Nine

550 30 11
                                    

Writing About You - 9

Chlara's POV.

He even left me for you.

I wish I was Regina. The fact na natawa lang siya ng sinabi niya yun tapos sinundot sundot niya lang ako nun. It's not a happy memory, but for her, she moved on, accepted it and laughed at it. I wish I could do the same. But instead, it still makes my heart flinch.

"Sige po, smile!" And to flashback isn't really a nice thing to do kasi ngayon, nakatutok na sa akin ang camera at mabuti naman na nakuha agad ang attention ko bago pa nagflash yung camera or else, naka poker face lang ako sa picture. "Okay na po ba ito?" Tanong ni Ate tagakuha ng picture habang pinakita naman niya ako sa screen.

Tumango lang naman ako nun at binayaran na yun at sabi mga ilang minuto pa daw bago pa makuha. Para kasi yun sa application form ko para sa UPCAT, hay. Bakit ba naman kasi kelangan pa ng pictures ang application forms? =_=

Bago pa ako lumabas ng photo studio ay may nagtext. Napatingin naman ako nun. Galing daw kay Myro. Ano na naman kaya to? Dreadfully, binasa ko yung text.

Hi Babe ;*

Babe?! Nababaliw na ba tong isang to?! Nagtype ako ng reply.

Babe your face.

Nagback ulit dun sa text niya at hindi ko alam pero natatawa ako konti nang napaisip ako sa mukha niyang nagsexy wink katulad ng emoticon niya.

"Napano ka?" Tanong ni Roro habang nakakain ng Kettle korn pagkalabas ko ng photostudio. Actually, magkasama kami pero nasa labas siya kasi bawal ang pagkain sa loob at dahil may pictures na din naman siya para dun sa UPCAT.

"Wala, wala" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

"Halaaa” Sabi niya naman sabay inabot yung box ng kettle korn sa kin. “Oh, kumain ka nalang.”

"Thank you!" Sabi ko sabay kumuha. "Pasyal muna tayo, gusto mo? Matagal pa kasi yung picture.”

“Tara!” Sabi naman niya. Aalis na sana kami nun sa kinatatayuan namin kaso biglang may dumaan na dalawang babae na maiingay masyado.

“Bilisan natin, magsastart na nga yun!” Sabi nung isang babae sa kasama niya na parang natataranta na ewan.

“Yung camera, nahanda mo ba yun? Basta si Joseph ha, damihan mo ng picture!” Sabi naman nung isa.

“Pati si Jaycee!” Sabi pa nung isa. Nakadaan na sila sa amin pero rinig pa rin namin ang boses nila. Ang iingay kasi.

“Ano naman daw yun?” Tanong ni Roro na puno pa ng kettle korn ang bibig. “Teka, diba The Catastrophe yun?”

 Magsasalita na sana ako kaya lang biglang nagvibrate naman na yung cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa at binuksan yung text.

Wala bang goodluck? L

Goodluck? Bakit naman niya—oh wait.

“Roro! Mapeperform ang The Catastrophe ngayon!” Hinawakan ko nun ang mga balikat ni Roro tapos niyugyog ko siya. Napahinto naman ako nun nang nagtanong siya kung saan. Pero I reckon na sa may veranda ito ng mall. Dun kasi ang convention hall.

“Tara, tara!” Sabi ko nun sabay hinawakan ang kamay niya.

---

“Waaaah sila nga! Sila nga!” Nabigla naman ako nun ng sumigaw si Roro pagdating namin dun sa convention hall ng mall.

Writing About YouWhere stories live. Discover now