Part 30

1.4K 76 10
                                    

Jema's POV

Maaga akong nagising dahil tumawag ako ng mekaniko, iniwan ko muna sa hotel si Deanna dahil mahimbing pa yung tulog nya.

"Ma'am, mga tatlong oras pa po bago ko maayos yung sasakyan nyo" sabi ng mekaniko

"Uhm, sige po, okay lang ba na iwan kita dito? babalikan ko lang yung kasama ko sa hotel?" tanong ko sa mekaniko

"Sure po Mam" sagot nya, kinuha ko yung mga importanteng gamit ko sa loob ng sasakyan pagkatapos bumalik na ako sa hotel.

Gising na kaya sya?

Napangiti ako nang maalala ko yung nangyare samin kagabi.

Pagpasok ko sa unit namin nakita ko si Deanna na nakatayo sa balcony, dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Nasaan na ba si Jema?" bulong nya sa sarili nya habang nakadungaw sa baba, "Haisst! Gutom na ako.." dagdag nya pa

Awww... gutom na ang bebe...

"Good Morning..." bati ko sa kanya, halatang nagulat sya dahil napapitlag sya, mabilis syang humarap sakin.

"J-Jema.. s-saan ka galing?" tanong nya sakin

"Aahh tumawag kasi ako ng mekaniko, inaayos na yung sasakyan, mga 3 hours pa daw bago maayos" sagot ko, tumango naman sya

"Mmm.. k-kanina ka pa sa likod ko?" tanong ko sa kanya

"Hindi, kakarating ko lang" pagsisinungaling ko

"W-Wala kang narinig?" tanong nya sakin, napangiti ako

"Wala.. bakit?" pagsisinungaling ko uli

"A-Ahh w-wala naman.." sabi nya

Hinawakan ko yung kamay nya.

"Halika, breakfast na tayo" aya ko sa kanya

"S-Saan tayo kakaen?" tanong nya sakin

Humarap ako sa kanya.

"Saan mo ba gustong kumaen?" tanong ko sa kanya

"Sa mura lang sana.." sagot nya, "Nakakahiya naman sayo, kahapon ka pa gastos ng gastos" dagdag nya pa

"Okay lang naman, sobrang allowance ko naman yon" sabi ko, napakamot sya sa sintido nya

"Kahit na... nahihiya parin ako Jema" sabi nya

"Hmmm, osige, may nakita akong karinderya sa kanto, okay na siguro sayo yun?" tanong ko sa kanya, ngumiti sya at tumango

Magkaholding hands kaming dalawa papuntang elevator, nang makapasok kami sa elevator tahimik lang sya, ramdam ko din yung panlalamig ng kamay nya.

Ting! - Wag kayong ano...tunog ng elevator yan...

Nang bumukas yung elevator lumabas na kaming dalawa.

Habang naglalakad kaming dalawa napahinto sya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Jema, a-ano na bang status natin ngayon?" tanong nya sakin, napangiti ako

"Dating??" tanong ko sa kanya, natawa naman sya sa tanong ko

"A-Ano yun? Dating with b-benefits?" napalunok ako dahil sa tanong nya, hindi ko kasi expect na ganon yung sasabihin nya

Hinawakan nya yung isa ko pang kamay kaya biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Jema, m-mukhang parehas lang naman tayo ng nararamdaman... p-pwede bang tayo nalang?" tanong nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko, "Hindi ko mabibigay yung lahat ng gusto mo sa ngayon, pero pangako... gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita.." dagdag nya pa nakikita ko yung sincere sa mga mata nya

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon