Part 5

1.1K 58 4
                                    

Dean's POV

Nang makabalik ako sa hotel na tinutuluyan namin kinamusta ko kaagad si Peter. 

"La, kamusta na po si Peter?" tanong ko kay Lola

"Ayan, nakatulog dahil sa sakit ng tiyan" sagot ni lola

Nilapitan ko si Peter na natutulog sa kama, hinaplos ko yung buhok nya.

Kawawa naman. Balak kasi naming mamasyal kaninang umaga, kaso sumakit yung tyan nya kaya ako nalang yung naglakad lakad kanina. 

Bigla kong naalala si Jema kaya napangiti ako. 

Hahaha, akala ko talaga dati mataray at maarte sya, mabait din pala sya. 

"Apo, bakit ka nakangiti dyan?" tanong ni lola sakin, tumingin ako sa kanya

"La, may bago na po akong kaibigan.." kwento ko sa kanya

"Talaga? Mabuti naman apo, eh sino naman yung kaibigan mo?" tanong nya sakin

"Classmate ko po sa Ateneo la, si Jema, yung kinukwento ko sainyo kagabi... nag sorry po ako sa kanya kanina" kwento ko sa kanya, napangiti naman si lola

"Mabuti naman at naging kaibigan mo sya apo.." sabi nya sakin habang nakangiti, parehas kaming napatingin kay Peter dahil nagising na sya. 

"Peter, kamusta?" tanong ko sa kanya

"Okay na ako ate" sabi nya pagkatapos umupo sya, "Ate, pwede na kaya tayong mamasyal mamaya? hindi kita nasamahan kanina eh" sabi nya sakin

"Oo naman, sasama ka sakin mamaya pagkatapos mag lunch, lalangoy tayo.." sabi ko sa kanya, tumingin ako kay lola, "La, sasama po ba kayo?" tanong ko sa kanya

"Hindi na muna apo, dito muna ako sa hotel" sabi ni lola, tumango naman ako, "Halina kayo, nandito na yung pagkaen natin" sabi ni lola

Habang kumakaen kami nagkukwentuhan lang kami

"Mga apo, bukas meron tayong tour sa ibang isla, kaya dapat magpahinga kayo ng maaga mamaya, naiintindihan nyo ba?" tanong samin ni lola

"Opo" sabay naming sagot ni Peter

Pagkatapos naming kumaen nagpahinga muna kami ni Peter, kinuha ko yung gitara ko pagkatapos pumunta ako sa balcony, umupo ako sa upuan at nag isip ng kanta. 

"Nag iisip ka ng kanta ate?" tanong sakin ni Peter pagkatapos tumabi sya sa tabi ko

"Yup, kaso wala akong maisip" sagot ko

"Eh kasi dapat may inspirasyon ka ate.. pano ka makakabuo kung wala kang inspirasyon?" tanong nya sakin

Oo nga naman Deanna... 

"Isipin mo yung crush mo ate, makaka isip ka ng kanta.." sabi ni Peter, tumungin ako sa malayo

Pumasok sa isip ko si Jema... 

Sa pagkakaalala ko, kaya ko nagustuhan dati si Jema dahil sa ganda ng mga ngiti nya. 

Kinuha ko yung notebook ko at akmang magsusulat doon, kaso walang pumasok sa isip ko. 

Hay! saka na nga lang.. baka mamaya makaisip ako.. 

Inilapag ko yung notebook pagkatapos tumayo ako, napatingin sakin si Peter

"Akala ko mag susulat ka?" tanong nya

"Wala ako sa mood eh, halika, lakad lakad tayo sa tabing dagat" aya ko sa kanya, napangiti naman sya at tumayo, naglakad na kami palabas. 

Nang makarating kami sa dalampasigan naglakad lakad lang kaming dalawa ni Peter, naglaro din kami sa buhanginan, gumawa kami ng castle. 

"Ate, kapag nakatapos ka sa pag aaral mo gagawa ka ng castle natin ha.." sabi sakin ni Peter, natawa naman ako

UnexpectedМесто, где живут истории. Откройте их для себя