Kabanata 10

1.4K 25 1
                                    

Malungkot akong ngumiti habang nakatingin kay Ghon na nakahiga sa kama. Bawat oras na hindi siya nagigising ay nakakaramdam ako ng takot. Kahit sinabi na sa akin ng doctor na okay ito, na kailangan lang ni Ghon ng pahinga ay hindi maaalis sa akin ang mag-alala.

Umangat ang kamay ko para masuyong haplusin ang pisngi niya. Mahimbing siyang natutulog pero nagagawa kong hangaan ang itsura niya.  Then my fingers trailed softly from the tip of his nose down to his soft upper lips.

“Honey, please wake up,” mahina kong wika at bahagyang lumapit sa kanya.

Masuyo kong dinampi ang labi ko sa kanya. Nang akmang lalayo na ako ng maramdaman ko ang pagpulupot ng mainit na bagay sa baywang ko at hinila ako palapit sa katawan ni Ghon.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang dahan-dahang pagmulat ng kanyang mga mata. Pilit ko siyang tinutulak ngunit humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Lumalim ang halik niya na mayamaya ay tinugon ko din.

“Ghon...”

Para siyang natauhan. Dahan-dahan niya akong nilayo sa kanya at matamang tinitigan. Hindi ko naman kayang salubungin iyon dahil sa intensidad na hatid nito. Ngumuso ako at bahagyang lumayo ngunit hindi man lang niya inalis ang braso sa akin.

“What happened? Nasaan ako?” Sa akin pa rin ang titig niya.

“Nasa hospital. Pagkatapos mo akong pagsarhan kanina ay narinig kitang nagmura na para bang nasasaktan. Naalala kong bukas ang front door niyo kaya doon ako dumaan. I saw you in the kitchen, while your nose was bleeding.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata, saka hinawakan ang ulo nito. “My head hurt damn much.”

Alam ko iyon. Tumango ako sa kanya. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin. Hanggang sa maramdaman ko ang palad niyang humahaplos sa tiyan kong may umbok. He's caressing my tummy with so much care. Nangunot ang noo ko.

“I'm sorry for what I did.”

Hindi na ako nagsalita pa. Nagiging malambot talaga ako lagi pagdating sa kanya. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang minahal ko nang ganito katindi na kahit ilang  ulit niyang saktan ay ayos lang. Sana lang ay hindi humantong sa puntong mapagod ako.

“Ayos lang, Ghon. Naintindihan kita. Hanggang kaya ko, intindihin kita ng paulit-paulit. Hangga't kaya ko, hindi kita susukuan. Mahal na mahal kita, kaya titiisin ko.” Hinayaan ko lang siyang haplusin ang tiyan ko.

Nang bitawan na niya ako ay inayos ko ang pagkain niya. Nagtungo si Aling Nina kanina upang dalhan kami ng pagkain. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman na nandito kami pero nagpapasalamat ako sa kanya dito.

“Pwede ka naman daw lumabas.” Lumapit ako at hinaplos ang buhok niya. Pilit akong ngumiti. “Alam kong pilit mong inaalala ang nakaraan mo, Ghon. Hindi ko alam kung bakit pinipilit mo ngayon samantalang nararamdaman ko noon ay ayaw mo ng maalala pa iyon. Gustong-gusto ko ang ideyang nakakaalala kana pero please lang huwag mong pilitin. Ayokong nakikita ka sa ganoong sitwasyon, Ghon. Nasasaktan ako.”

Hindi naman siya nagsalita. Yumuko lang siya at malalim na bumuntonghininga. Tumango siya ilang minuto kaya pilit akong ngumiti.

Kinahapunan ay inuwi ko na siya sa kanila. Nagpaalam muna ako kay Aling Nina na doon matutulog para bantayan siya. Umapela pa si Ghon pero hindi na niya mababago ang isip ko. Ayoko lang maulit ang nangyari. Baka kapag wala ako ay pilit niyang alalahanin ang nakaraan niya. Kahit kasi nawalan ito ng memorya ay naroon pa rin ang pagiging matigas ulo nito.

“Ipagluluto kita,” presenta ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam ko namang aangal ulit siya. Ang mabilis  malutong ulam ang hinain ko sa kanya. Nagugutom na rin kasi ako. Nang matapos ay hinanda ko ang mga plato namin ngunit natigilan ako nang makitang nakasandal siya sa pader habang nakatitig sa akin.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now