Part 3

1.1K 48 15
                                    

Deanna's POV

Tulad kanina, hinayaan ko nalang sya.

Ganon siguro talaga kapag mayaman, sila dapat yung nasusunod...

Nag lakad na ako palayo sa kanya, pero nag tago ako sa likod ng kubo at sinilip ko sya, nakita ko syang hirap na hirap hilahin yung bangka, kaya natatawa ako.

Hahahah para syang tanga habang nag hihila ng bangka...

Nang mailagay na nya sa dagat yung bangka, sinundan ko sya, papunta sya sa may batuhan, lumangoy naman ako para masundan sya, nag tatago lang ako sa may batuhan.

Ang cute nya habang nakaupo sa bangka... haha!

Nakita kong tumayo sya kaya sumisid ako sa ilalim ng tubig para hindi nya ako mapansin, lumapit ako sa bangka nya.

Tiningnan ko uli sya at nakatayo parin sya.

Gulatin ko kaya to? hahahah marunong naman ata syang lumangoy, kaya kahit mahulog sya hindi sya malulunod, medyo malalim kasi dito.

"HHuuuuuuuyyyyy!!!" gulat ko sa kanya

"Ayy peste!!!!" gulat nyang sabi, na out of balance naman sya kasi gumalaw yung bangka, kaya nahulog sya sa tubig.

"Hahahahahahahaha!" tawa ko

"T-tulong!" sigaw nya habang tinatry lumangoy at nakapikit

"T-Tulong! hindi ako m-marunong lumangoy!" siya uli yan, mukhang nag sasabi nga sya ng totoo dahil nakaka inom na sya ng tubig.

Tinulungan ko naman sya, lumangoy ako palapit sa kanya at hinawakan ko yung ulo nya.

Napansin kong nawalan na din sya ng malay kaya nataranta ako, lumangoy ako habang inaalalayan sya, nang makarating kami sa mababaw kinarga ko sya papunta sa dalampasigan at inihiga ko sya doon.

"J-Jema! gising!" sigaw ko sa kanya habang tinatapik yung pisngi.

Shit...!  Deanna anong ginawa mo??!

Tumingin uli ako sa kanya, wala parin syang malay.

Kailangan ko ba syang i mouth to mouth??

Napakamot ako sa ulo ko. 

Lumuhod ako at inilapit ko yung mukha ko sa kanya para i -mouth to mouth sya, ibinuka ko din yung bibig nya, palapit ng palapit yung mukha ko sa kanya hanggang sa naramdaman ko na din yung pag hinga nya, nang malapit ng magdikit yung labi namin...





































Pakkk!!!

"Aray!!" sigaw ko habang nakahawak sa pisngi ko, 

Hindi lang pala maarte to... brutal din...

Sinampal nya kasi ako, umupo sya at tumingin sa akin, nakatingin lang din ako sa kanya.

"A-Anong gagawin mo ha?!" inis na tanong nya, napanguso naman ako.

"A-akala ko nalunod ka ehh" sabi ko sa kanya

"Ikaw yung nanggulat sakin kanina no??!" mataray na tanong nya

"B-Binibiro ka lang naman eh..." sabi ko, napapikit sya at inis na tumingin sa akin

"Pwes!! hindi nakakatuwa!... pano kung nalunod ako doon??! nagkasugat ako oh!" inis na sigaw nya, habang tinuturo yung paa nya, tiningnan ko naman yung tinuturo nya at meron ngang dugo, "Eh kung isumbong kaya kita sa pulis? o kaya sa parents ko ha?!" mataray na tanong nya sakin

UnexpectedOnde histórias criam vida. Descubra agora