Part 33

1.4K 71 14
                                    

Jema's POV

Nang makarating kami sa bahay, magkahawak kamay kaming pumasok ni Deanna at nakita ko yung family ko na nasa dining area na.

"Nandyan na pala si Je-- Ohh! si Deanna pala ito!" sabi ni papa habang nakangiti

"G-Good Evening po" bati ni Deanna sa kanila

"Ate Deanna kaen heheh! Namiss kita.." sabi ni Mafe

"Hehehe a-ako din" sabi ni Deanna kay Mafe

Lumapit ako kila mama at papa para bumeso.

"Kaen na tayo" sabi ni mama pagkatapos tumingin sya kay Deanna

"Ija, kaen, halikana dito" aya sa kanya ni mama

Lumapit ako kay Deanna at hinawakan yung kamay nya pagkatapos hinila sya papunta sa upuan.

Magkatabi kaming dalawa ni Deanna, bago ako kumuha ng pagkaen inasikaso ko muna sya, alam ko kasing nahihiya sya.

Nang maasikaso ko sya kumuha na din ako ng para sakin pagkagapos kumaen na kami.

"Kamusta ka naman Deanna?" tanong ni papa kay Deanna habang kumakaen

"O-Okay lang po tito" nahihiyang sagot ni Deanna

"Mabuti naman, kamusta yung pag aaral?" tanong uli ni papa

"Okay din po tito" sagot uli ni Deanna, napatango naman si papa

"Ate Deanna, kinakamusta ka pala ni Ivy, namimiss kana daw nya" sabat ni Mafe, napatingin ako kay Deanna at agad nya namang napansin iyon kaya tumingin din sya sakin, tiningnan ko lang sya ng masama.

"A-Aahhh, t-talaga ba? H-hehe eehheeem! ikamusta mo nalang ako sa kanya Mafe, salamat" alanganing sabi ni Deanna kay Mafe

"Hahaha naku kikiligin nanaman yon!" sabi ni Mafe

Tumingin ako kay Mafe.

"At bakit naman sya kikiligin??" tanong ko kay Mafe habang nakataas yung isang kilay

"Crush nya kaya si Ate Deanna... sabi nya nga magpapa tutor uli sya kay Ate Deanna e" sagot ni Mafe sakin, nakaramdam naman ako ng inis

"Eeehheeemm!" biglang nasamid si Deanna dahil sa sinabi ni Mafe kaya napatingin uli ako sa kanya, hinagod hagod ko yung likod ni Deanna para mahimasmasan sya

"Mafe, pakisabi sa Ivy na yon hindi na magtuturo sa kanya si Deanna, at pakisabi din sa kanya na may mga prof sya at doon sya magpaturo..." medyo inis na sabi ko

"Hala... si Ate kala mo naman... ano? jowa lang??" tanong ni Mafe sakin

"Hahah, oo nga naman anak" sang ayon ni papa kay Mafe

Napabuntong hininga ako, pagkatapos hinawakan ko yung kamay ni Deanna.

"Ma, Pa, Mafe, at Ate Jov... girlfriend ko na po si Deanna" sabi ko sa kanila, halos lahat sila natigil sa pagnguya at sabay sabay na napatingin samin.

Naramdaman ko yung panlalamig ng kamay ni Deanna kaya tumingin ako sa kanya at nakita kong namumula na yung mukha nya.

"Hala! Totoo?!" tanong ni Mafe sakin, tumingin ako sa kanya at tumango habang nakangiti

"Kailan lang?" tanong ni papa sakin

"Noong nakaraan lang po pa" sagot ko

"Hala, kaya pala kasama mo sya ngayon dito?" tanong naman ni Ate Jov

"Oo" sagot ko

"Hahah, tingnan nyo, parang kinakabahan si Ate Deanna.." asar ni Mafe kay Deanna

"Deanna, wag kang mahiya, tanggap namin kayo" sabi ni papa kay Deanna kaya napangiti ako, tumingin si Deanna kay papa

UnexpectedWhere stories live. Discover now