Kabanata 12

1.7K 30 1
                                    

After that heart to heart talk with Ghon I never let him come near me again. Sa tulong ni Wize ay magawa ko naman iyon. Naglagay ng bodyguard si Wize sa labas ng kwarto ko habang narito ako sa hospital. Sa tatlong araw kong narito sa hospital wala akong ginawa kundi ang umiyak at paulit-ulit na sinisi si Ghon sa lahat.

Sa puntong iyon ay hindi ko hinayaang madaig akong muli ng pagmamahal ko sa kanya. Lahat ng rason para magalit ako sa kanya ay tinatak ko sa utak ko.

"I want to go back in Manila. I don't want here anymore, Wize. I-Iuwi ko na ako." Niyakap ako nang mahigpit ni Wize. Ramdam ko ang matindi niyang pag-alala sa akin.

Nahihirapan na akong manatili pa rito. Dahil sa bawat pagpikit ng mga mata ko at sinusubukang maging payapa ay siya namang iyak ng bata ang naririnig ko. Hirap na hirap akong makakatulog nang hindi tinuturukan nang pampatulog. Kapag nag-iisa ako ay para bang naririnig ko ang isang batang humihingi ng tulong. Natatakot din ako pero sa kabila no'n ay lamang ang kirot na nararamdaman ko.

"Aayusin ko agad ang pag-alis natin mamaya. But for now, kailangan mong magpahinga dahil tatlong araw ka ng hindi nakakatulog ng maayos." Hinagkan niya ako sa noo bago dahan-dahang hiniga. "Kapag nakatulog kana saka ko aasikasuhin iyon. So sleep, Rain. Your parents really miss you."

Tumango ako. Dahil na rin siguro sa pagod na naramdaman ko ay nagawa kong makatulog agad. Ngunit hindi madaling makatulog ako ng mahimbing. Ilang beses akong nagising dahil sa boses ng batang naririnig ko. Ngunit pinilit kong makatulog.

Nagising lang akong buhat ni Wize. Hindi na ako umangal pa. Ipinilig ko ang mukha sa dibdib niya at ang mga braso ay pinalibot sa kanyang leeg. Sumama sa amin si Aling Nina at Grace nang patungo kami sa daungan ng mga barko.

"Mag-iingat ka roon, ha? Kapag bakasyon ni Grace ay pupuntahan ka namin roon." Niyakap ako ni Aling Nina habang umiiyak naman si Grace.

Kahit sa sandaling panahon lang kaming nagkakilala ay napaka-importante na nila sa akin. They're my first family here in Palawan. Unang tungtong ko sa islang ito ay sila talaga ang nagkupkop sa akin. Ang pag-aalaga at pagmamahal nila sa akin ay hindi ko malilimutan kailan man.

Niyakap ko sila ng mahigpit at marahang tumango. Hindi ko magawang umiyak dahil pakiramdam ko ay naubos na ang luha ko. "Take care."

Bago pa kami makaakyat ni Wize sa yate nito ay may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ay nakita ko si Ghon, patakbo itong nagtungo sa harap ko. Malamig ang mga titig ko sa kanya. Parang may sumakal sa puso ko nang mapagmasdan siya. Umiwas ako ng tingin nang maalala ang anak ko. Sa pag-iwas ko ay nagtagpo ang paningin namin ni Wize. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya.

"Honey? Please, let's talk," pagmamakaawa niya at sinusubukang hawakan ako ngunit agad akong hinila ni Wize.

"Wara kang karapatang kausapin pa siya Ghon, pagkatapos nang ginawa mo? Tangina mo, pare! Alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya niyo ang unang tagapagmana mo, pero wala na! Ikaw ang pumatay sa anak niyo!" sigaw nito at humigpit ang hawak sa akin. Bahagya pa nitong tinulak si Ghon palayo sa amin.

Akala ko ay wala na akong mailuluha pa pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko, mabilis ko iyong pinunasan. I won't let him see my weakness this day. Ayokong tingnan ang reaksiyon niya dahil mas lalo ko lang nararamdaman ang galit at pagkamuhi sa kanya.

"Sa aming lahat..." Tinuro ako ni Wize, "ang babaeng ito ang natatanging taong hindi nawalan ng tiwala na buhay ka pa! Ang tanging taong hindi sumuko na hanapin ka! Pero ano ang kapalit ng lahat no'n? Winasak mo siya, Ghon! Lalo mong winasak ang babaeng pinangako mo sa Ama! Kaya wala kang karapatan na kausapin pa siya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya!"

"I didn't know... kung alam ko lang agad hindi ko-"

"How can you know it, kung ayaw mo akong maalala pa? At mukhang nakakalimutan mo ang sinabi mo noon sa akin." Tinitigan ko siya nang walang emosiyon. "That even you remember me, ang babae mo pa rin ang pipiliin mo. And I'm giving it to you, I don't care of you remember me or not. Starting this day, I'm letting you do whatever you want. You're free to love her, Ghon. Pagdating ko sa Manila ay aasikasuhin ko agad ang annulment paper natin." I force to smile.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora