Kabanata 8

810 26 4
                                    

“Isang subo pa.”

Umiling ako nang ilapit siya sa aking bibig ang kutsarang may lamang sopas. Niluto iyon ni Aling Nina at si Ghon ang nagsusubo sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito siya dahil sa pagkakaalam ko ay may klase siya. Lumiban ba siya dahil sa akin?

“Isa na lang, Rain.” Muli akong umiling at iniwas ang aking mukha. Pakiramdam ko ay busog na busog na ako kahit nakatatlong subo pa lang ako. “Hindi pwedeng pabayaan mo ang sarili mo. Baka mapaano pa si babay. Please, isang subo na lang.” Sumimangot ako na naging dahilan para mahina siyang mapatawa. Wala akong nagawa kundi ang ngumanga at tinaggap ang sinubo niya. Pagkatapos no'n ay hindi na talaga niya ako napilit pa.

Naroon lang siya buong araw para alagaan ako. Ni hindi siya umalis sa tabi ko at iyon ang gustong-gusto ko. Kahit panandalian lang ay sumaya ako. Dahil sa kabila ng pagtulak niya sa akin palayo at sakit na pinararanas nagawa niya pa rin akong alagaan. Ngunit nang gumabi ay umalis siya dahil tumawag si Lore. Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha nang sabihin ng babaeng umuwi ito at hinihintay siya sa bahay nila. Ni hindi siya nakapagpaalam sa akin.

Mahihinang paghikbi na ako lamang ang aking nagagawa na tanging ako lang ang nakakaalam. Mga sakit na ako lang ang tanging nakararamdam. Nagtalukbong ako at patuloy sa pag-iyak. Hanggang sa nagising ako kinaumagahan na dala pa rin ang bigat at sakit na aking naramdaman. Maayos na ang pakiramdam ko kaya nagawa kong puntahan si Ghon sa bahay nila.

Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa bahay nila nang marinig ko ang halakhak nila. Masayang-masaya sa piling ng isa't isa. Nakita ko sila sa labas ng kanilang bahay, makaupo sa mahabang upuang kahoy. Nasa likuran si Ghon habang yakap si Lore sa likuran.

Parang may kumurot sa puso ko habang nakatitig sa kanila. Mapait na ngumiti. Akmang tatalikod na nang mag-angat ng tingin si Lore at nakita ako. Nilingon niya si Ghon at may sinabi dito para tumayo ang asawa ko saka pumasok sa loob. Nangunot ang noo ko nang makitang lumabas ng gate si Lore at nilapitan ako. Akala ko ay isang linggo siya doon.

“Pwede ba tayong mag-usap?” Tinitigan ko siya pagkatapos ay tumango. Hindi ko alam kong anong pag-uusapan namin. Sana lang ay tungkol ito sa asawa ko.

Dinala niya ako sa tabing dagat, kung saan hindi makikita ang kanilang bahay. Para siyang takot na baka makita kami ni Ghon. Ganoong na lang kasi ang pasulyap-sulyap niya sa bahay nila.

“What do you want?” I asked.

“Stay away from my husband—�” Pinutol ko ang sasabihin niya. Pagak akong tumawa at tinaasan siya ng kilay.

“MY husband you mean?” diniinan ko ang unang salita. Nakita ko ang pamumutla niya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. May hinala akong may alam siya.

“Asawa ko siya, Rain.” Doon ako natigilan. Hindi dahil sa sinabi niyang asawa niya talaga ito kundi dahil sa tinawag niya. Kilala niya ako. Pakiramdam ko ay matagal na niya akong kilala. “Simula nang makita at mahalin niya ako ay sa akin na siya. Lumayo ka na lang dahil kahit anong gawin mo hindi ko siya ibibigay sa'yo! Hindi mo siya makukuha sa akin!”

Nasaktan ako pero ayokong isuko ang asawa ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nagtungo pala siya sa Manila at paniguradong may nalaman din siya doon. Imposibleng wala dala nagkalat ang mukha ni Ghon doon.

“Sino bang nagsabing kukunin ko siya sa'yo? Alam mong simula pa lang walang sa'yo, Lore. Hindi ko siya kukunin dahil aangkinin kong muli ang asawa ko. Hindi ko alam kung paano mong nakuha ang singsing ng asawa ko sa daliri niya dahil imposibleng makuha iyon ng kung sino lang. At ang kapal ng mukha mo para magpanggap na asawa niya. Habang kasal kami, wala kang ibang itatawag sa sarili mo kundi kabet ng asawa ko,” mariin kong wika at tinalikuran siya. Ayokong makausap na siya. Gusto kong alamin ang nangyari kay Ghon ngunit hindi ko gugustuhing kausapin ang babaeng iyon.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now