4

2 0 0
                                    


"Sige." Tinango ni Carlo ang kanyang ulo, "Anong gusto mo malaman, Juan?"

"Nasaan kayo noong araw nayon?" Tanong ni Juan sa kanila at doon nanga sila nagsimulang magsalita tungkol sa ginagawa nila noong araw na iyon"

"Noong araw nayong kasama ako sa practice at dahil doon pinauna ko na si Maria at hindi kami nagsabay pauwi" Sagot ni Carlo

Nagtinginan naman sila Anna at Lisa atsaka nagsalita si Anna, "Nasa Guidance office kaming dalawa ni Lisa"

Napakunot noo si Juan, "Guidance office?"

"Noong araw nayon nagkaroon kami ng pagtatalo kaya ayun dinala kami sa guidance office" Kwento ni Anna

"Hindi naman sana magiging isang malaking isyu yun kung hindi masyadong scandalosa si Anna" Sabat ni Lisa, "Bigla na lang nya akong sinungaban na parang asong may rabies"

"Anong asong may rabies!?" Sigaw ni Anna kay Lisa at agad nya itong dinuro, "Hindi sana mangyayari to kung tinahimik mo lang ang bibig mo"

"Kasalanan ko pa? Ikaw yung bigla na lang nawala sa rationality dahil lang aalis ako saglit kaya ka laging iniiwan eh" Singhal ni Lisa kay Anna

Susungaban sana ni Anna si Lisa munit hinawak ni Carlo ang balikat niya, "huwag tayong magaway dito sa school nakakahiya"

Ibinukas ni Anna ang kanyang bibig pero sinara nya uli ito ng nakita nya na ngayon ang attensyon ni Carlo at Lisa ay nakay Juan, "Noong araw na yon nasaan ka, Juan?"

"Kasama ako ni Carlo na nagpractice sa court" Sagot ni Juan at nakita nya ang pag-tilt ng ulo ni Lisa sa tabi at ang pagtaas ng kilay nito

"That's all?" Wika ni Lisa na nagpukaw ng attensyon ni Carlo, "Wala kang naging interaction kasama si Maria?"

Iniling ni Juan ang kanyang ulo, "Wala naman"

"Kung ganon bakit nag text saakin si maria na nag confess ka daw ng nararamdaman mo sa kanya?" Dagdag ni Lisa

Napabukas ang kanyang bibig, "Ano?"

"Anong ibig sabihin nito, Juan" Tanong ni Carlo kay Maria, "May gusto ka kay Maria?"

Sinubukan lapitan ni Carlo si Juan munit hinarang sya ni Anna, "Teka, teka lang meron lang tayong pagkakaintindihan baka hindi totooo ang narinig ni Lisa at wala tayong ebidensya matagal na yon!"

"Bakit ko kailangan magsinungaling tungkol dito?" Sagot ni Lisa, "Pwede ba Anna tumigil ka sa pagiging bias mo"

Bago pa sila tuluyang magusap narinig nila ang isang malakas na sigaw at doon nga binaling nila ang kanilang mga ulo sa location nito at nagsimulang tumakbo papunta dito

"Tulong!!! Si Sir Antonio!!!!" Sabi ng estudyante na kanina kasama ni Sir Antonio

Sa kanilang pagtakbo sa location ng sigaw ang mga alaala ng nakaraan na parang halos isang replica ng nangyayari ngayon ay umibabaw sa kanilang mga isipan

Ang basa at berdeng damo na kanilang tinakbuhan at ang mga groupo ng tao na naka paikot kung saan. Hinawi ni Juan ang mga tao sa tabi at doon nga sya napatapak patalikod ng nakita nila ang professor nila noon na nakahiga sa sahig

"Tumawag kayo ng ambulancya" Sigaw ni Juan sa mga estudyante na nakapalibot sa tabi at doon nga nakita ni Juan ang anino ng kung ano man na nakasulyap sa tabi ng building agad nya itong sinundan ng tingin at nakita nya ang isang estranghero na nakatayo doon nakatakip ang buong mukha nito ng cap at facemask pero meron itong pamilyar na mukha

Naramdaman ni Juan ang pagbungo ng kung ano sa likod nya at nakita nya si Carlo na nakatingin din sa parehong estranghero tumungo ito sa kanya at nagsimula silang dahan dahang maglakad papunta dito at doon na nga sila napansin nito

Kumaripas ng takbo ang estranghero at agad na sumunod sila Juan at Carlo patungo dito sa kanilang paghabol hindi maiwasan ni Juan na mapagod at huminto. Pinagmasdan nya ang patuloy na paghabol ni Carlo sa estranghero at ang pagkawala ng dalawa pagkatapos nila lumagpas ng building at doon nga napansin ni Juan ang kung anong nahulog sa sahig

Pinulot nya ito at napalunok sa kanyang nakita na ang parehong classroom picture ng kanilang buong clase at lahat ng mukha dito ay may ekis na marka at ang tanging natitira lamang ay ang kay Carlo, Lisa, Anna at ang sa kanya

Hinaplos ng kanyang daliri ang mukha ni Sir Antonio na meron kakalagay lamang na ekis dahil ang tinta ay lumatak sa mga daliri ni Juan at sya ay nagsimulang mangamba tungkol kay Carlo na humabol dito

Isinuksok ni Juan ang litrato sa kanyang pitaka at nagpatuloy na humabol kay Carlo at doon nga nya nakita na nakasandal si Carlo sa tabi ng building hawak hawak ang kanyang tagiliran

"Anong nangyari?" Tanong ni Juan kay Carlo pero umiling lamang ito at nagpatuloy na naglakad pabalik dahil nakita nya na nahihirapan maglakad si Carlo inakay ni Juan ito at tahimik silang naglakad

Sa Loob ng Hospital tahimik na nagmamasid ang apat sa kanilang professor dahil lahat ng mga pamilya ni Sir Antonio ay wala sa bansa sila ang naiwan magasikaso dito. Hindi naman naging mahirap ang pagasikaso ng papeles dahil kilala naman ng lahat ang professor at ang direktor ng hospital mismo at mayor ay mga dating estudyante nito

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Carlo hawak parin ang kanyang tagiliran

"Bago ka magtanong nyan sabihin mo muna kung anong nangyari sayo?" Wika ni Lisa sa kanya

"Meron kaming nakitang isang suspicousong tao doon sa eskwelahan at hinabol namin" Aniya ni Juan at agad syang sinabat ni Lisa

"Hinabol namin? Pero bakit si Carlo lang ang napuruhan sa inyo"

"Lisa. bakit hindi mo muna sila patapusin magsalita" Sabat ni Anna kay Lisa

Nagbuntong hininga si Carlo, "Wag tayong gumawa ng masyadong ingay dito respetuhin naman natin si Sir" binitawan nya ang kanyang pagkakahawak sa kanyang tagiliran at doon nga sya nagsimulang dumaing sa sakit, "Nahawakan ko na sya kaso natamaan nya ko sa tagiliran at nakatakbo"

"Teka tatawag ako ng doctor para sayo" Sabi ni Lisa at papaalis na sana sya ng kwarto ng hinawakan ni Juan ang kanyang braso, "Ano?"

"Bago ka umalis meron kayong dapat malaman" Pinakita ni Juan ang picture na kanyang napulot, "Nahulog to nung taong hinabol namin makikita na tayo na lang apat ang walang ekis"

MariaWhere stories live. Discover now