Part 4

1.1K 51 3
                                    

Jema's POV

Inis akong bumalik sa bahay na tinutuluyan namin, naligo muna ako, nag luluto kasi si mommy at si daddy naman nag iihaw sa labas.

Pagkatapos kong maligo, nakita kong nakahiga sa kama si Mafe at si Ate Jov

"Oh? bat parang bad mood ka nanaman Jema?" tanong ni Ate Jov

"Naku Ate Jov, hindi ka na sanay kay Ate Jema, lagi namang ganyan yan, hahah!" sabi ni Mafe, natawa naman si Ate Jov, dahil sa inis ko hindi ko na sila pinansin at pumunta nalang ako kay Daddy.

"Ohh anak, bakit?" tanong ni daddy, napa cross arm ako habang nakatingin sa iniihaw nya.

"Dad, alam mo po ba, namangka ako kanina.." kwento ko sa kanya

"Oh? lagi ka namang namamangka kapag nandito ka diba?" tanong ni daddy

"Tapos dad, nahulog ako sa bangka..." pagpapatuloy ko ng kwento ko, kunot noong napatingin sakin si daddy

"Ohh? buti hindi ka nalunod? diba hindi ka marunong lumangoy?" tanong nya sakin

"Ok lang pa, may nag ligtas naman sakin" sabi ko, tumango naman si daddy

"Talaga? Sino? Pasasalamatan ko dahil sa pag ligtas nya sa maganda kong anak" nakangiting sabi ni daddy, napa roll eyes ako dahil nakaramdam nanaman ako ng inis.

"Hay naku dad, wag na! kasi sya lang din yung dahilan kung bat ako nahulog sa bangka... gulatin ba naman ako!" inis na sabi ko, napatingin uli sakin si Papa

"Lalaki o Babae?" tanong sakin ni daddy

Alam ni daddy na bisexual ako kaya ganyan yung tanong nya.

"Dad, babae sya, tsaka wala po akong pake kung maganda sya, okay?! aaminin ko maganda sya, cute... pero wag mo na ngang isipin yun, naiinis lang ako eh!" kunot noong sabi ko, natawa naman sya.

"Haha so girl sya, gusto ko syang makilala anak, pero wag na nyang gagawin uli yon.. hindi maganda yung ganong biro" sabi ni daddy sakin, tumango naman ako

"Wag kang mag alala dad, kapag nangyare uli yon bubugbugin ko na yun!" inis na sabi ko, natawa uli si daddy

"oh tara na, kakaen na tayo" aya ni papa

Maswerte ako dahil tanggap ako ng parents ko kahit na bisexual ako, support naman sila sakin, pero isa lang ang hindi namin napagkakasunduan, yun ay yung pagdating sa pag aaral, hindi naman kasi ako matalino tulad ng iba. 

Masaya kaming kumaen ng dinner, kwentuhan, asaran, tawanan. Gustong gusto ko na lagi lang kaming ganito. 

Hay! Ang swerte ko talaga sa pamilya ko... kahit minsan may problema pero nalalagpasan naman.

Nang matapos kami sa pagkaen, pumunta na ako sa kwarto, nakasunod naman sakin si Mafe at Ate Jov.

Habang nakahiga ako, naalala ko nanaman si Deanna.

Minsan ko lang sya makita sa school, at kanina ko lang din sya nakitang tumawa, pero aaminin kong ang cute nya talaga.. 

"Jema!!" sigaw ni Ate Jov kaya nagulat ako

"Ayyy cute!!!!" gulat na sigaw ko

"Ahaha anong cute?? naku Jemalyn, may nakita kang cute kanina no?? ikaw ha..." asar ni Ate Jov sakin

"Nang gugulat ka??!" inis na tanong ko

"Kasi kanina pa kita tinatawag... parang wala kang naririnig..." sabi nya sakin, inirapan ko naman sya

"Oh bakit mo ko tinatawag?" tanong ko sa kanya

"Magpapahilot lang sana ako, ang sakit ng likod ko eh, pahilot naman please..." sabi nya, lumapit ako sa kanya at hinilot ko yung likod nya

UnexpectedOnde histórias criam vida. Descubra agora