8

2 0 0
                                    

Hindi maiwasan ni Juan habulin ng kanyang tingin ang naglalakad na si Maria at doon nga lang sya nabalik sa kanyang katinuan noon naramdaman nya ang isang kamay na nakapatong sa kanyang balikat at doon nga nya nakita si Carlo na nakatingin sa kanya

"Anong problema?" Tanong ni Carlo ng may pagaalala

"Wala naman" Sagot ni Juan at doon nga sila nagsimulang maglaro muli matagal din silang naglaro at nag ensayo nangmatindi at hindi maiiwasan ni Juan na magsimula na mairita dahil sa pagpatuloy na pagtagos ni Carlo sa kanyang defensa ng naipasa nanaman kay Carlo ang bola agad na humarang si Juan uli at ngayon ang mga mata nya ay nakatitig lamang sa bola at agad nya itong dinakma munit agad na nakaatras si Carlo at nakalagpas sa kanya.

Dahil sa pwersa ng kanyang pagsubok na pagdakma sa bola napasubsob si Juan sa sahig at ang tangi nya lang na magawa ay pagmasdan si Carlo na tumalon at ishinoot ang bola sa ring

Lumagapak si Juan sa sahig at naramdaman nya ang pagkirot sa kanyang kanang balikat kung saan sya bumagsak at napuruhan munit walang sinabi si Juan at tangi lamang syang tumayo at kinagat ang kanyang mga labi

"Ang galing mo talaga, Carlo" Nakita ni Juan na iniangat ng isa sa kanilang mga kagroupo ang kamay ni Carlo at pinalibutan sya ng mga papuri at doon nga lumingon si Carlo kay Juan

"Ayos ka lang?" Tanong ni Carlo munit hindi sya pinansin ni Juan at tangi lamang na naglakad papalayo sa upuan para makakuha ng tuwalya na ipinunas nya sa kanyang mukha at ipinatong sa kanyang balikat

Napatingin si Juan sa kanyang telefono at doon nga nya nakita ang oras at napansin kung gano pala katagal silang nagprapractice excuse sila sa lahat ng clase ngayong araw kaya hindi nya masyado itong inalala

"Juan" Narinig ni Juan ang malambing na tinig ni Maria at agad nya ibinaling ang kanyang ulo patungo dito at doon nya nga nahanap si Maria sa labas ng court na napapalibutang ng wire upang hindi makalabas ang bola at makapanakit na nakatingin sa kanya at may hawak na bote ng tubig

"Nakita ko yung laban nyo ni Carlo halos masabayan mo na sya" Wika ni Maria kay Juan na agad na napanganga ng kaunti sa kanyang sinabi

"Talaga?" Nailang si Juan at napatingin sa direction ni Carlo, "Halos lagi nga syang nakakatakas saakin eh"

Napatawa ng kaunti si Maria, "Ikaw lang halos sa groupo nyo ang nakakahabol kay Carlo sa court kaya wag kang masyadong malungkot"

Doon nga iniabot ni Maria ang isa sa mga bote na kanyang hawak kay Juan na agad namang tinangap ni Juan at sa pagabot ni Maria ng bote accidenteng nahawakan ni Juan ang mga kamay ni Maria at para ba syang nakuryente at parang tumalbog ang kanyang puso at agad syang napatingin sa mga mata ni Maria na nakatingin pabalik sa kanya

"Sige kunin mo na" Itinulak ni Maria ang bote kay Juan at nagpatuloy sya maglakad muli at umikot sa gate ng court kung saan nakatayo si Carlo at kinakausap ni Sir Antonio

Nakita ni Juan ang ligaya sa mata ni Carlo noong nakita nya si Maria at ang agad na pagtakbo nito patungo kay Maria na agad inabot ang bote na natitira sa kanyang kamay

"Sabay ba tayong uuwi mamaya?" Tanong ni Maria Carlo na dali-daling inonom ang tubig na ibinigay ni Maria

Nilagok ni Carlo ang tubig at pinunasan ang kanyang labi at sumagot, "Baka matagalan kami meron pang pinapagawa si sir Antonio saakin

Nalungkot ang mukha ni Maria, "Ganon ba? Sinabihan ko pamandin si lisa na sasabay ako sayo ngayong uwian"

"Ganon ba?" Napakamot ng ulo si Carlo, "Friday nga pala ngayon noh? Cleaners ka pala"

Napabuntong hininga si Maria, "Kaya nga at ang masaklap ngayon eh absent yung karaniwang kong kagroupo tumatakas naman yung iba"

Napasimangot si Maria, "Napakaduga talaga hays"

MariaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant