9

0 0 0
                                    

Sa loob ng classroom makikita si Maria na nagpupunas ng bintana sa may tabi at humihig ng kanta habang hinahaplos ng hangin ang kanyang mukha at doon nga nakita ni Maria ang isang dumi na nasa maliit na parti sa may itaas na parte ng bintana agad nyang hinila ang isang upuan at hinila nya ito papunta sa may tabi at tinungtungan ito

Napansin ni Maria na medyo mataas ang kanyang parting gustong linisin kaya itiningkayad nya ang kanyang mga paa..

Ang kanyang mga paa?

Isang estudyante ang dumating habang at nakita nito si Maria at sa isang mabilis na decision dahan dahan syang lumapit kay Maria at isang maliit na pwersa lamang agad na nawalan ng balance si Maria at mabilis na nahulog sa bintana at bumulusok pababa

Anna

Lisa

Carlo

Juan

Hinampas ni Marisol ang kanyang mga kamay sa lamesa at napukaw nito ang attention nilang apat kasama at halos napatalon si Anna sa kanyang inuupuan dahil dito

"Merong hindi nagtutugma dito" Aniya ni Marisol at doon nya nga isa isang dinuro ang apat, "Meron kayong itinatago hindi ba?"

"Pano ka naman nakakasiguro?" Tanong ni Anna dito at nagulat si Anna sa pagtayo ni Marisol sa inuupan nito at paglapit sa kanya doon nga inilabas ni Marisol ang isang baril at itinapat ito sa ulo ni Anna

Napahingang malalim si Anna at napataas ng kamay nadadama nya ang malamig na bakal na nakatutok sa kanya napatayo sila Carlo, Juan at Lisa sa kanilang inupuan

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Carlo at doon nga napunta ang attention ni Marisol sa kanya at nagsimula syang dumistansya kay Anna munit nakatutuk parin ang baril niya kay Anna

"Sa inyong apat merong pumatay sa kapatid ko at ngayon kung walang susubok umamin dito papatayin ko na lang kayo isa isa" Sagot ni Marisol

"Ano!? Pero pano ka nakakasiguro na isa saming apat?" Tanong ni Juan at doon nga natutok ang baril sa kanyang direction at napataas sya ng kamay

"Ikaw! Ikaw ang may possibleng may motibo!" Ikinasa ni Marisol ang baril, "Possibleng noong araw na yon hindi ka nya sinagot kaya tinulak mo sya!"

Humarang si Anna sa harap ni Juan, "Pakiusap hindi magagawa ni juan iyon"

"Pano mangyayari yon!" Promotesta si Juan, "Hindi ko nga manlang nagawang maamin ang nararamdaman ko sa kanya"

"Pero sapagkwekwento mo pa lang hindi mo nga kayang tangalin ang kahibangan mo sa totoo" Sagot ni Marisol at doon naman napatingin si Marisol kay Anna at ibinalik kay Juan, "Sure ka bang si Maria talaga ang nagbigay sayo ng tubig!? Isipin mo maigi!!"

"Ano?!" Napakunot ang noo ni Juan, "Anong pinagsasabi mo?! Si Maria-"

"Ako yun" Sabat ni Anna, "Ako ang nagbigay ng tubig sayo. Juan"

Napakirap ng mata si Juan, "P-pero pano yun s-si Ma-?" Napahawak ng ulo si Juan at doon nga nagsimulang naghalo ang mga mukha sa kanyang isipan at ang mga memorya noong araw na yun ay para bang nawala sa pagkakasalansan nito

Kumirot ang ulo ni Juan para bang meron syang importanteng nalimutan na hindi maipaliwanag na itinago nya sa kanyang sarili matagal na panahon na parang tinutusok ng maraming karayong ang ulo ni Juan at drinidrill ng maigi at hindi nya maiwasan hilahin ang kanyang sariling buhok sa sakit

"Juan?" Nagaalalang tawag ni Anna kay Juan at agad nga itong lumapit para saluhin si Juan na agad na bumagsak sa kanyang pagkakatayo at ang mukha nito ay punong puno ng sakit

MariaWhere stories live. Discover now