3

283 12 0
                                    


Mga itim na eyebags ang makikita sa mata ni Juan sa kanyang pagpasok ng classroom bitbit ang isang tumbler na puno ng kape na walang halong asukal na gawa nyang makamit na magturo pa rin kahit papano

Malayo ang naging byahe nya pauwi at hindi na rin sya nakatulog dahil sa kanyang pagchecheck ng mga papeles ng kanyang estudyante at ngayon hindi nya maiwasan mahikab habang sya ay naglalakad pabalik galing sa kanyang klase

"Juan?" Halos napatalon si Juan sa kanyang upuan ng nakita nya ang lapit ng muka ni Anna sa kanyang muka at sa kanyang pagkabigla na tabig nya ang tumbler ng kape sa sahig, tumapon ang kape sa sahig at agad na umupo si Juan para linisin ito

"Sorry! Nagulat ata kita" Wika ni Anna sa kanya at agad na umupo si Anna sa kanyang tabi upang tulungan sya linisin ang kape gamit ang kanyang panyo doon nga naamoy ni Juan ang pamilyar na pabango na nangagaling kay Anna sa tapang nito hindi maiwasan na mahatsing si Juan at hindi nya napansin na kanyang na hatsingan ang muka ni Anna

Napanganga si Juan sa kanyang nagawa at bago nya pa nabuksan ang kanyang bibig para makapahingi ng patawad nagulat sya nang nagsimula tumawa si Anna, "Hangang ngayon talaga napaka clumsy mo, Juan" mahinahong hinampas ni Anna si Juan sa kanyang balikat kagaya ng ginagawa ni Maria dati sa kanya ilang taon naring nakakalipas

"Hindi ka ba nasusuka sa ginagawa mo?" Isang boses ang pumukaw ng attensyon nila at doon na nga nakita muli ni Juan ang parehong nakasimangot na mukha ni Lisa. halos hindi nagbago ang mukha nito at kagaya ng dati lagi na lang itong naka-cross arms habang nagsasalita

"Oh ikaw..." Binaling ni Anna ang ulo nya kay juan at ibinalik ang kanyang attensyon kay lisa "Pala Lisa.."

Tumayo si Anna at nagpagpag ng kanyang kamay bago ito iniabot kay Lisa, "Kamusta na"

Nakita ni Juan ang mga matapang na mata ni Lisa na pinagmasdan si Anna simula sa kanyang ulo hangang sa kanyang paa bago nito ibinukas ang kanyang bibig at ang kanyang salita ay malutong at nakakalason parin hangang ngayon, "hangang kailan mo sya gagayahin?"

Nakita ni Juan ang pagkibot ng mga mata ni Anna at ang pagbagsak ng ngiti nito, "Anong ibig mong sabihin?" mahinahong tanong nito kay Lisa at umirap lamang ito at lumingon kay Juan

"Anong gusto mong sabihin saakin, Juan?" Tanong nito kay Juan at doon ibinaling ni Anna muli ang ulo nito kay Juan ang mga mata nya ay bilugan at para bang nagulat sa sinabi ni Anna

"Akala ko may sasabihin ka Saakin, Juan" Wika ni Anna ang kanyang tono ay mahinahon pero parabang may diin dito

"Hindi lang kayong dalawa ang tinawag ko" Tumayo si Juan at iniayos ang kanyang damit at doon nya sinilip ang orasan sa pader "Hindi ko napansin ang oras pasensya na"

"Excuse me nandito po ba si Jua-" Narinig nilang tatlo ang malalim na boses sa kanilang likuran at doon nakita ni juan ang pagkabigla sa mukha ni Lisa

"C-carlo?" Tanong ni Lisa kay Carlo na nasa kanyang likuran at nakahawak sa kanyang balikat

Napaisip si Juan sa pagkakita sa reaksyon ni Lisa kay Carlo at doon nga sya nagsimulang magduda

"Tara doon tayo sa may labas magusap" Aniya ni Juan sa tatlo at doon nga sila nagsimula maglakad papalayo at nakita ni Juan ang mga pagkamangha sa mukha nila.

Hindi rin makapaniwala si Juan nung nakita nya ang mga pagbabago sa eskwelahan napalitan na halos ang lahat ng building at ang tanging nagiising hindi parin nag babago ay ang lumang building na dati ay kakagawa lang noon nung sila ay mga estudyante pa

"Parang ang bilis lang ng oras" Narinig ni Juan na binangit ni Carlo sa kanyang hininga at hindi nya maiwasan na maalala ang kasing edad nya na si Carlo. Si Carlo na laging hinahangaan ng lahat at ang nobyo ni Maria

MariaWhere stories live. Discover now