Kabanata 1

1.1K 34 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinig ng araw na siyang tumatama sa aking mukha. Kunot ang noong iminulat ang mga mata kasabay ng mga boses na naririnig ko sa labas ng bahay. Nararamdaman ko ang muling pagsara ng talulap ng mga mata ko dahil sa antok. Siguro dahil naninibago ako sa lugar kaya hindi ako masyadong nakatulog.

Susundan mo ba si Lore sa trabaho niya? Aba'y hindi naman maghahanap roon ng iba ang asawa mo.” Iyon ang narinig kong sabi ni Aling Nina sa kausap niya.

Naninigurado lang Aling Nina, ang dinig ko kasi ay may bagong pasok doong binata na panay ang tingin sa asawa ko. Hindi naman ako magtatagal doon, maaga ang pasok ko.”

Natigilan ako, bahagyang kumunot pa ang noo. Hindi iyon dahil sa sinabi ng kung sino kundi dahil sa familiar na boses nito. Iminulat ko ang mga mata at walang pagdadalawang isip na bumangon ngunit agarang natigilan din nang sumidhi ang sakit ng aking tiyan. Dahan-dahan ko iyong hinaplos.

“Baby, huwag muna ngayon ha? I'm going to look who is it,” pakiusap ko sa anak ko.

Napangiti ako ng biglang nawala ang pananakit no'n. Agad akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa labas ng bahay kung saan narinig ko ang mga boses. Ngunit nanlumo ako ng makitang walang tao roon maliban kay Aling Nina na nagdidilig na ngayon ng mga halaman gamit ang hose.
Sa kabilang kamay ay may hawak na walis.

Napatingin siya sa akin ng hindi inaasahan. “Gising kana pala, hija. Nakahanda na ang almusal mo roon sa kusina. Halika‘t sasamahan kita.” Lumapit siya sa akin at inalalayan ako patungo sa loob.

Tumango ako at nilibot ng tingin ang buong paligid. Muli ko siyang tiningnan. “May narinig po akong kausap mo kanina sa labas, who is it?”

His voice really look familiar to me. Sound like my husband. I want to added it but I stopped myself from doing it. 

Pagdating sa kusina ay pinaupo niya ako. Siya na rin ang nag-asikaso sa akin kahit na sinabi kong huwag na. Bigla ko tuloy naalala si Mommy. Bumuntonghininga ako at tiningnan lamang ang ginagawa niya.

Paniguradong hinahanap na nila ako ngayon. At sana ay nakita nila ang sulat ko, para kahit papaano ay maibsan ang pag-aalala nila. Pero sino ba ang niloloko ko? Alam kong kahit anong isulat ko doon ay mag-aalala pa rin sila gayon pang alam nila na buntis ako.

And I know that what I did was a impulsive decision. Pero masisisi ba nila ako? I'm desperate to find my husband. Ayokong manatili sa kwarto ko na wala akong ginagawa para hanapin siya.

Naglagay si Aling Nina ng tubig sa harap ko saka naupo sa gilid ko. Aling Nina was looking at me intently while smiling.  “Iyon ba? Ah, si Tame iyon. Aba'y ang lalaking iyon ayaw talagang humiwalay sa asawa.”

Maliit akong ngumiti nang marinig ang salitang huli niyang sinabi. Kumirot ang puso ko kasabay ng pagtango ko. Nagsimula akong kumain habang siya ay nasa tabi ko lang.

“Huwag kang masyadong lalayo. Kapag hindi mo alam ang daad pabalik ay magtanong-tanong ka na lamang,” wika niya nang magpaalam akong aalis muna para maglakad-lakad.

Ngunit ang totoo ay sisimulan ko ang paghahanap sa asawa ko. Ayokong magsayang ng oras at manatili na lamang doon sa bahay. Kaya nga ako pumayag na sumama dito dahil para hanapin ang asawa ko.

Tumango ako at umalis na. Habang naglalakad ay luminga-linga ako sa paligid. Maraming magagandang mga kabahayan ang nakikita ko. May mga batang naglalaro sa harap ng kanilang tahanan. May mga ginang na nag-uusap na halos ingudngod ang mukha sa kaharap na animo'y hindi naririnig ng kausap niya ang sasabihin. Umiiling-iling na nagpatuloy ako.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz