Kabanata 17

1.7K 21 2
                                    

Pagbaba ko sa living room ay agad kong nakita si Mommy Sofie kasama si Luna at ang dalawang lalaki, Wize at Ghon. Dumeretso ako kay Luna na agad naman akong nakita. Tumayo siya at sinalubong ako.

"M-Mommy!" Binuhat ko si Luna at tiningnan sila.

Mukhang hindi naman sila nagulat sa tinawag sa akin ni Luna kaya paniguradong alam na ng mga ito. Lumapit din si Mommy at Wize sa akin. Si Ghon ay nakitaan ko ng pag-alala sa mukha bago siya lumapit sa akin.

"We're going home, Mom."

"Hindi ba kayo pwedeng manatili dito ng ilang araw, anak?" Mabilis naman akong umiling. Ayoko. Baka bigla pa niyang malaman ang nangyari sa pagitan namin ni Daddy. Masasaktan lang siya.

"I can't, Mom. Aalis na po kami. Tatawag na lang ako." Tumingin ako kay Wize ngunit agad na lumapit sa akin si Ghon. Hinawakan niya ang baywang ko na kinasama naman ng mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ang paningin nito ay naroon lang kay Wize.

"Ako ang naghatid sa kanya dito, sa akin din siya sasakay pauwi. Let's go! Mom, we're going." Natigilan ako sa tinawag niya sa Mommy ko. Bakit gano'n pa rin ang tawag niya?

"Stop calling my Mom like that! We already divorce kaya pwede ba, Ghon." Siniringan ko siya at nanguna sa paglalakad. Kailangan ko pa ring magpanggap na galit. Ano gano'n gano'n na lang iyon? Ang dami kong pinagdaanan kaya maghirap siya.

"Divorce? Are we? I don't remembered that I signed the annulment paper, honey. Here?"

Bago niya buksan ang pinto ng kotse ay may nilagay siyang maliit na kahon sa kamay ko. It's a red box, para siyang lalagyan ng singsing. Sabay kaming napatingin doon ni Luna. Bago pa ako makapagsalita ay inalalayan na niya ako papasok saka niya mabilis na sinara ang pinto. Pinaupo ko lang si Luna sa kandungan ko dahil mukhang inaantok na agad ito.

"Mommy, what's that? Why Daddy give you a box?" Halos lumuwa naman ang mata ko dahil sa sinabi nito.

"Daddy? What?" Tumango si Luna saka nagtatakang itinuro nito si Ghon na kakapasok lang sa loob ng kotse.

"Daddy!" Napatingin si Ghon dito.

"Why anak?" What the hell is happening? Umakyat lang ako sa kwarto ni Daddy may eksina na silang ganito? Para akong nahilo bigla sa dalawa. Sumandal ako sa upuan at halos masahiin ang sentido ko.

Ipinikit ko ang mga mata hanggang sa maalala ko ang anak kong nawala agad sa amin. Then Luna's voice echoed on my ears. Nagsalubong ang mga kilay ko. Kung nandito lang sana ang anak ko, maririnig ko rin sana siyang tawagin ang ama niya ng gano'n.

'Sana nandito ka, Angel ko.' Bumuntonghininga ako at hindi na iminulat ang mga mata. Naramdaman ko ang paghiga ni Luna sa dibdib ko.

"Mommy, are thinking Angel again? Can you introduce me to her soon po? You told me that you will introduce me to her, Mom," daldal ng Luna ko. Lihim akong napangiti.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at tumango sa kanya. Nilingon ko si Ghon na tahimik. Alam kong sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari sa anak namin. Nang malaman ko ang dahilan ng pagsabog ng eroplano niya doon ako nakapag-isip ng mabuti. Pareho kaming naging biktima sa nangyari. Pareho kaming nasaktan at nawalan ng anak dahil sa epekto ng ginawa ni Daddy.

May kaunting inis pa rin akong naramdaman pero sa ngayon habang nakatingin ako sa kanya. Alam kong mas nananaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Sa dalawang taon kong pagkawalay, alam ko sa sarili kong siya pa rin talaga. Hindi siya nawala sa sistema ko araw-araw. Masyado akong marupok sa kanya kaya kahit ang inis ko sa kanya ay babaliwalain ko kapag nagmakaawa na siya sa harap ko.

"Deretso tayo doon, Ghon." Alam niya ang tinutukoy ko.

Dahan-dahan akong inalalayan ni Ghon pagdating namin sa sementeryo. Mula sa malayo ay kitang-kita na namin kung nasaan namin noon nilibing ang anak ko. My parents give Angel a great and luxurious burial. Pinagawan ito ni Mommy ng malaking bahay doon sa dulo malapit sa mga magandang tanawin. Kompleto ang mga kagamitan doon sa loob. Wala namang may nagtatangkang pagnakawan iyon dahil sa higpit ng bahay. Pinaliligiran ito ng matitibay at electric metal para sa mga magnanakaw. Sinisigurado ni Daddy na hindi magagambala nino man ang anak ko sa loob. Kung gugustuhin naming matulog doon para makasama ang anak ko ay pwede kaming manatili doon.

"Is she here, Mom?" nakatingalang wika ni Luna na kinatango ko.

