CHAPTER 6

47 2 0
                                    

NOBODY COULD race as fast as the beat of my heart right now. I don't even know what's happening to me. My chest tightened as I could barely breath to our closeness. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Para akong natulala sa gulat. Alam ba niya ang pinagsasabi niya? In love? Sa akin? Agad?! Ano siya, main character sa isang kwento at ako rin yung bida kaya dapat lang kaagad magkagusto ang main lead sa female character?!

Well, isn't that absurd?!

For goodness sake, kakakilala lang namin nung isang araw. Anong pakulo ito, Cleo?!

“W-Why are you doing this?” I didn't even know why I stuttered! Goodness, Kyra. Be you! Snap out of this illusions he gives you!

His brow raised but a smile forming on his lips. “Gusto ko, bakit may problema ka?” It felt like a cue to my senses. I felt my heart go back to its normal pace as my hand reaches the air and slaps him.

“Jerk!” And then I pulled away before running away from him.

Because in the first place he can't be. I don't want him to be really in love with me.

“MA, ANO NAMANG gagawin ko diyan?” Kausap ko ngayon sa phone si Mama at inaaya kasi akong pumunta sa kanila for my brother's birthday. Party ang magaganap and I hate crowded places. Sinabi kong ipadala na lang ang bati ko at may trabaho pa ako bukas.

“Maki-celebrate sa birthday ng kapatid mo. Miss ka na raw niya. Ine-expect niya rin na dadating ka. Huwag mo rin masyadong isipin ang trabaho. Magsaya ka naman kahit papano.”

“E, Ma...”

“Ano? Trabaho pa rin gusto mo? Wala ka nang ibang inatupag kundi yan. Anak, masaya ako na nakabalik ka na sa trabaho mo pero pwede bang para sa kapatid mo, kalimutan mo muna iyan?”

When someone familiar crossed my mind, I immediately agreed. I remember that time na hindi ako makatulog kagabi. Baka makatulong iyon kapag pumunta at nakitulog ako sa bahay nina Mama. That way, maybe I'll finally have my goodnight sleep.

Gumayak at pumara lang ako ng jeep pagkaraan ng ilang minuto. Pagkarating sa tapat ng bahay nina Mama ay tila movie na nag-play sa aking utak ang mga alaala na kasama ko sila rito at ni... Art. Obviously, Mom and Dad known Art. Legal both sides, yun nga lang, it ended up in a bad way.

I sighed and shook my head. I'm here to get things out of my mind at kasama na si Art doon.

Kumatok ako sa pinto at ang kapatid kong seven year old na ay sumalubig at yumakap sa akin. “Ate!” Lumingon siya sa pinto. “Ma, dumating nga si Ate. Yey!” Napangiti ako sa kanyang ginawa. Pinapasok niya ako habang hatak-hatak niya ako at nakarating kami sa Kusina kung saan nag-uusap sina Mama't Papa.

“Ma, Pa...” I said, acknowledging my presence. Nakita kong nagpapabuhat sa akin ang kapatid ko   kaya binuhat ko siya. Lumapit ako kina Mama't Papa para magmano.

“Mabuti at naisipan mong dumalaw dito. Miss na miss ka niyang kapatid mo,” saad ni Papa. Napatingin ako sa kapatid kong pinaglalaruan ang ang aking damit at pinisil ko ang kanyang pisngi.

“Birthday, eh. Tagal ko rin nang huli kong uwi rito.”

“Mabuti nga at naisipan mong tama na masyado kang nagpapakasubsob sa trabaho,” sabi naman ni Mama. “Kailangan mo ng pahinga. Dito ka na rin kaya matulog?”

Ayun din naman ang plano ko.

I STRETCHED MY arms fully as I open my eyes. Ramdam ko ang eyebags na nanuo mula kagabi dahil sa paglikigpit at pagtulong kina Mama. Humikab ako at tinignan ang phone. I have one hour before my preparation routine. Siguro itutulog ko lang nang kaunti.

Akala ko ay pagkatapos ko ng pagpikit ay idadala ako nito sa panaginip. Pero narinig ko ang katok sa kwarto at abg tawag ni Mama.

“Nak, gising na. May breakfast sa baba.”

“Opo, Ma,” sagot kong inaantok pero alam kong maririnig sa labas. Kahit bagot at medyo ayaw pang simulan ang araw ay pinilit kong bumangon para mag-ayos sa sarili. Pagkatapos gawin ang pag-aayos ay bumabà na ako para sa almusal. Ngunit sa kalagitnaan ng pagbaba ko ay may nakita akong pamilyar na pigura.

Is that...

Mukhang nagulat din siya nang makita niya ako. “K-Kyra?”

Nagsalubong ang aking kilay. Ano na namang ginagawa ni Cleo rito? At naistalk na naman ba niya ako kaya nalaman niyang dito ako nakikibahay ngayon?!

A/N:

Sorry for the short update but maybe mabilis ko rin siguro mapapublish si chap 7 kasi may idea na ako.

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now