CHAPTER 1

143 6 1
                                    

“And... now we're finally here.”

“Art...”

“Hmm?”

“Wala akong makita,” pagmamaktol ko.

Natawa siya. Realizing na binlindfold niya ko bago pumunta rito. “Right. Right. Sorry.” He took my blindfold off and instantly met the sun. My mouth gapped for the scenery in front of me.

It's... alluring, appealing, charming, dazzling, delightful... lahat ng synonym ng beautiful ay ma-aapply mo na sa nakakapigil hiningang ganda ng Sagada—ang itinuturing nilang sea of clouds.

I lean over Art when he hugged me from behind. “It's calming here, Art. Paano mo nalaman ang patungo rito?”

“Uh... ginoogle maps ko...?” Hinampas ko siya. Both sa inis at tawa sa joke niya. “But to be completely honest, a week ago nung malaman ko yung tungkol sa lugar na 'to. I was fascinated about its beauty when I first searched it. Na-curious ako then inaya kita. Sabi raw kasi nila relaxing ang lugar na 'to. Alam mo namang masyado ka nang pressured at graduating ka na from college... so here's a gift para kahit papano relaxed ka muna.”

I pouted then leaned in to kiss him. "Thank you. So much. You don't know how happy i am now." Ibinalik niya ang yakap sa akin nang yumakap ako sa kanya.

We're like that for minutes when Art decided to let us have our dinner. Papalubog na ang araw at mas namangha pa yata ako sa anyo nito kanina.

We're exchanging topics when all of a sudden, he fished something from his bag and saw it's a notebook. Kumunot ang noo ko nang nakitang parang may sinusulat siya.

"Hindi ko alam nagda-diary ka pala?" natatawa kong saad.

Tumawa siya at umiling. "No, I'm not that keen on making diaries but I do write stories, though."

Nanlaki ang mata ko. "Writer ka pala?"

Tumango siya, ang mata ay nasa notebook pa rin. "Eversince highschool when this became my hobby. Ngayon ay palagi ko nang ginagawa kapag may idea ako."

Lumapit ako sa kanya at sumilip nang kaunti sa sinusulat niya. Hindi ko nasusundan ang kanyang sinusulat hanggang sa bigla niyang sinara ang notebook pagtapos ay inangat ang tingin sa akin. Matagal niya akong tinitigan kaya nailang ako.

"A-Art?" sabi kong di na yata makatitig sa kanya.

"Kapag namatay ako... gusto ko ituloy mo ang mga kwentong di ko natapos. Kasi... sayang naman kung hindi, diba?"

NAGISING AKO sa tunog ng alarm ko. Mariin ang pikit ng mata kong sinusubukang patayin ang alarm habang medyo nasisilaw ang mata sa araw na sumisilip sa aking bintana. Nang tuluyan lang mawala ang alarm ko ay saka ako napamulat at napatitig sa dingding ko. And then accidentally, nasagi ang mata ko sa notebook na nasa dibdib ko.

Hindi ko iyon nagawang basahin. Hindi pa ako ready. Ayoko maging dahilan na naman yun para magmukmok ako sa bahay. Ayoko pang maranasan uli yung unbearable pain i couldn't handle. Kaya... tama lang ang desisyon na pabayaan iyon at saka na alng gawin pagkatapos ko ma-accept nang buo ang lahat.

I was stretching my arms when my gaze lazily landed on the alarm clock at ganoon na lamang ang pagbigla kong umalis sa kama nang makitang male-late ako sa trabaho. Bwisit!

Sa sobrang bilis ng kilos ko ay maski ako di ko na alam kung ano ang inuna at hinuli ko. Basta ang huli ko na lang nalaman ay pumapara na ako ng jeep habang tinitirintas na ang buhok ko. Nang makasakay sa jeep ay tinignan ko ang relo. Napahampas ako ng noo dahil mukhang male-late talaga ako pagkarating doon. Patay na naman ako sa boss ko! Strikta kasi iyon sa late. At kapag na-late, tatambakan ka talaga ng trabaho at mauuwi sa overtime.

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now