PROLOGUE

223 7 3
                                    

“COME ON, KYRA. It's been months. You need to at least... move on na—”

“'Ma, pagkamatay ng boyfriend ko iyon.” Kinuyom ko ang kamao. “Ilan bang araw ang in-e-expect niyo na umiyak ako dahil sa pagkamatay niya? Isang linggo?”

“'Nak, ano ba? Hindi iyon ang ibig kong sabihin... ang gusto ko lang iparating ay hindi ito ang gusto ng nobyo mo na mangyari. Kita mo, hindi ka na kumakain, naliligo... hindi mo na naaalagaan ang sarili mo sa ilang buwan na lumipas...”

“Tama si Angelene, Kyra. You need to move on and have a new life.” Natigilan ako nang andito rin pala si Tita. “But no, we're not telling you to not grieve over him—maski rin naman ako, nasaktan sa pagkawala ng anak ko. Anak ko iyon, Kyra. Mas masakit sa parte ko pero... heto ako at sinusubukang mamuhay sa paraang kaya ko. Kung ako nga na Ina niya, nakayanan ko, ikaw pa kaya na nobya?”

Lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang kamay ko. Iniwas ko ang tingin. “Naiintindihan mo na ba, Kyra? Ganito ang mundo, Kyra. Hindi pedeng hindi ka na tumayo at magsimulang maglakad uli pagkatapos mong madapa. Minsan, subikan mo ulit tumayo. Dahil at the end of the day, pagsubok lang yan na malalagpasan mo rin. May rason kung bakit nangyayari ito. May rason kung bakit binawian na siya ng buhay. Ikaw, may buhay ka pa. Kaya wag mo sanang isipin na mawala rin. Hindi ko kakayanin, anak.” Napalunok ako at sinubukang itago ang sugat sa aking pulsuhan.

After the long silence, they looked at each other and sighed. “Nga pala,” Tita Suzzy spoke. “May nakita kasi ako sa higaan ng anak ko nang naglilinis ako kahapon. Nirerekomenda kong huwag mo muna basahin at baka mas lumala sa pagluluksa mo. Pero magandang bagay iyan na pwedeng itago kapag nami-miss mo siya. Besides, may nakalagay na para sayo raw iyan...” Inilagay niya sa kama ko ang bagay na parang notebook pero kaagad ko binalewala dahil sa lumulutang na utak.

“Paano, anak? Alis na kami ng Tita mo, ah...” Hindi ako sumagot, kaya bumuntong hininga ulit sila. Saka lang ako nakahinga nang marinig ko ang pagsara ng pinto at mga yabag nilang paalis. I sighed as I lay down my back at my bed. Tama naman si Tita Suzzy. Siya nga, na anak yung boyfriend ko ay nagawa niyang maka-move on agad. Pero ako...

A drop of tear slide my face. Kaya lang naman hanggang ngayon hindi ako maka-move on dahil ako ang dahilan kung bakit siya namatay. I saw the signs. But instead, I ignored it as though it's nothing! Ang tanga ko. Hindi ko siya napahalagahan. Hindi ko manlang naisip ang bagay na iyon nang mga oras na iyon. Kung sana, nagawa ko iyon ay buhay pa rin siguro siya hanggang ngayon. Kung sana, sana, nakinig ako sa gut feeling ko na huwag ay kapiling ko pa rin siya. Kaso... kaso...

Wala eh, tanga ako.

Pero... hindi ba at may nasabi sa akin si Mama nung isang araw na hindi natin mapipigilan ang takbo ng tadhana? Na lahat ng ito, nasa kalooban Niya? Na may dahilan Siya kung bakit iyon nangyari? Na kaya hindi ko naisip ang mga gut feeling ko noon dahil kahit balik-baliktarin ang mundo ganoon pa rin ang kalalabasan? Kamatayan ng Boyfriend ko?

Masakit, pero parang na-motivate ako.

Kumapit lang sa Kaniya.

Nang ma-realize ko ang lahat ay ang unang step ko para bumangon sa panibagong buhay, napagdesisyunan kong mag-linis ng kwarto. Sa totoo lang, hindi ko napansin na ganun na pala kadumi yung kwarto ko not until now. Maybe I was too drowned with sadness that's why it never occurred to me how my room is a mess.

Pagkatapos mag-linis ay saka ko naramdaman ang init kaya dumiretso ako sa shower. After that, I felt refreshed. Parang gusto ko ulit sumubok sa buhay. Parang ang ganda na ng lahat na nakikita ko.

Not until I saw that one specific thing.

Art's Journal Notebook.

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now