Part 52

942 58 60
                                    

Deanna's POV

Nang makarating ako sa lugar kung saan nasiraan si Jema mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko.

Nakita ko na din yung sasakyan ni Jema.

Deanna... relax!

Napatingin uli ako sa sasakyan ni Jema.

Wala sya sa loob ng sasakyan nya, nasaan kaya sya??

Bumaba ako ng sasakyan ko at naglakad palapit sa sasakyan ni Jema.

Dug dug! Dug dug! Dug dug!

Bigla akong na estatwa nang makita ko si Jema na tumayo at napatingin sakin.

Tulad ko natigilan din sya.

Nagtama yung mga mata naming dalawa.

Halata sa mukha nya yung pagkagulat..

Napagmasdan ko ng maigi yung mukha ni Jema.

A-Ang ganda nya na...

"D-Deanna??" sambit ni Jema sa pangalan ko

Napalunok ako.

Dahil sa pagtawag nya sa pangalan ko para bang biglang gumaan yung pakiramdam ko, para bang nawala yung bigat sa dibdib ko na matagal ko ng nararamdaman.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"K-Kamusta?" utal na tanong ko sa kanya

Hindi ako sinagot ni Jema, nakatingin lang sya sa mukha ko.

"U-Uhmm n-nakausap ko yung daddy mo kanina, a-actually k-kausap nya ako nung tumawag ka, pinakiu---"

"Nakabalik kana... kailan pa?" putol nya sa sinasabi ko

"Uhmm.. e-ehem! uhh, y-yesterday lang" sagot ko sa kanya, tumango naman sya

"W-Welcome back..." sabi nya, tipid akong ngumiti

Awkward kasi noong huli kaming nag kita ni Jema hindi kami okay...

"T-Thank y--"

"Ikaw pala yung pinakiusapan ni dad na tulungan ako, wala kasi syang sinasabing pangalan kanina, may tali ka ba?" putol nya uli sa sinasabi ko

Ibang Jema yung nasa harap ko ngayon... para bang wala na yung galit nya sakin, maaliwalas na din yung mukha nya. Sa nakikita ko ngayon masasabi kong naka move on na sya.

"Deanna" tawag uli sakin ni Jema

"H-Ha??" bigla akong natauhan

"Ang sabi ko kung may tali ka bang dala? Kailangan ko na kasing umuwi" sabi nya sakin

"Ahh oo, wait k-kukunin ko lang" tarantang sabi ko, dali dali akong naglakad papunta sa sasakyan ko, sumakay ako doon at pinaandar ko yung sasakyan ko papunta sa unahan ng sasakyan ni Jema.

Nang mai-park ko yung sasakyan ko sa harap ng sasakyan ni Jema bumaba ako at pumunta sa compartment, kinuha ko yung tubo at tali pagkatapos sinimulan ko ng itali yung sasakyan ni Jema sa sasakyan ko.

Habang tinatali ko yung sasakyan ni Jema napapansin kong nakatingin sya sakin kaya hindi ako makapag focus.

Maya maya biglang nag ring yung phone ni Jema kaya sinagot nya iyon.

"H-Hello love??" sagot ni Jema

Bigla akong natigilan dahil sa narinig ko.

L-Love?? M-May mahal na syang iba??

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at nahuli ko syang nakatingin sakin, nang makita nya na nakatingin ako sa kanya bigla syang umiwas ng tingin.

"Yes love, nasiraan ako dito sa Pasig..."

UnexpectedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora