One

1.1K 39 9
                                    

Author:  Hi sa inyo! Gusto ko lang pong ipaalam na ilang ulit ko na po sinulat yung part na ito- dahil yung original draft, andun sa laptop ko na ngayon ay  ayaw ng magfunction. T_T I did my best to remember. Thank you po!

-------------------------------------------------------

Writing About You - 1

Chlara's POV.

"Chlara, I love you. You know that I just have to leave. " Sabi ni Jaycee noong malapit na ang boarding time niya. Hinigpitan niya ang paghawak niya sa straps ng bag niya at yung maleta niya sa gilid. "I love you, Chlara. I'm going to miss you." Yayakapin niya sana ako pero tinulak ko siya at tinalikuran.

"Jaycee. Stop." I said."Alam ko kung bakit ka aalis papuntang America. Alam ko na hindi yun dahil sa scholarship na natanggap mo pero alam ko dahil naroon si Aica." Hindi ko na mapigilan ang maiyak. Ramdam ko na lumamig ang simoy ng hangin. "I know that all these time, siya pa rin ang mahal mo."

"Hey, Chlar-"

"Enough. Okay?" I faced him tapos ningitian siya saglit. "I know that. Kasi nakikita ko yun sa mga mata mo. Kahit palagi tayong magkasama. Kahit sinasabihan mo akong mahal mo ako. Alam ko na sa loob naman talaga ng puso mo, si Aica pa rin." I tapped his shoulder, holding back the unshed tears in my eyes.

"Chlara." He stepped closer and I closed my eyes, not wanting to hear it. "I'm sorry."

And there. He tells me that I'm right.

I turned around. Not wanting to hear more. "Nice to have you for awhile, Jaycee." I stepped. Walked away knowing that it will never be the same.

"Doing something else again, Ms. Rivera?!"  Agad na napabitaw ako sa ballpen ko at tinakpan ko agad yung notebook ko nang nahuli na naman ako ni Ma'am Daniel na hindi nakikinig sa trigo/boring class niya. Binagsak niya ang kaniyang folders sa lamesa at umuusok ang paningin niya sakin sabay tumutunog na ang kaniyang takong habang naglalakad papunta sakin. Uh oh.

"Ehehe, wala po Ma'am. Continue lang po kayo." Sabi ko na nag hehe face na. Nasa gilid na siya ng upuan ko ngayon at nakaingin ng masama sakin tapos bigla nalang na hinila niya yung notebook ko kasabay yung ballpen ko.

"Waaaah! Ma'am!" Napatayo na ako nun at aagawin sana kay Ma'am yung notebook kaya lang binuklat buklat na niya ito at inistretch out yung kamay niya para takpan ang mukha ko para hindi ko siya maabot habang yung arms ko naman ay nakaopen para agawin yung notebook.

( /*o*/) --( -_-)/*notebook*

"Ma'am, Ma'am! Promise po, maggoogood girl na ako." T_T

"blah blah bl-- Mahal kita, Jaycee?" Napahinto sa pagbuklat buklat si Ma'am at lecheng binasa niya yung pangalan ni Jaycee. Agad naman na nag-ingay yung mga kaklase ko. Kinantyawan at pinagtatawanan ako lalo na yung mga lalaki na kaibigan ni Jaycee. Bwesit. Leche ka Ma'am Daniel! Mamaya makikipagFC ako kay Anabelle tapos ipapaconjuring kita!!!! 

"Ano to, Ms. Rivera?" Tinakip na niya yung notebook at nagcross yung arms niya na nakatingin sakin habang nakataas ang kilay niya. Shems. Hindi pa rin nagtigil yung mga kaklase ko sa pagkantyaw nila. Ako naman nun, nakatungo na sa pamumula. "Ginagamit mo ang oras ko para magsulat ng mga bagay na yan?!" Sinigawan na ako ni Ma'am nun ng malakas talaga kaya nagtigilan yung mga kaklase ko. "Pinagbigyan kita ng chance. Binigyan na kita ng ilang warnings tapos ayaw mo pa talagang makinig kasi nagsusulat ka! I have enough of this, Ms. Rivera" This time talaga, nagsostrong na talaga si Ma'am kaya nagtungo nalang ako at pinagdikit yung mga daliri ko sa kabilang daliri.

"And I want you to stop this, now!" Agad naman na may malakas na hangin ang lumipas sakin at pagtingin ko nalang, nakita ko na naihagis na ni Ma'am ng malakas at malayo yung notebook ko sa labas ng classroom. Gaaaah! Agad naman napasunod ako dun sa notebook sa corridor pero sa di inaasahan, sobrang layo talaga itong paghagis ni Ma'am kasi nahulog yung notebook ko sa first floor. Second floor kasi kami. Aaaaah shet. T_____T

Agad naman na tumakbo ako pababa ng first floor para kunin yun. Si Ma'am naman kasi! Leche talaga yung-- urgh! Pwede naman sana na iconfiscate niya lang eh! May pahagis hagis pa siyang nalalaman! >__< Kainis! Oo, kasalanan ko kasi di ako nakikinig sa lessons niya. Pero pwede ba! Mas naintindihan ko kasi yung formulas sa youtube kesa sa kaniya!

Hinanap ko agad yung notebook ko pagdating ko sa first floor.

Nasa may quadrangle yun yata nalaglag. Ay shemay talaga!!! Kapag yun hindi mahanap, sasabunutan ko talaga ng buhok tong si Ma'am hanggang makalbo ko siya! Leche talaga. Makahanap na nga.. lang.

Agad na napahinto ako sa pag-iisip at paghahanap ng biglang nakita ko sa hindi kalayuan ang aking minimithing pag-ibig. Ew, ang corny ko talaga. -_- Naroon kasi si Jaycee sa may quadrangle tapos nakabackpack siya at may dala siyang jersey at bag.

Ano ba ang ginagawa niya?

Nilapitan ko siya ng kaunti pero hindi niya pa rin ako makikita. May hinahanap siya yata nun kasi kahit saan siya nakatingin. Inalis niya ang kaniyang braso sa isang strap ng backpack para buksan ito at ilagay  dun ang ilan ng mga bitbit pa niya.

Teka.

Biglang parang nagzoom in yun mga mata ko sa ballpen na pinasok niya sa bag niya. Pagkatapos ay nilagay niya din dun ang notebook niya. But then- teka!!!!

*Mas lalong nagzoom in ang mga mata*

Notebook at ballpen ko yun ah! 

OH NO.

Ang ballpen at notebook ko ay hawak ni Jaycee.

Ang notebook ko pa na nilalaman ng love story namin na ako lang ang nakakakaalm.

But looks like, malalaman din niya.

Ako nga pala si Chlara Veronica Rivera.

Pasponsor ng lapida. Ngayon na.

Writing About YouWhere stories live. Discover now