Ten

443 28 9
                                    

Author's Note: Hello po sa inyo! Una sa lahat, sorry po kung ang tagal ko nag-update. And thank you po, especially sa mga nag-abang. Maraming salamat po! This chapter wasn't edited or naproof read. Tinamad akong magbasa. Haha! Enjoy po! :)

This is dedicated to SmileKey: Thank you so much sa interest mo. Naganahan akong mag update! Hug~ <3

----------------------------------

Writing About You - 10

Chlara’s POV

“Ha? From your notebook? Oh baka nag-assume ka lang kasi crush na crush mo nga si Jaycee? Naku ikaw talaga ang obsess mo! Paano naman mapunta ang notebook mo sa—“ Napatigil saglit si Roro sa gitna ng pagdadaldal niya at pumalit ang expression sa kaniyang mukha. “Oh. My. Gosh.”

Ako naman nun, umuusok sa kahihiyan ang aking mga tenga. Napakumo nalang ako. Hindi ko alam, basta ramdam ko nalang ang paglakas na tibok ng puso ko pati ang umiinit na tubig na namumuo sa gilid ng aking mga mata. Alam kong nagalit siya sakin dati. Alam kong ayaw niya ako talaga. Alam kong nabasa niya mismo ang notebook na sinulatan ko ng lahat na tungkol sa kaniya. Pero.. That song… Jaycee.. bakit niya ginawang kanta? Could it be?

Hindi ko alam pero napangiti ako habang tumulo yung luha sa mata ko.

“Huwag ka ngang umiyak diyan. Halika!” Bigla naman na hinila ako ni Roro ng pagkalas sa may wrist ko tapos nagpower-walk kami sa crowd. Nakatungo lang ako nun sa sapatos ko. Mahigpit pa rin ang paghawak ni Roro sakin habang sa ginagamit ko naman ang kabilang wrist ko sa pagpahid ng aking mga luha.

Medyo nahihiya na ako nun kasi habang naglakad kami, pinagtutulak ni Roro ng malakas yung mga taong nakaharang kaya maraming nagagalit.

“HOY JAYCEE LARAZABAL BUMABA KA DIYAN! WALANG HIYA KA!”  Nagulat nalang ako nun ng nasa may harap na pala kami ng stage tapos si Roro sa tabi ko ay nakaturo kay Jaycee na ngayon ay nakatingin sa amin pati ang emcee na kausap niya, pati ang mga kabanda niya, pati ang lahat ng tao sa hall. Pati ang cameras. Oh no.

“Roro, ano ba.” Sabi ko sabay hilain sana siya kaso nagsalita agad si Jaycee.

“E-excuse me?” Tanong niya na nakaturo sa sarili niya na para bang wala siyang alam.

“ANONG EXCUSE EXCUSE! KUNG MAKAPAGPERFORM KA DIYAN PARA KANG SINO HA!” Ang lakas ng boses ni Roro kaya naman pinaghawakan ng dalawa kong kamay ang isang kamay niya at bumulong na umuwi nalang kami pero- “ANONG GINAWA MO SA BESTFRIEND KO, HA?! KINUHA MO NA NGA ANG PUSO NIYA KUINUHA MO PA ANG PINAGKAKAINGATAN NIYA! YOU’RE SO URGH!!!”

O_________________________________O

Agad naman ako napatalon sa harapan ni Roro sabay takip ng dalawang kamay ko sa bibig niya.

Naghiyawan naman noon ang crowd na hindi ko na alam kung ano ang sinasabi  nila basta agad ko nalang hinatak si Roro paalis.

“Chlara, ano ba! Ganun nalang? Alam mo, nakasobra na si Jaycee sayo ah!” Pagbubuhos ng galit ni Roro. Nakalakad na kami nun paalis- kahit medyo masikip at magulo kasi maraming tao at dahil si Roro nagpupumiglas mula sa paghatak ko sa kaniya.

Noong nakaluwas naman kami sa mga tao, hinarap ako ni Roro sa kaniya pero nakayuko lang ako nun na parang na tulala na ewan. Hindi ko lang kasi naexpect ang mga pangyayari. Yung bang kantahin niya yung sinulat mong mga salita?

“Chlara! Makinig ka nga. Ilang years na ha, ilang years! Sabi ko sayo mag move on ka eh. Ano yun? Nagagalit pa siya nung una tapos gagamitin niya pala yung mga isinulat mo tunkol sa kaniya? Bastusan ah!  Napakafeeling naman niya! Ginagamit ka lang? Eh sabi niya--- Hoy! Nakikinig ka ba, ha?! Halika ka nga!”

Hinatak naman ako ni Roro nun papuntang stage kung asan silang lahat. Narinig ko pa nga ang emcee nun na nagsasabing “And that’s all for today, Abangan niyo nalang ang susunod na episode!” Tapos nagsilipatan na ang mga cameras sa amin.

