Three

901 26 10
                                    

Author: Oh my gudnes! KATANGAHAN! Jaycee?! Bakit naging Jaycee ang pangalan ni Jayden Larazabal?! Shems. Ngayon ko lang napansin. Nakalimutan kong Jayden pala dapat kasi yun ang nasa prologue. Hindi Jaycee. Okay, cool story bro. Hahaha! pinalitan ko na ng Jaycee. Hay nako. I'm so sorry guys. Anyway, natrauma na ako kaya what I have in draft, I’ll update agad baka mawala na naman T_T Wehe, anyway, I hope you enjoy!

---------------------------

Writing About You - 3

Third Person's POV.

Hindi na alam ni Chlara kung ano ang gagawin. Big or small bad things na nangyayari na may kinalaman kay Jaycee, hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Takot kasi siya. Takot siya na baka maulit na naman yung nangyari dati noong elementary pa siya. Yung binubully siya dati ni Jaycee nang nalaman nito na crush niya ito. Oo, nalaman ni Jaycee yun pero ang alam ni Jaycee, nakamove-on na si Chlara when in truth, hindi naman talaga ever naka move on si Chlara. Pero pinalabas lang ni Chlara na okay na siya. Naging okay sila ulit, last year, junior year nila dahil nagsorry si Jaycee. Pero dahil nga sa nangyari kanina, na naroon kay Jaycee ang notebook niya, takot siya na baka ibubully na naman siya nito.

"May admirer ka nga, pero panget naman!" Pinaparinggan siya ni Jaycee dati noong seatmates pa sila noong grade six. Nagkacrush si Chlara nun sa kaniya dahil nga nadevelop siya kasi seatmates sila pero may nakaalam sa barkada ni Jaycee na crush siya ni Chlara kaya naman ilang araw lang, kumalat ito at pinandirian na siya ni Jaycee.

"Tabi nga, pangit!" Yun lagi ang ginagawa ni Jaycee sa kaniya, ang manlait. Sisipain pa nito ang paanan ng upuan ni Chlara para mapalayo ito mula sa kaniya dahil diring diri siya dito.

Nagflashback kay Chlara yung mga nangyari noong grade six- ang mga panlalait ni Jaycee sa kaniya, ang pag-uunderestimate, ang pagtawa nito sa kaniya kapag naiinis na siya at ang bubble gum sa buhok niya na dinikit ni Jaycee. Hindi lang yun, pati sa mga barkada ni Jaycee, pinag-uusapan siya at ngayon, feeling niya mabubully na naman siya dahil alam na ni Jaycee ang lahat lahat.

Sana nasa kaniya pa ang notebook niya at maisulat niya lahat ang nararamdaman niya. But what's new? Ano pa bang bago ang maisulat niya e kung nasaktan siya simula nung una, hanggang ngayon, ganun pa din naman.

Proooooooot!

"Aray talaga ang sakit!! Ouch, ouch!!" 

Nagsigaw kasi si Roro nun habang naroon siya sa isang cubicle dito sa girls' CR. Hinihintay siya ni Chlara at poshang gala, magaalas syete na, hindi pa rin siya tapos. LBM nga ba naman.

Prooooot!

There's that.. smell. Ew!

"Bes.. pren." Sabi ni Roro mula sa cubicle na nahihirapan nang guminhawa dahil sa pagyouyou know na."Alam mo bespren, a-ang pag-ibig, parang LBM lang yan. Alam mong kailangan mo na maglet go pero ang hirap talaga at ang sakit!!"

Prooooot!

"Roro, pwede ba. Magyou-you know ka nga lang diyan." -_- Pinaypay naman ni Chlara yung mga daliri niya malapit sa ilong niya kasi ang baho.

"YESS!! SUCCESS!"

"Talagang ipagsigawan?" -_- Sabi ni Chlara. "Oh sige na dali na, gabi--"

"Waaaaaaah!" Napapunta naman si Chlara nun sa pinto ng cubicle kung asan si Roro. Bigla kasi itong sumigaw na parang naiiyak. "Oooh nooo oooh no!" Pagsisigaw ni Roro. Kinatok naman ni Chlara yung pinto. "Uwaa!"

Writing About YouWhere stories live. Discover now