Pagpasok namin ay agad kaming dumeretso sa gitna kung nasaan naroon ang puntod ng anak ko. Nilapag namin ang mga bulaklak na binili namin kanina bago tumungo dito. May mga bagong bulaklak pang nandito at paniguradong may nagtungo dito bago kami dumating. I think it's Ghon's parents. Nasa bahay kanina ang magulang ko.

"Mommy is here, my Angel. Kamusta kana diyan anak? Miss na miss ka na ni Mommy, anak." Hinaplos ko ang lapida niya nang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Patawad kung ngayon lang ulit nakadalaw si Mommy. Ngayong nandito na ako ay gusto kong ipakilala sa'yo ang kapatid mo." Pinaupo ko si Luna sa kandungan ko. "This is Luna, anak."

"Hello Angel, lagi kang kwento ni Mommy sa akin!" Nakangiting kumaway pa si Luna dito.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Ghon sa akin. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya nang ilapag niya ang bulaklak sa gilid. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Nanatili kami ng ilang oras doon. Lumabas lang kami nang makitang malapit ng dumilim ang paligid. Pinauna kaming lumabas ni Ghon dahil may gagawin lang daw ito sandali. Tumango naman ako ngunit nang masigurong hindi niya ako mararamdaman ay dahan-dahan akong sumilip sa pinto. Mabuti na lang at tulog na si Luna sa balikat ko.

Natigilan at naluha ako ng makitang nakaluhod at umiiyak si Ghon sa harap ng puntod ng anak namin. Bumubuka ang labi niya habang umiiyak. He's talking with our daughter. Ramdam ko ang nararamdaman niyang sakit, pangungulila at pagsisisi para sa anak namin. Lahat ng emosiyon nakikita ko sa kanyang mukha ay nararamdaman ko ng paunti-unti. Bumalik sa akin ang lahat ng paghihirap ko noong mawala sa akin ang anak ko. Mabilis akong tumalikod at nagtungo sa kotse.

Tahimik akong umiyak doon. At nang makitang patungo na si Ghon sa kotse ay agad kong inayos ang sarili ko. Kunot noo ko siyang nilingon.

"What you took so long?" Kahit na alam ko naman ang ginawa niya doon.

Sinulyapan niya ako bago pinaandar ang kotse. "Making up with my daughter? Sa amin na lang iyon." He smirk at me but I saw sadness on his eyes.

Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung saan niya kami dadalhin. Umaasa akong sa bahay namin dati niya kami dadalhin ngunit napansin ko ang hindi pamilyar na deretsiyon.

"We're going back to the Island." Mas mabuti na siguro din iyon. Hindi ko pa kasi kayang makita si Daddy sa ngayon. Mas makakabuting lumayo-layo muna ako. Magpapaliwanag na lang kay Mommy kapag tumawag siya.

Hinayaan ko si Ghon sa gusto niya. Dahil na rin siguro sa pagod, pagdating sa Isla ay dumeretso agad kami ni Luna sa kwarto at muling natulog.

"Let's wake up Mommy, Daddy." Hindi maiwasang magsalubong ang mga kilay ko nang may mga boses akong narinig malapit sa puwesto ko.

"No, baby. Hayaan mong makapagpahinga muna si Mommy." And that's Ghon voice.

Mabuti na lang at nakaintindi at nakakapagsalita din ng tagalog si Luna. Dahil iyon kay Jellian. Hindi na kami nahirapan magsalita ng Italian.

"Okay po!" At tumahimik na sila.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin ang dalawang nag-iingay sa tabi ko. Tinaasan ko sila ng kilay. When Luna saw me awake she smiled and kiss my cheeks.

"Good morning, Mommy! Me and Daddy cook you a breakfast. Daddy where it is? Give it to Mommy now Daddy, so she can eat it." Nahimigan ko ang saya at pagmamadali sa boses ni Luna kaya napangiti ako. Mabuti at masaya siya.

Inalalayan ako ni Ghon bago nilapag ang pagkain sa tabi ko. Tinaasan ko sila ng kilay ngunit ngumiti lamang ang mga ito.

"Pwede ko isama si Luna mamaya?" he asked suddenly.

Tumigil ako sa pagkain para tingnan siya. "Saan kayo pupunta?"

"Secret." Si Luna ang sumagot no'n kaya natawa ako.

Pumayag na ako dahil nakikita ko namang gusto din ni Luna na sumama kay Ghon. Hindi pa kami nakapag-usap ng maayos ni Ghon tungkol sa amin. Hindi ko alam kung may plano ba siyang ayusin ang sa amin o wala. Hindi naman siya kumikilos para ayusin namin ang relasiyong meron kami. Hindi naman niya siguro ako dinala dito para tumunganga lang at paghintayin sa wala?

Hindi naman na ako galit. Ginamot at muli ko nang inayos ang sarili ko para sa kanya. Gayong nalaman ko kay Mommy na lagi siya noon sa bahay para humingi ng update sa nangyayari sa buhay ko sa Italy. Mom said Ghon remembered anything. Lahat ay naalala na niya.

I'm just waiting for him to make a move para ayusin ang lahat sa amin.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now