CHAPTER 3

73 6 1
                                    

PAGKATAPOS NG pagpapa-translate ko sa kanya sa araw na iyon ay hindi ko na pinasundan ng ipapatranslate pa. Hindi ko alam, pero bigla ko kasing naramdaman ang lungkot na bumalik sa akin. Parang noon pang mga nakaraan na lungkot. Simula kasi nang sabihin niya ang salitang kapag namatay siya ay ipagpatuloy ko ang kanyang kwento ay naging kakaiba na ang kinikilos niya na binalewala ko. Lots of self blames came like a thunder into me. Bumalik na naman ako sa pagiging depressed. Nawala na naman ako sa trabaho.

My crying became endless. It felt like hindi ako nauubusan ng luha kahit paulit-ulit ko nang ginagawa. Walang katapusang paghihirap sa sarili, walang katapusang what if's, walang katapusang kalungkutan. Kailan ba mapupunta ito sa hangganan? Kung oo, meron nga bang hangganan?

Akala ko panghabang buhay na naman ulit akong ganoon. Akala ko mapupunta na naman ako sa cycle na nangyari 6 months before. Maybe it's a miracle that someone knocked on my door.

Akala ko si mama, kaya hinayaan ko kasi may susi siya. Pero paulit-ulit ang katok to the point na napatayo ako sa kinauupuan. I don't expect anybody to come at my house kaya ganoon na siguro ang gulat ko nang makita si...

Wait, ano nga ulit pangalan niya? Alam ko ay hindi niya nasabi ang pangalan dahil translation lang ang hanap ko pero... anong ginagawa niya rito?

Tumaas ang kilay niya nang makita kung anong ayos ko ngayon. “Anong itsura 'yan? Mas nagmukha ka yatang Panda ngayon kaysa noon.”

I sighed. “What do you want?” I silently asked. Alam ko na na-weirduhan siya dahil dati ay pinapatulan ko ang pang-aasar niya.

“And you looked like you haven't taken a bath for a few days.” I shrugged. Totoo naman. “That's it? Hindi ka manlang maiinis sa sinabi ko?”

“Totoo naman na mukha na akong Panda sa lalim ng eyebags ko, lalo ba naman na gabi-gabi kang umiyak,” bulong ang nagawa ko sa panghuling sentence ko at alam kong di niya na narinig dahil kumunot ang noo niya.

“Why are you so...”

“What? Weird? Deal with it, ganito lang talaga ako minsan.” Na mukhang magiging araw-araw na. “And if you're here para sa translation, y-you don't need to ask for another one. Okay na ako sa two paragraphs. Nabayaran ko naman na.”

“What do you mean? Sayang, mukha pa namang maganda yung—”

“When I said it's enough, it's really enough.” Hindi ko naitago ang kaunting galit sa nasabi. I sighed. “You better go now. Tapos na ang serbisyo mo sa akin.” I was about to close the door when he effortlessly stopped it from closing. Nakakunot na ang kanyang noo.

“Anong tapos na ang serbisyo? May I remind you that you are only my client at wala ka sa posisyon kung kailan mo gustong tapusin na agad. Nasimulan mo na, might as well finish it until the end.”

“Hindi mo kasi naiintindihan! I don't want to—”

“Ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi? Baka ikaw, pinapaliwanag ko sayo—”

“Ako nga 'tong nagpapaliwanag pero ayaw mong makinig. Ano naman kung ako ang lang ang kliyente? Hindi ba ako pa rin ang nasusunod? It's like customers are always right! Kaya sana i-consider mo 'to kaysa—” I gasped when he suddenly pinned me into the wall. I froze when he closed the gap between us.

“One more word against my rules or I'll kiss you.” Suminghap ako at bago ko pa malaman ay lumipad na sa ere ang aking kamay para itama sa kanyang mukha.

“Jerk!” Ayoko sa lahat ang attitude na ganito. He's too... full of himself. And that's what I hate the most.

Nakagilid na ang kanyang ulo dahil sa pagkakasampal, pero nakita ko pa rin ang pag-angat ng kanyang labi na tila pag-ngisi. Nilingon niya ako. “Jerk? Kung jerk din pala, might as well take this opportunity to make my self jerkier to you by making you know what's the story all about.” Pagkatapos ay hinatak niya ako palabas ng aking bahay.

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now