Seven

629 21 3
                                    

Writing About You - 7

Chlara's POV.

"Faster! Cover your heads!" Sabi ng isang gurohabang nagmabilisan namang nag-evacuate kunwari ang lahat ng mga estudyante mula sa school buildings.

Earthquake drill kasi namin ngayon at kaming dalawa ni Roro ay sumunod-sunod sa mga nagsisitakbuhan na mga estudyante.

Nakasabit sa leeg ko ang strap na naghahawak sa digital camera ko. Si Roro naman ay ganun din. Bilang camera club members (President si Roro ng camera club) ay pinag-utusan lang naman kami ng aming club moderator na kumuha ng litrato para sa school page namin sa Facebook.

Ayun, nagsitakbuhan na sila sa grounds na nakatabon sa mga ulo nila. Nagpipicture naman kami ni Roro nun at ilang segundo lang ay nakalabas na ang lahat ng estudyante sabay yung mga red cross churva. Ang ginagawa nalang nila ngayon ay nagheadcount kuno.

"Chlara, tignan mo labs mo oh, yeee!" Ipinakita naman ni Roro sakin ang screen ng digicam niya. Kinuha ko naman iyon sa dalawang kamay ko at tinignan. Si Jaycee nga ito na side view at nakacover sa may ulo niya.

Hindi ko alam pero nagpipigil ako ng mga ngiti sa panahong iyon. Hay nako, ang ewan na talaga. Jaycee naman kasi. Sabi ng sana papanget na siya para hindi na ako mapangiti eh! =_=

Kinuha naman ni Roro yung digicam ko at siya naman ang nagtitingin ng pictures dito. At ako naman ay pinagscan ko din yung sa kaniya nang biglang napatigil ako sa isang picture.

"Oh, eto na oh.” Ibabalik na sana ni Roro yung digicam ko nang bigla niyang napansin na nakatutok pala ako sa isang picture. Picture nina Aica at Jaycee yun. Hindi ko nga alam pero napaisip ako bigla na ang bagay nga nila. Pero nang tinignan na rin ni Roro yung tinitignan ko ay pinaglipat ko yung picture. Napatingin na rin siya sa digicam. "Oy oy oy, bakit ka nakatitig sa picture ni Aica?" Tapos maya-maya lang ang biglang lumaki ang mga mata niya at napanganga siya sabay tinakpan ang bibig niya. "Omg! may balak ka yatang ipabarang yang picture na yan noh?!"

Hinampas ko naman siya sa braso. "aray!"

"Anong barang barang yang sinasabi mo? Ano ako, mukhang mambabarang?! Psh" Sabay inirapan ko siya sabay binalik ang camera niya.

"Eh bat ka nakatutok ha?" Pagkatapos naman noon ay biglang tinap niya ako sa shoulders ko na nagfake sob na kunwari naiiyak na daw kuno ako. "Okay lang yan, bespren, it's okay. Alam kong nasasaktan ka na to the point na gusto mo ng ipabarang si Aica"

( T___T)- (-__- )

“Aish, Roro pwede ba.” Inalis ko yung balikat ko sa ilalim ng kamay niya at binaling yung pansin ko kay Louise, yung babaeng tumulong kay Roro on her LBM night at yung editor in chief ng school publication, na lumalakad ngayon patungo sa amin.

“Hi.” Sabi naman niya na medyo napagod at pawisan- galing kasi sa drill. Ngayon ko nga lang napansin na tapos na pala at nagsi-uwian na yung mga estudyante. Tinignan naman niya ako noon. “Just to remind you, may screening kami ngayon. Actually, papunta na nga ako sa library eh. You should try.” Sabi niya nang ngumiti. “Nanalo ka diba noong Regionals?”

“Uh, yeah.” Sabi ko noon na medyo hindi interesado. Well, I was a writer for The Daily Ink. For two alternate years and quitted. At bumalik last year, kung kelan kulang yung contestants for the Collaborative Publishing team para sa Regionals kasi may nagback-out na ilang writers and unfortunately, isa ako sa mga nakuha in replacement sa mga nagback-out. Napilitan lang naman akong um-oo kasi yung School Paper Moderator, si Ma’am Cortez, nauna ng nagpaalam kay Mama na kunin niya ako para Regionals. Eh, etong si Mama naman na sobrang eager (writer din siya dati at nakatanggap ng marami ng awards), kaya ayun, napilit ako.

Writing About YouWhere stories live. Discover now