lang nyong sinasabi na magpapalibre ako"

"Ayaw mo ba magpalibre?" Hinampas ni Lisa ng manipis na notebook si Maria sa ulo at agad itong tumigil sa kanyang ginagawa at napahawak sa kanyang ulo

"Gusto ko" Sagot ni Maria at syaka nga nya sinimulang kapitang ang braso ni Lisa, "Libre mo ko, Lisa"

"Yan tayo eh" Sagot ni Lisa at doon nga silang tatlo nagsimulang maglakad sa canteen at hindi sinasadyang mabanga ni Maria ang isa sa mga babaeng naglalakad at muntikan na itong matumba muntik agad syang nahawakan ni Maria at nasalo

"Pasensya na" Humingi ng tawad si Maria pero napaungol lamang ang babae at umalis at doon nga napansin ni Anna ang masamang titig ni Lisa kay Maria

"Pwede ba. Maria?" Angal ni Lisa kay Maria na napakibit balikat lamang sa kanyang sinabi

"Hay naku Lisa napaka negative mo nanaman" ipinulupot ni Maria ang kanyang sarili sa braso ni Lisa, "Hindi ba pwede magkamali ang tao?" Idinampi ni Maria ang kanyang pisngi sa balikat ni Lisa at para bang nagpacute dito

Napasimangot lamang si Lisa kay Maria, "Hindi ko ba alam sayo, Maria" Doon nga nagsimula lumingon si Maria kay Anna at ngumiti

"Ako naman ang manglilibre ngayon dahil sa nangyari" Wika nito kay Anna ng may ngiti at doon nga natuwa si Anna at napalapit dito

"Sure ka? Walang bawian ha" Pagtatanong ni Anna at doon nga tinango ni Maria ang kanyang ulo

"Wag na ako na lang ang sasagot tama na" Sabat ni Lisa at doon na nga sila bumili ng kanilang mga sariling kakainin at napaupo sa may sulok sa ilalim ng puno sa labas ng canteen

"Nagawa nyo ba assignment nyo?" Tanong ni Maria sa dalawa at agad nga na napailing si Anna

"Hindi ko maintindihan eh" Sagot ni Anna at doon nga napatigin sila pareho kay Lisa na patuloy pa rin sa kanyang pagkain ng fishball sa tabi

"Hindi ako magpapakopya" Agad na Bitaw nito pagkatapos ng kanyang paghigop ng sabaw

"Noooo" Isinandal ni Maria ang kanyang ulo sa balikat ni Anna at sumimangot ng kaunti, "Magtatampo ko" parinig nito kay lisa

MariaWhere stories live. Discover now