“Uy, Roro. Nakakahiya naman..” Sabi ko nun na medyo naluha luha pa.

“Uy, Jaycee Larazabal! Sabihin mo nga samin!” Medyo umeeksena na kami ngayon ni Roro. Kaharap naming ngayon ang The Catastrophe. Nasa stage kami sa harap nang napakadaming tao. Hindi ko alam kung magagalit ako kay Roro or matutuwa kasi nga nagging kanta pa yung isinulat ko. Hindi ko alam ang gagawin kung hindi ang matulala nalang sa sahig.

“E-excuse me, Roro?” Sabi nun ni Jaycee saka niya ako tinignan. “And Chlara?”

“Excuse me din! Ikaw ha! Iniinis-inisan mo pa yung tao, gagamitin mo lang din naman pala!” Sabi nun ni Roro. Napanga-nga naman sila lahat, lalo na si Jaycee na nakacross arms ngayon samantalang magkasalubong ang kaniyang mga kilay. “Grabi ka, Jaycee! Una sinasabihan mo pa si Chlara ng back off! Tapos ngayon, tine-take advantage mo ang feelings niya para sayo?!”

Napatingin naman ako dun kay Roro. Hindi naman sa nainis ako. Kasi totoo naman din talaga na parang ganun. Pero, nahihiya ako. Hindi ko nga lang magawang magalit sa kaniya kasi nakalutang pa nga ako ngayon.

“Wait.. Roro” Magsasalita na sana si Jaycee nun pero nagsalita ulit si Roro.

“Makinig kayong lahat sakin!” Hinarap naman ni Roro ang audience habang hawak-hawak niya ang kamay ko. “Hindi ko sinisiraan si Jaycee. At higit sa lahat, hindi ako skandalosa. Gusto ko lang talaga malaman ang isang bagay mula kay Jaycee.” Hinarap niya ulit si Jaycee.

“Huy. Ikaw. Hindi ko na talaga natitiis ang tuwing nakikita kong nasasaktan ang best friend ko nang dahil sayo. At ayaw ko nang umaasa pa siya. Pero dahil yung kanta na tinugtog niyo kanina ay yung mga katagang naisulat niya sa notebook niya, gusto ko lang malaman kung—“

“Teka, Roro” Sabi naman ni Myro nun na nasa likuran lang kanina ni Jaycee. Tumigil naman nun si Roro at hinarap si Myro. “Baka may gustong sabihin si Chlara.”

Tinignan naman na nila akong lahat.

Ako? May sasabihin? Bakit naman nalaman ni Myro yun? Atsaka kahit na may gusto akong sabihin,- no, actually, may gusto akong itanong. Pero ayoko siyang sabihin. Naramdaman ko naman ulit ang kaba ng dibdib ko. Iba nalang. Iba nalang ang sasabihin ko. “Jaycee.” Tinignan ko siya at hindi ko na mapigilan ang ngumiti na parang nanghihina. “For turning my words into a song, Salamat.”

Sabi ko naman nun at biglang tumahimik ang lahat ng tao. Ang tanga ko siguro tignan. Umiiyak kasi ako na ngumingiti. Pinapahiran ko nalang ang mga luha ko gamit ang aking kamay. Alam niyo yung kinabahan ka, natatakot na kinakabahan?

Naiiyak ako kasi natutuwa ako na nasasaktan. Natuwa ako kasi narecognize niya yung isinulat ko, it means, he acknowledges my feelings for him. Nasasaktan naman ako kasi ayoko naming mag-assume nab baka may ibig sabihin kung bakit yun ang ipinili niya para gawing kanta. Yun bang parang tinetake advantage niya lang yung ginawa ko para sa kaniya. Ewan ba. Nakakalutang.

“Tara na nga, Roro. Ang tanga ko lang tignan dito.” Sabi ko nun kay Roro sabay hinila ko siya paalis. Okay na yung salamat.

“Wait, Chlara!” Muntikan na akong  matapilok nang pababa na sana kami ng stage. Si Jaycee. Tinawag niya ako. Pero hindi kami lumingun ni Roro. Tumigil lang kami.

Dubdub. Will he say something?

“The things you’ve made for me..” He said. “I really appreciate them kaya ginawa kong kanta. I’m sorry kung nabigla kita na ginamit namin yun para sa aming kanta.”

“And I know this is just the first time in four years, but Chlara, I’m really sorry sa lahat ng nagawa ko sayo.” Bigla akong nakadama na parang may lumapit sa akin. Pinaharap niya ako sa kaniya at nakita ko si Jaycee ngayon sa aking harapan na nakahalad ang kaniyang kamay and then he asked.

“Will you forgive me?”

Writing About YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora