Two

896 32 4
                                    

Author: Again, ang original draft ng part na ito ay nasa sira kong laptop kaya kelangan kong magsulat ulit. Hoho! Anyway, ang lakas ng loob kong ilagay sa humor na category ang storyang ito when in fact I know I suck at humor. Haha! But anyway, enjoy!

---------------------------------------

Writing About You – 2

Chlara's POV.

 

"Chlara, sabihin mo nga sakin. Kukunin mo yung notebook mo or mamboboso ka nalang diyan?" Nakacross arms lang si Roro, ang bestfriend ko habang tinitignan niya ako na sumisilip sa may circle na bintana ng doors sa boys' shower room.

 

"Roro, yung notebook ko kasi! Kailangan ko yun makuha." T_T Nangingiyak na ako nun. Dismissal na kasi at narito ako sa boys' shower room para kunin yung notebook ko. Kanina kasi, sinundan ko si Jaycee tapos nalaman ko na nagpunta siya dito dala yung bag niya kung saan ang notebook ko. Pumasok siya sa shower room at paglabas niya, hindi na niya bitbit ang bag niya kaya I conclude na iniwan niya ito sa locker niya samantalang nasa loob dun ang notebook ko.

"Mabuti pa yung notebook ko, nandun sa locker niya." u_u "A-aray!" Napahawak naman ako sa ulo ko nun kasi sinapak ako ni Roro. Sasapakin ko din nga siya kaso nahawakan niya yung wrist ko at akmang ilalayo ako sa pinto ng shower room.

"Kung mamboboso ka lang diyan or may balak kang rape-in ang locker niya, mabuti pat umalis na tayo at may makakakita pa satin. Tara!"

 

Umiling ako nun and I flung my arms open at dumikit ulit sa pinto ng shower room sabay dinikit ko an cheeks ko sa may bintana. "Yung notebook ko" T____T

"Chlara,gaga ka ba ha? Sabi mo kukunin mo ang notebook mo pero hindi ka naman pumapasok. Ano ba talaga!"

 

Oo nga nu? Hehe. "Samahan mo kasi ako." Sabi ko nun.

 

"Ayoko. Dito nalang ako." Tinignan ko siya ng masama nun.

"Jaycee. Ano ba, let go nga!" Biglang nakarinig ako ng boses ng babae.

"I'm not going to let you go again."

Shems!

Magsasalita sana si Roro nun ng tinakpan ko yung bibig niya. "Si Aica at Jaycee!" Bulong ko nun sa kaniya at kita ko naman na nanlaki yung mga mata niya. Sa di kalayuan, nakita kong papunta sila dito kaya napahila ako kay Roro at napasok kami sa shower room ng boys.

Nung nakapasok kami nun, nataranta kaming dalawa kaya naman napahanap kami ng tig-isang bakanteng locker. Unang nakahanap ay si Roro. Pumasok siya dun at rinig na rinig ko na talaga yung boses ni Aica at Jaycee sa labas. Waaaah!!!

Buti nahanap ko yung may isa pang locker na nakaopen pero may mga things sa loob. Aaaaah bahala na! Kelangan ko na magtago. Eksaktong pagsara ko door ng locker ang pagbukas ng pinto ng shower room. Sina Aica at Jaycee.

Writing About YouWhere stories live. Discover now