Kabanata 19

1.7K 23 1
                                    

Pain. Sa buhay ng tao hindi ko masasabi  kompleto kung hindi mo nararanasang masaktan ng tudo. We hurt in different ways. When I was a little, my parents never let me hurt. Sobrang protective at maalaga nila sa akin. Kaya pala. They protect me all their live because they know that I'll hurt this much now. Malaking pagsubok pala ang susuongin ko ngayon. The big challenge comes on my life was too much to handle. Halos ikasira ng buhay ko.

I shook my head. Sumunod si Ghon sa akin pagkatapos kong mag-walk out doon. Mahigpit kong niyakap ang mahabang unan at binaon ang ulo doon. Bumaon ang kama sa likuran ko hanggang sa maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko. Hindi siya nagsalita, pero parang sinasabi lang din niyang naroon lang siya lagi sa tabi para alalayan ako.

“Ang sakit sakit...sobrang sakit...Ghon, paano nagawa ni Daddy sa akin ito?” humihikbing wika ko. “Anak niya ako. Hindi ba niya naisip na kapag ginawa niya iyon ay masasaktan niya ako ng sobra? Anong klaseng ama siya para gawin ito sa anak niya?” Humigpit ang yakap niya sa akin kaya lalo akong napaiyak. “Matatanggap ko pa kung ibang tao ang gumawa no'n pero hindi eh? Ghon, si D-Daddy iyon eh. Ang hirap paniwalaan, ang hirap isiping ginusto niyang sirain at saktan tayo. Paano niyang nagawang makipagsabwatan pa sa iba? Galit na galit ako ngayon sa kanya, Ghon. Pakiramdam ko kahit anong hingi niya ng tawad ay hindi ko pa rin kayang patawarin siya. The worst pain is getting hurt by a person I explained my pain to. Lahat ng pinagdaanan kong sakit at pagdurusa ay alam niya. Nakita niya na halos ikamatay ko ang pagkawala ng anak ko. Pero wala man lang siyang ginawa. Oo nga't ama ko siya pero ang sama-sama niya. Wala siyang kasing sama!”

“Honey...” Humarap ako kay Ghon. Bumuntonghininga siya nang matitigan ang luhaan kong mga mata. Maingat niyang pinunasan iyon gamit ang kamay niya.

“I-Ipapakulong mo ba ang Daddy ko d-dahil sa ginawa niya sa'yo?” Yumuko ako at bahagyang tumango. “Kahit anong desisyon mo ay ayos lang sa akin. Huwag mo akong isipin. Gawin mo ang alam mong tama. Kailangan niyang pagbayaran ang naging kasalanan niya. He deserve it. Even though I love him I won't tolerate what he did. Namatay din ang anak natin. Kahit hindi siya ang direktang nagtulak sa akin ay siya ang naging rason kung bakit humantong sa gano'n.”

Matagal bago siyang nakapagsalita. Blangko lang siyang nakatingin kaya hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Sa totoo ay ayos lang sa akin na ikulong si Daddy. Halos ikamatay pa naman niya iyong nangyari. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya noon. Kung hindi siya pinalad ay baka matagal na rin namin siyang pinaglalamayan.

Nakita ko ang pag-iling niya. Hinaplos ang mukha bago ibuka ang kanyang labi. “I don't have plan ko imprison him, honey.”

Natigilan ako. Inaamin kong labis akong nagulat sa sinabi niya. Sino ba naman kasing hindi, ‘di ba? Halos ikamatay niya iyon. Ang dami ring nangyari sa kanya dahil sa ginawa ni Daddy. Inaasahan kong ipapakulong niya ang Daddy, ni hindi ko man lang nga naisip ang sinabi niya.

“Ghon...”

“Matanda na rin ang Daddy mo at may sakit pa. Alam ko namang pinagsisisihan na rin niya ang ginawa niya. Huwag mo na munang isipin pa iyon. Nandito tayo dahil gusto mong lumayo sa Daddy mo. Pero gusto kong kalimutan mo muna ang lahat ng problema at isipin na nandito tayo para magsaya.” Hinagkan niya ako sa noo.

Pero bigla akong may naalala...

Pinunasan ko ang mga luha at tinitigan siya. “Ano ang ibig sabihin ni Lore kung ganoon? Nalaman niyang umuwi na tayo? Why, saan ka ba pumunta? Huwag mong susubukang magsinungaling.”

Nakita kong natigilan siyang muli. Bumuntonghininga at nagkamot ng kilay. “I'm in Italy.”

Nanlalaki ang mata at nakaawang ang labing napatingin ako sa kanya. Anong sa Italy? Andoon ako sa Italy? Anong sinasabi niya?

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن