Twelve

316 18 2
                                    

AUTHOR: Hi!!!! After how many months, nakapag-update rin! Actually, I lost my drafts. Kaya hindi ko na talaga alam. I will just write from the bottom of my heart. Char hahaha. Sorry din pala kung may nag-antay ng updates, kaloka maging kolehiyala! XD  Anyway, ito yung comeback update ko. Hahaha! So pasensya if I don't satisfy your expectations. Just stay tune for the next chaps. Thanks a lot! 

------------------------

Writing About You - 12

Chlara's POV


"Sabi mo ayaw mo, tapos ngayon naman, pumayag ka?"
Tanong ni Roro sakin habang naglalakad kami sa corridor ng dismissal.

"Actually, ayoko talaga. Pero sayang naman kasi, diba? Last year na natin 'to sa High School tsaka malay mo baka mapasaya ko pa si Mommy dahil yan naman ang gusto niyang gawin ko." Sabi ko naman.

Kanina kasi noong first subject, nilapitan ako ni Louise- yung Editor In Chief ng School publication at sinabi sakin na hindi ba daw pwedeng pag-isipan ko ulit at sumali sa workshops kasi kulang talaga ang Sports writers tapos hindi na daw ako mag-aabala pa magscreen dahil nanalo naman na daw ako last year, tanggap na daw ako agad. Basta kailangan lang talaga nila ng writer.

Naisip ko kasi na sayang din naman ang opportunity. Tsaka naalala ko yung mukha ni Mommy nang sinabi ko na hindi na ako kasali sa school publication. Yun parang nakita ko na kahit may sakit sa Puso si Mommy noon, nakikipagsiksikan siya sa maraming tao para makanoud lang ng basketball game para lang may maisulat siya. Gusto ko din na kahit ito nalang, mapasaya ko siya at least na may nagpapatuloy sa legacy niya. Oh dibaaa!

"Hi, Andiyan ba si Louise?" Tanong naman ni Roro pagkarating namin sa classroom nina Louise. Lumabas naman na si Louise sa room nila at sinabi ko na sa kaniya ang decision ko na sasali ako. Pagkatapos nun, sinabihan niya ako na magpractice practice daw ako at ireview lahat ng jargons dahil next week pa naman daw ang workshop tsaka next week after, magrerelease na ng copy ng Semester issue ang The Daily Ink.

"Welcome ulit, Chlara! It would be very nice to work with you again!" Sabi niya tsaka niyakap niya ako. Tinignan naman niya si Roro nun, "Kamusta ka na? Di ka na najejeb na walang tissue?" Natawa naman kaming tatlo nun. Si Louise kasi yung nakarinig ni Roro nung nagsisigaw siya dahil naiwan ko siya ng walang tissue sa CR at nakitext siya kay Louise. 

"Naman! Haha. Okay na. May dala na ako lagi ng tissue." Natatawang sabi ni Roro. "goodluck nga pala sa inyo, ha?"  Pagkatapos nun, nagpaalam na kami at tinalikuran na namin ang classroom ni Louise nang napatigil si Roro bigla kasi may tumawag sa kaniya.

“Ate Roro!” Bigla naman na may lumapit sa kaniya na lower year na Camera club din- naalala ko kasi. “Diba po may meeting tayo mga officers?” Sabi niya habang hinihingal. Parang tumakbo pa yata siya.

“Ay, oo nga pala!” Sabi naman ni Roro. “Teka, Chlara ha? Nakalimutan ko na may meeting pala kami. Hihi” Sabi niya sabay nagpalaam. Tumakbo na siya nun pero bigla na huminto siya at tumingin ulit sakin. “Tsaka nga pala. Wag mo na akong hintayin ha? Sige, byee!” At umalis na siya kasama yung officer na lower year.

Writing About YouWhere stories live. Discover now