Six

619 23 0
                                    

Writing About You - 6

Chlara's POV.

"Wahahaha! Grabi talaga, nakaka—Hahaha!” Nagsilaglagan na yung popcorn mula sa box nang dahil sa paghumagalpak ko ng tawa. Nakahawak ang isang kamay ko sa popcorn box habang yung isa naman ay pinaghahampas ko sa armrest habang natatawa.

Nanonood kasi kami ni Myro ngayon ng romcom na movie sa sinehan. Niyaya niya ako attake note ha, hindi niya ako nilibre. Niyaya niya ako pero KKB daw. Nakakaleche nga eh =_= pero okay lang naman kasi nag-enjoy naman ako sa movie. Sobrang nakakatawa kasi! Pero si Myro kaya? Bakit parang ang tahimik naman niya?

“Huy?” Nagtitigil na ako ng tawa noon nang tinignan ko siya. Nakataas ang elbows niya sa armrest at nakahawak siya sa cheeks niya habang nakatulala lang na nakatingin sa malaking screen. Nakatingin nga siya sa screen pero para namang tragic ang pinapanood niya dahil sa mukha niyang blanko na ewan. “Uy, Myro?” Tanong ko ulit habang nagsubo ako ng popcorn sa bibig ko.

Hindi pa rin niya ako pinapansin at napatingin lang siya dun sa screen pero alam mo namang iba ang nasa isip niya. Si Aica.

Noong nag-emote ako nang dahil kay Jaycee, napakaannoying niya sakin. Akalain mo namang maalam din to mag-emote? Eh ang ingay nga nito sa classroom eh. Hindi niya ako pinapansin kaya pinabayaan ko nalang at kumain ng popcorn at nanood nalang ng movie.

Nasa may part na kami kung saan yung girl na bida ay iniwan bigla noong guy na bida. Bale, mahal kasi noong guy yung girl tapos nililigawan niya talaga yung girl at nag-effort pero takot kasi yung babae na magmahal pero may feelings naman siya talaga para sa guy kaso yung guy biglang napagod kaya naman ito ngayon, naiwang luhaan yung girl habang sinasabi nung guy na titigil na raw siya sa panliligaw at dahil  gagraduate na sila ng high school at magkalayo na ang landas nila. Ngayon naman, seryoso yung atmosphere.

“Mahal kasi kita. Ginawa ko na lahat para sayo, Angelique. Hindi ka man lang lumigaya sakin. Hindi mo man lang ipinakita na mahal mo din ako. Nakakapagod din magmahal, Angelique. Kung alam mo lang kung gaano ko ibinuhos ang pagmamahal ko sayo. Kahit man lang sana maipakita mo na thankful ka, na naaappreciate mo ako, okay na sakin. Pero hindi, eh.”

“Oras lang naman, Sunny. Kaunting oras nalang. Pero sige, kung nagmamadali ka, umalis ka na.”

Umalis na nga yung guy tapos naiwan nalang yung girl sa ilalim ng ulan.

“Bakit ba? Hindi mo ba ako mahihintay, Sunny? Mahal din naman kasi kita eh. Pero hindi pa pwede. Hindi.”

Bigla akong nakarinig na parang may humikbi kaya napatingin ako agad sa mga katabi ko at nakita ko nga si Myro na nakatungo habang kinukusot ang mga mata niya. Agad naman na inalis ko yung mga kamay niya at tinignan siya.

“umiiyak ka?” Tanong ko noon sa kaniya at agad naman na binawi niya yung tingin niya at tumingin sa kabila para di ko makita. Pero hinawakan ko yung pisngi niya at hinarap sakin. “huy, umiiyak ka nga.”

Nahiya naman siya noon kaya mahina niyang inalis yung mga kamay ko mula sa pisngi niya at tumungo nalang. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang problema kahit alam ko naman na talaga na si Aica ang nasa isip niya. Pero alam niyo yung ayaw mong magmukhang chismosa? At yung feeling na parang ayaw pa niya pakiusapan kung napano siya kaya naman hinihimas ko nalang siya sa likuran niya.

“Myro, okay lang yan.” Sabi ko sabay pat sa likuran niya. Pagtingin ko noon sa screen, biglang nagflashback yung scenes kung saan masaya pa yung mga bida sa pelikula. Kung saan nagtawanan pa sila at kahit hindi sinasabi, alam mong mahal talaga nila ang isa’t isa. Pero imbis na ngingiti ako sa nakikita ko, biglang napatulala nalang ako sa mga bida at tila parang napapalitan ang mga mukha nila ng mga mukha nina Aica at Jaycee- nagtatawanan at nagmamahalan.

Writing About YouWhere stories live. Discover now