Simula

2.4K 38 0
                                    

"Rain, tama na 'to. Hindi na tama ang pabayaan mo ang sarili mo. Dahil kahit anong gawin natin hindi na natin siya maibabalik pa."

Mula sa picture frame na hawak ay napaangat ang ulo ko para tingnan ang matalik na kaibigan. Napailing ako nang makita ang awa at pag-alala sa mukha niya habang hawak ang isang tray na puno ng pagkain.

"Tama na? Hindi, Wize. Wala pa akong nakikitang dahilan para tumigil. Ayokong pagsisihan sa huli na sumuko na lang ako bigla."

Muli kong ibinalik ang paningin sa litrato namin ng asawa ko. Iyon ang picture namin nang kinasal kami. Nakapaskil sa mga mukha namin ang saya. Kahit sa litrato ay makikitang masaya talaga kami sa araw na iyon.

Saya na hindi ko inaasahan na agad din naman palang magtatapos nang mawala siya.

"Pero ilang ulit ba kailangan ipaintindi sa'yo na wala na talaga, Rain?" Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. "Dalawang buwan na ang nakakalipas. Sinuyod na natin ang buong karagatan para hanapin siya, pero ano? Wala tayong napala!"

Tumalim ang tingin ko hanggang sa hindi ko maiwasang mapahikbi dahil sa sinabi niya. "A-Ano ang gusto niyong gawin ko, Wize? Tumigil at sumuko na lang? P-Para niyong inutos sa akin na magpakamatay na lang!"

Nakita ko ang pagtiim bagang niya. Alam kong naiinis na siya sa 'kin pero hindi ko nagawang intindihin pa iyon. Gusto nilang tumigil ako, iyon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.

"Kapag pinagpatuloy mo pa itong ginagawa mo ay ang anak mo ang mapapahamak. Isipin mong mahina ang kapit ng bata, Rain. Nag-iisip ka pa ba, ha?"

Naitikom ko ang bibig. Napayuko ako nang sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang himasin ang tiyang may maliit ng umbok.

Dalawang buwan na akong buntis at dalawang beses na rin akong dinala sa hospital dahil dinugo, masilan ang pagbubuntis ko. Masyado akong stress nitong nagdaang buwan.

Anak, sorry kung sobrang tigas ng ulo ng Mommy mo. Patawad kong napapabayaan na kita.

Mariin kong ikinuyom ang mga kamay. Pinipigilan ang sariling huwag magalit lalo dahil alam kong sasabayan ni Wize ang galit ko. Hindi kami magkakaintindihan.

Kapag nangyari iyon ay baka mapikon siya. Kilala ko siya, mahihirap akong kausapin siya kapag galit. Mauubos ang gamit namin sa bahay sa kakasira niya.

"Anong magagawa ko kung ayaw pa ding sumuko ng puso ko? Alam ko Wize... nararamdaman kong buhay pa ang asawa ko." Napalabi ako at pilit pinipigilan ang mapahikbi. Bahagya pa akong umiling. "T-Titigil lang ako kapag may hinarap kayong bangkay sa akin. Hangga't wala akong nakikitang bangkay ni Ghon, hindi ako titigil...hindi ako susuko."

Hindi ko lang matanggap na paulit-ulit nilang sinasabi na wala na ang asawa ko pero ni bangkay niya ay wala silang mahiharap sa akin. Ghon is my husband and I know he's still alive.

At nangako ang asawa ko na bubuo kami ng pamilya, alam kong tutuparin niya iyon. Hindi ugali ni Ghon ang baliin ang pinangako nito.

"Rain, maawa ka naman sa-"

Pinaglapat ko ang mga labi at paulit-ulit na umiling. Pinunasan ko ang mga luha at dahan-dahang gumapang sa kama patungo sa higaan.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now