Part 41

954 53 6
                                    

Jema's POV

Nang makalayo kami sa bahay nila Deanna biglang nagsalita si Kyla. 

"Bes, anong trip mo? Bakit sinabi mong may project tayong gagawin kahit wala naman? Ayaw mo bang kasama si Deanna?" tanong ni Kyla sakin

"Ano ka ba, hindi mo lang alam kung gaano ko kagusto na makasama sya ngayon, pero alam ko kasing kailangan sya ng lola nya ngayon, kakalabas lang ng lola nya sa hospital kaya kailangan nyang alagaan, ayaw kong dumagdag sa isipin nya" sagot ko

"Ayyiiee! Grabe ka Jema, ganyan ka pala magmahal, napaka understanding mo, mahal na mahal mo talaga si Deanna ano?" tanong ni Kyla sakin

"Sobra... kung alam mo lang" sabi ko sa kanya

"Hmmp! Edi sana all nalang! Haha! Landi nito! Kurutin kita dyan sa singit eh!" sabi ni Kyla sakin kaya natawa ako, "Pero bes, advice ko lang, magtira ka din ng para sayo ha" dagdag pa ni Kyla, tipid akong ngumiti

"Salamat bes" sabi ko sa kanya

"Osya! Ihatid mo na ako sa bahay" sabi nya

"Oo na!" pairap na sabi ko sa kanya

Ilang minuto pa nakarating na kami sa bahay ni Kyla

"Bes, ingat ka ha" sabi nya sakin

"Opo" sabi ko, bumaba na sya sa sasakyan ko kaya naman nagdrive na ako pauwi. 

Habang nagdadrive ako bigla kong naalala na malapit na pala yung monthsary namin ni Deanna. 

Ano kayang ireregalo ko sa kanya?

Makadaan nga muna sa mall, maaga pa naman eh...

Nag drive ako papunta sa SM North. 

Nang nasa SM North na ako naglakad lakad ako. Pumasok ako sa mga jewelry shop para tumingin ng pang regalo. 

Maya maya napako yung tingin ko sa isang bracelet. 

Napangiti ako. 

Feeling ko bagay kay Deanna to...

"Ate, pwede patingin ng bracelet na to?" tanong ko sa babae

"Okay po" kinuha nya yung bracelet na tinuturo ko sa kanya, "Ito po Ma'am" binigay nya sakin yung bracelet, nang mahawakan ko iyon napangiti ako

Tiningnan ko ng maigi yung bracelet.

"Ma'am para sayo po ba?" tanong ng babae kaya napatingin ako sa kanya

"Ahh h-hindi" sagot ko

"Ah mukhang mahalagang tao yung pagbibigyan mo nyan ha" sabi nya sakin, napangiti uli ako

"Sobra... sige po, kukunin ko na ito" sabi ko sa babae

Agad kong binayaran yung kinuha kong bracelet.

Nang makuha ko na yung binili ko umuwi na ako.

Ilang oras pa yung nakalipas nakarating na ako sa bahay.

"Jema, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Ate Jov sakin

"May dinaanan lang ako ate" sagot ko sa kanya

"Ah, magpahinga kana" sabi nya, tumango lang ako pagkatapos umakyat na ako sa kwarto ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ko tiningnan ko uli yung binili ko.

Babagay talaga to sa kanya...

Maya maya ginawa ko na yung night routine ko.

Pagkatapos ko nahiga ako sa kama ko at kinuha yung phone ko para itext si Deanna.

UnexpectedWhere stories live. Discover now