10

0 0 0
                                    

Ibinukas ni Juan ang kanyang bibig at doon na nga niya sinimulan sabihin ang memoryang itinago ng kanyang isipan

Noong araw na iyon pagkatapos ng pagupo ni Juan dahil sa pagyakap ni Maria sa kanya naglakad si Juan pauwi na merong ngising hindi mabura sa kanyang mukha munit bigla syang nalungkot noong nakita nya ang parehong teddy bear na nasa basurahan nagtaka sya at napaisip dahil dito at doon nya nga nakita si Maria naglalakad papalayo at doon nga nya nakita ang nangyari.

Pinagmasdan ni Juan si Maria sa labas ng classroom na maglinis at hindi nya nga maiwasan na mapansin ang paulit ulit nitong pagtingin sa telefono at sa labas na parang may inaasahan na pumunta

Doon na nga nakita ni Juan ang pagagos ng mga luha sa mata ni Maria at ang malungkot na pagtawa nito habang pinupunasan nya ang kanyang mga luha at doon nga nagsimula hilahin ni

Maria ang upuan at tinungtungan nya ito at nagtingkayad at saktong paghawi ng hangin sa classroom at ang pagaspas ng curtina nahulog si Maria sa may bintana munit nakakapit pa ito na parang may pagdadalawang isip

"Tulong" Wika ni Maria habang nakakapit sa may bintana at doon na nga pumasok sa classroom si Juan at sinubukan nya tulungan si Maria iangat munit

Munit para bang may naisip si Maria at ngumiti ito kay Juan at bumitaw, "Maria!!!!" Sigaw ni Juan dito at ang tangi nya lang nagawa ay pagmasdan bumulusok pababa at bumagsak sa sahig

...

Nagdilim ang mga mukha nila at hindi maiwasan ang panghihinayang sa mga mukha nila nagsimulang maiyak si Marisol

"Napakalungkot nya siguro" Iyak ni Marisol, "Nahirapan siguro sya" Awang awa si Marisol sa kanyang kapatid at hindi maiwasan ni Anna na maluha ng mapahagulgol

Napahingang malalim na laman si Carlo habang nakatingin sa dingding at sinusubukan hindi maging emotional, "Sana sinabi ko ang totoo"

Napatingin lamang si Juan sa mesa at ang kanyang buong katawan ay naginig sa kanyang masakit na nararamdaman sa kanyang puso hindi nya manlang nagawang tulungan si Maria. Kung inamin nya lang ang totoo kay Maria at pinakita na meron pang nagmamahal dito hindi na sana magpapakamatay si Maria

Tinakpan nya ang kanyang mukha ng kanyang kamay at doon nya na nga di maiwasan mapaluha ang kanyang sipon ay nagpahirap sa kanyang paghinga at di nya maiwasang mamula

"Tama na umuwi na tayo" Aniya ni Juan at doon nga sya tumayo sa kanyang kinauupuan at kahit mabigat ang kanyang kalooban at ang kanyang katawan dahang dahan syang naglakad pauwi at hindi na lumingon pa sa kanyang pinanggalingan sa maliit na bahay kung saan lumaki si Maria

"Sigurado kang hindi ka sasabay?" Tanong ni Carlo kay Lisa na umiling lamang sa kanyang tanong at doon na nga iniangat ni Carlo ang bintana ng kotse at tinapakan ang kanyang pedal ng gas at nagsimula siyang umalis

Tiningnan ni Carlo ang kanyang rear view mirror kung saan tahimik na nakaupo si Anna na may pulang mga mata hindi lang nasira ang puso ni Anna ngayon munit nadurog pa ito sa kanyang panghihinayang ang mga what-ifs sa utak niya kasama ang mga bagay na sana kanyang sinabi at ginawa para mabago ang nangyari ay patuloy na nagrereplay sa utak nya para bang sinusubukan nitong gumawa ng paraan pero..

Patay na si Maria at mananatili itong patay kahit anong gawin nya at dahil doon niyakap ni Anna ang kanyang mga tuhod at tahimik lamang na umiyak sa tabi

Binigyan siya ng privacy ni Carlo at ibinaling nito ang kanyang ulo sa rear view mirror kung saan makikita si Marisol at Lisa na nakatayo at naguusap sa may labas ng bahay makikita nyang nagsasalita si Lisa pero hindi nya na to pinansin at dineretcho nya ang tingin sa pagmamaneho

MariaWhere stories live. Discover now