Thirteen

336 11 7
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hi guys! Omg, ang tagal tagal ko ng hindi nag update. Sorry naman po. Kung may nag-abang, thank you, sobra! Nasa matinding author's block po ako. T_T So anyway, enjoy the update! Also, follow me on instagram @icyishappy (I follow back!) Thank you and Godbless!!


-----



Writing About You - 13

Author's POV

"Chuckie?! Nagulat naman si Myro nun nang pagbukas niya nung plastic bag ay hindi beer ang kaniyang nakita kung hindi, anim na chuckie. Nasa loob lang sila ngayon ng kotse. Nakaandar yung aircon, tsaka nakapark sila sa may seaside. Mula sa kotse, natatanaw nila ang dagat habang sa itaas naman nila ay klarong klaro ang mga kumikinang na mga bituin. Wala naman din silang ibang mapuntahan kaya dun nalang daw sila.


"Eh kasi, kapag nagbibeer ka, baka malasing ka at magdadrive ka pa kaya bawal ka malasing." Sabi naman noon ni Chlara. Kanina lang kasi, dumaan sila sa 7/11 para bumili sana ng beer kasi gusto ni Myro na maglasing pero nagvolunteer si Chlara na siya na ang bumili kaya siya ang bumaba ng kotse at bumili dun sa 7/11. All the way, hindi ito alam ni Myro dahil busy siya sa pagdadrive tsaka madilim dilim na. Chuckie pala yung binili ni Chlara at sinadya niya yun dahil masama ang maglasing lalo na't under-aged pa sila at magdadrive pa si Myro. (hoy kids take note ha)


Napatingin nalang si Myro sa nakuha niyang Chuckie. Pagkatapos ay binaling niya ang tingin niya kay Chlara. "Ikaw na nga lang uminom niyan. Ayoko magchuckie." Binigay niya naman yun.


"Talaga?! Akin na to lahat?!" Tumataginting ang kaniyang mga mata. Pero napatigil naman siya nun kasi naalala niya na hindi siya naroon para magdiwang kundi para icomfort si Myro. "Hindi, uminom ka ng chu--" *BOGS!*


Nagulat nalang siya na biglang sinuntok ng pagkalakas lakas ni Myro yung cabinet sa harap ng sasakyan. Pagkatapos noon, inilagay nito ang dalawang kamay sa steering wheel tsaka niya ipinatong ang ulo niya dun.


Parang nagulat si Chlara sa nakita niya. Hindi niya inexpect yun kasi parang bigla bigla nalang.


"M-Myro?" Tinap niya ang likuran ni Myro nun. "Uy, okay ka lang?"

Una, hindi pa umimik si Myro pero ramdam ni Chlara ang paghinga nito ng malalim dahil nakalagay pa rin ang palad ni Chlara sa likuran nito.


"Chlara." Tawag ni Myro nun. Hindi naman siya galit, parang blanko at walang expression sa boses niya. "Ba't mo nagustuhan si Jaycee?"

"Ah, eh.. diba natanong mo na yun?"

"bakit nga."

"Eh kasi si Jayc-"

"Hindi ba ako gwapo?"Tinignan naman siya ni Myro nun. Natahimik naman noon si Chlara na parang ewan. "Ano bang meron si Jaycee?" Napasubsob lang ulit ang mukha ni Myro dun sa steering wheel.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 11, 2015 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Writing About YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