Kabanata 16

1.8K 27 1
                                    

Nakatulala sa tanawing nasa harapan at pilit iniintindi ang lahat ng mga nalalaman ko. Marahan kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Ilang oras na akong nag-iisip ngunit pagkahanggang ngayon ay ayaw mag-sink in sa akin ang sinabi ni Ghon. Kahit anong pilit kong tinatatak sa isip ko na hindi iyon magagawa sa akin ni Daddy ay hindi ko magawang masaktan.

How can he do that to me?

Ang tagal kong nagdusa. Simula nang mawala si Ghon hanggang sa mawala ang anak namin. Hindi ko inaakala na ang lahat ng iyon...lahat ng pagdurusa ko ay ang sarili kong ama ang gumawa. Nakita niya ang paghihirap ko na mahanap si Ghon, nakita niya akong nawasak ng dahan-dahan ngunit hito at siya pala ang may kasalanan.

“I want to talk to him. Gusto kong malaman mula sa kanya ang lahat. Gusto kong marinig ang paliwanag niya.”

Hindi iyon ang kilala ko Ama. Mahal na mahal niya ako kaya alam kong hindi niya magagawang gawin iyon sa akin. I know my dad more than anything.

“Sabay natin siyang kakausapin.” Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Ghon.

Pagkatapos niyang sabihin ang tungkol kay Daddy ay nag-away kami. Iniisip ko na baka sinisiraan lang niya ang Ama ko.

“Umaasa akong hindi totoo ang sinabi mo. Hindi iyon magagawa sa akin... sa'yo ni Daddy ang lahat ng iyon. He loves me, he won't do anything to hurt me... and for making me miserable.” Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay. Tinungo ko ang nag -iisang kwarto at doon nahiga sa kama.

Dahil sa pagod kakaiyak ay agad akong nakatulog. Hanggang sa nagising ako dahil sa marahang maghaplos sa aking buhok. Titingnan ko sana ito ngunit nang manuot ang amoy nito sa pang-amoy ko ay pinili ko na lang na magtulog-tulugan.

“Kung sana ginawa ko lang ang lahat para maalala ka, hindi sana tayo humantong dito. Kasalanan ko kung bakit hindi na natin kasama ang anak natin. Kung may magagawa lang ako para ibalik ang nakaraan, pipiliin kong maging maayos ang lahat ng hindi ka nasasaktan.”

Basi sa sinasabi niya ay nasisiguro kong kanina pa siya dito nagsasalita habang tulog ko. Pinigilan ko ang emosiyon ko nang marinig iyon mula sa kanya.

“Ang gago ko para hayaan kang danasin ang lahat ng sakit ng mag-isa. Kung alam ko lang na mangyayari iyon sa akin sana hindi ko na pinilit na umalis noon at nanatili na lang sa tabi mo. Patawad, mahal ko. Hayaan mo sanang bumawi ako. Itatama ko ang lahat ng kasalanan ko." Kaikuyom ko ang mga kamay nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

Nang alam kong lumabas siya ng kwarto ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Nanatiling nakatulala ako ng ilang minuto sa kama hanggang sa naisipan kong tumayo at mag-ayos. Hiniling ko kay Ghon kagabi na iuwi ako sa Manila, dahil gusto kong kausapin si Daddy. Pumayag naman siya ngunit nais niyang sumama na pinahintulutan ko naman.

Doon ko napagtantong ang rupok ko pa rin pala sa kanya kahit na ang dami niyang kasalanan sa akin. Ang hirap kalimutan lahat iyon ngunit alam ko sa sarili kong matagal ko na siyang napatawad.

Paglabas ko ay agad ko siyang nakita sa dining table nag-aayos. Napatingin siya sa akin ng maramdaman ang paglapit ko.

“Gising kana pala.” Gusto kong sabihing kanina pa pero tumango na lang ako. “My Yatch is already there.”

“Andiyan na? I thought dala iyan ng mga kaibigan mo?” Kunot ang noong tanong ko sa kanya kasabay ng pag-upo ko sa upuang hinila niya.

Nang tingnan siya ay nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay. Napabuntonghininga siya.

“Ang totoo ay ang Yatch ni Van ang ginamit nila sa paghatid sa'yo dito. I hide my Yatch in the cave.” At may tinuro pa ito sa kung saan.

Wala akong naging reaksiyon kaya nakita ko ang pagbalatay ng kaba sa kanyang mukha. Kung hindi lang siguro ako nagpapanggap na  galit sa kanya ay baka kanina pa ako tumawa ng malakas.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now