Part 47

829 57 7
                                    

Jema's POV

Habang nasa room kami lumilipad nanaman yung isip ko. 

Napansin ko kasing ilang araw ng parang wala sa sarili si Deanna, parang ang lalim ng iniisip nya, napansin ko din na pumapayat sya. 

"Bes, okay ka lang?" tanong sakin ni Kyla

"Kaya nga, nakatulala ka nanaman dyan, iniisip mo nanaman si Deanna ano?" tanong ni Bea sakin, "Wag kang mag alala, mahal ka non" dagdag nya pa, napangiti ako dahil sa sinabi nya

Natutuwa ako kasi naging magkaibigan na si Deanna at si Bea, eh kulang nalang mag shift na ng course to kasi mas gusto na daw nyang kasama sila Deanna kaysa samin. Palagi na din silang magkakasama. Minsan sinasamahan nya si Deanna habang naglilinis... 

Oh diba? Dinaig pa ako...

"Bes, ano ba kasing problema?" tanong uli ni Kyla sakin

"Kasi bes ilang araw ko ng napapansin na parang wala sa sarili si Deanna, para bang ang lalim ng iniisip nya" sagot ko sa kanya

"Eh bakit hindi mo tanungin?" tanong ni Kyla pagkatapos tumingin sya kay Bea, "Hoy Bei, may nababanggit ba sayo si Deanna? Palagi kayong magkasama non diba?" tanong ni Kyla kay Bea

"Wala naman, pero napapansin ko nga na parang wala sya sa sarili minsan kapag nagkukwentuhan kami, hayaan nyo magtatanong ako mamaya sa kanya" sagot ni Bea

"Napansin ko nga din na nangangayayat na din si Deanna, baka naman may problema sya?" tanong ni Kyla sakin

"H-Hindi ko din alam eh" sagot ko sa kanya, napakamot ako sa ulo ko

"Itanong mo kaya?" tanong ni Kyla sakin

"Sige, susubukan ko mamaya" sagot ko

Saglit kaming natahimik, maya maya nagsalita uli si Bea.

"H-Hindi parin sya pumapasok" bulong ni Bea kaya napatingin ako sa kanya

"Malay mo bukas pumasok na sya" sabi ko, "Eh bakit hindi mo puntahan?" tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam kung saan yung bahay nya" sagot nya

"Eh pwede namang magtanong ah" sabi ko, huminga sya ng malalim.

"Dibale na" bulong nya uli

Maya maya dumating na yung prof namin.

Ilang oras pa ang nakalipas natapos na din yung morning class namin. Hindi din namin makakasabay sila Deanna kasi kanina pa daw sila nag luch. 

"Hay! Nakakatamad kumaen kapag hindi ko kasabay si Deanna kumaen" sabi ko habang naka pout

"Grabe, bakit nakay Deanna ba yung pagkaen mo??" irap sakin ni Kyla, natawa naman si Bea

"Wala, pero mas ginaganahan ako kapag kasabay ko sya" sagot ko

"Arte!" asar ni Kyla sakin, natawa naman ako

Pagkatapos naming kumaen bumalik na kami sa room namin.

"Jema, nakagawa ka ba ng assignment mo?" tanong sakin ni Kyla, bigla akong napapikit

Shit! Hindi pa!

"OMG! Hindi pa bes, nakalimutan ko dahil sa kakaisip kay Deanna! Ngayon naba yon??! Akala ko bukas pa?" tanong ko sa kanya

"Gaga! Ngayon yun!! Naku Jema kopyahin mo nalang yung sakin, baka mamaya mapagalitan ka nanaman ng prof natin!" sabi sakin ni Kyla pagkatapos inabot nya sakin yung book nya. 

Agad kong ginawa yung assignment ko. Pinakopya nga ako ni Kyla, pero panay naman yung sermon nya sakin. 

"Yan! Puro kasi Deanna! Puro si Deanna yung nasa isip! Yung pag aaral nakalimutan na! Jusko Jema pasalamat ka bestfriend kita! Naiinis ako sayo!" sermon nya sakin

UnexpectedWhere stories live. Discover now