Kabanata 5

827 24 3
                                    

Tahamik kaming nasa hapag ni Ghon. Ilang minuto nang matapos ang pag-uusap namin ay lumabas si Aling Nina at nakita kami ni Ghon. Mukhang alam niyang nagkasagutan kami ni Ghon dahil sa luhang nakita sa mata ko. Niyaya niya si Ghon para mag-agahan na hindi naman tinanggihan nito. Ayoko sanang sumabay ngunit hinila na ako ni Aling Nina.

“Hindi pwedeng hindi. Baka nagugutom na ang baby mo.”

Humugot ako ng malalim na hininga at nagsandok kanin para lagyan ang plato ni Ghon. Kusang kumilos ang katawan ko kaya mukhang nagulat ito, kahit ako ay natigilan. Mariin kong ipinikit ang mga mata. Nasanay akong ako lagi ang gumagawa no'n sa kanya. Nakatingin lang naman si Aling Nina at Grace sa amin.

“Thank you. You don't need to do that.” Hindi ko siya pinansin at sumandok na lang nang akin. Tahimik na kumain ako habang si Aling Nina ay kinakausap si Ghon. Naramdaman ko ang pasulyap-sulyap ni Ghon sa 'kin. Kaya bawat pagsubo ko ay may pagmamadali. Nang maramdaman ko ang init ng kamay niya sa hita ko ay napaubo ako.

“Dahan-dahan, miss.” Binigyan niya ako ng baso na may tubig, derederetso ko iyong ininom. Hindi ko na lang ulit siya pinansin dahil sa lalim ng pag-iisip ko.

Kunot ang noong nagpatuloy ako sa pagkain. Gayong wala si Lore siguro naman pwede kong simulan ang pagpapaalala sa kanya? Sapat na siguro ang isang linggong iyon para magawa iyon. Pipilitin ko siya sa ayaw at sa gusto niya.

“Do you want to come?” Nasa salas ako nang lapitan ni Ghon. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Bumuntonghininga ako at tumingala sa kanya. Hindi na ako nagdalawang-isip pumayag kahit hindi ko alam kung saan ang punta namin. Inalalayan niya akong tumayo, nagpaalam kay Aling Nina na aalis muna. Nakasulod lang ako sa kanya patungo sa kung saan. Nakatitig sa kanyang likuran at nagtataka din sa kinikilos nito ngayon. Parang kamakailan lang ay parang inis pa siyang makita o makasama ako.

“Nasaan tayo?” Pinaupo niya ako sa isang kubo, malayo iyon sa mga kabahayan. Nang tingnan ang paligid ay nakikita kong ito lamang ang kubo roon.

“Tambayan naming dalawa ni Lore ito. Pinili naming gawin ito malayo sa mga kabahayan para masolo ang isa't isa.” Si Lore na naman. Dinala ba niya ako dito para lalong saktan lang? Nasasaktan akong isipin na ganoon nga ang pakay niya. Parang gusto niyang ipamukha na ang babaeng iyon ang mahal niya. Na kahit anong sabihin ko sa kanya ay ito pa rin ang pipiliin niya. It's like he was giving me his answer without knowing it. Tumayo ako, kuyom ang kamay na akmang aalis nang hawakan niya ang kamay ko.

“Please stay.”

Kumabog ang puso ko at hindi maiwasang masaktan lalo. “Para ano, Ghon? Para saktan lang din? Sumama ako sa'yo hindi dahil pakinggan ang tungkol sa babae mo.”

“Sorry. Hindi ko maiwasan.” Hinila niya ako paupo muli. “I just love her.”

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang iyon, hindi ko inaasahan. Tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagtayo ko at pagsampal sa kanya. Pumaling ang mukha niya sa kabila. Nakikita ko ang pamumula ng mukha niya.

“You just love her? How about me then? Our baby? I am your wife, Ghon! Ako ang pinangakuan mo sa simbahan, hindi siya!” Paulit-ulit ko siyang sinampal hanggang sa mapagod ako. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napaupo. Tinakpan ang mukha at umiyak habang minumura siya. “P-Paano mong nasasabi ko sa harap ko ang bagay na iyan? Naintindihan kong wala kang maalala pero sobra naman ito, Ghon. N-Nangako kang ako lang ang mamahalin mo at walang iba. Binigay ko naman ang lahat ah, kulang pa ba iyon para manatili ka?”

Bumaba ang tingin niya at wala akong makitang emosiyon doon. “I'm Tame Azarcon. At wala akong ibang asawa kundi si Lore lang.” Tumayo siya at hindi man lang ako tinulugang makatayo. “I'm sorry but I just only want my Lore. Siya lang ang mahal ko at mamahalin pa. Makaalala man ako o hindi, siya pa rin ang pipiliin ko.” Umalis siya nang hindi ako nilingon pang muli.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now