Part 57

1K 65 37
                                    

Deanna's POV

"Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap" napatingin ako sa nagsalita

Umupo sya sa tabi ko.

Bakit sya nandito??

"Jho" tawag ko sa kanya, ngumiti sya

"Ate Jho, mas matanda ako sayo eh" sabi nya sakin, napangiti naman ako

"K.Fine, ate Jho, bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya

"Eh hinahanap ka kasi namin, hinahanap ka ni Jema, kaso mukhang sa ibang lugar sya pumunta" sagot nya sakin

"B-Bakit nya pa ako hinahanap?" tanong ko sa kanya

"Syempre kahit nasaktan mo yun concern parin sayo yun" sabi nya

"Eh ikaw? B-Baka magselos sakin si Bea, baka mas lalo syang magalit sakin" sabi ko sa kanya

"Hahaha hindi yan, saka gusto din kitang makilala kasi" sabi nya sakin, "Hindi kasi tayo nagkaroon ng chance na magkakilala dati, sila Tots lang yung nakilala ko" dagdag nya pa

Hindi ako nagsalita.

"Gusto mo bumalik na tayo sa bahay nila Jema?" tanong nya sakin

"P-Parang ayaw ko na ngang bumalik don eh" sagot ko

"Bakit naman?" tanong nya sakin

"Kapag nandon kasi ako nararamdaman ko pa yung inis at galit nila sakin" sabi ko sa kanya

"Magsalita ka lang, makikinig ako" sabi nya sakin

Siguro mas okay na to nang mabawasan naman yung sakit na nararamdaman ko dito sa dibdib ko.

"N-Nasaktan ko si Jema dati, pero hindi ko sinasadya yon, birthday ko yun, nalasing ako tapos sinamantala naman ng babae yung kalasingan ko kaya ayon hinalikan nya ako... h-hindi ko alam na pumunta pala ng US si Jema para isurprise ako para sa birthday ko, pero sya yung na surprise dahil sa nakita nya... Alam ko na kahit pagbali-baliktarin yung mundo kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay kasi may mali ako. P-Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang nagkaroon bigla ng wall sa pagitan namin ng mga kaibigan ko, noong dumating ako akala ko masaya sila na nakita nila ako, p-pero nalungkot ako dahil sa ginawa nila kanina" kwento ko kay Jho

"Nasaktan ko si Jema, pero nasaktan din naman ako eh... Hindi ko ginusto yung nangyare, ni hindi din ako binigyan ng chance para mag explain... S-Sobra kong pinagsisihan yung nagawa ko, halos isumpa ko na din yung birthday ko eh... Maswerte si Jema kasi noong time na nasaktan ko sya meron syang mga kaibigan na nasasandalan, may pamilya syang nalalapitan... Pero ako?? Wala... Wala ni isa... A-Alam nila kung gaano ko nasaktan si Jema... Alam nila yung side ni Jema, p-pero yung sakin hindi... Hindi nila alam kung anong hirap yung tiniis ko, halos mabaliw akong mag isa sa US, hindi ko alam kung sinong lalapitan ko... muntikan na din ako sumuko non" dagdag ko pa

Pinunasan ko yung luha ko.

"Kung alam ko lang na ganito yung mangyayare sana hindi nalang ako tumuloy dati, n-naging successful nga ako, hindi naman ako naging masaya, nawala yung pinakamamahal ko at nag iba yung trato sakin ng mga kaibigan ko" pagpapatuloy ko pa

"Mahal mo pa si Jema?" tanong nya sakin

"Hindi naman nagbago yon ate Jho" sagot ko sa kanya, "Sya parin yung babaeng mahal ko hanggang ngayon" dagdag ko pa

"Pero ikakasal na sya" sabi nya sakin, pilit akong ngumiti

"Wala naman akong magagawa kundi yung maging masaya para sa kanya eh, kahit na masakit... Kailangan kong tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa" sabi ko sa kanya

UnexpectedKde žijí příběhy. Začni objevovat