CHAPTER 4

68 3 0
                                    

NANG MAKALABAS na ako nang tuluyan sa kanyang kwarto ay naabutan ko siya sa kusina habang may binabasa na pamilyar ang anggulo. Hindi ko pala iyon nakuha sa kanya dahil parang I was clouded with thoughts that time. Mabuti na rin iyon dahil ayokong nakikita ang notebook na iyon.

Nag-iwas ako ng tingin nang mag-angat siya ng tingin. Kinabahan kasi ako sa masasabi niya mamaya. Ayoko ng maririnig ko. Di ko kakayanin.

I saw in my peripheral vision his smirk. "Upo, Kyra."

I rolled my eyes. "What for? Sasabihin mo lang naman, pagkatapos ay aalis din ako. Ano pang silbi ang umupo?"

Tumaas ang kanyang kilay. "Inutusan lang kita ang dami mo nang sinabi."

"Whatever. Let's just get this over with at nang matigil ka na sa pambubulabog mo sa akin. Just promise me after this, di ka na magpapakita. Ni anino mo." Natahimik siya. Nang ibalik niya ang tingin sa notebook ay paramg slow motion na tumibok ang puso ko. I am not ready for another pain, I'm not yet ready for everything, so I shut my ear by the use of my point finger. Ngunit nagtaka ako dahil wala akong maano na boses niya. Unti-unti kong tinanggal ang hintuturo at nag-angat ng tingin sa kanya. Kumulo ang dugo ko nang makitang nagpipigil siya ng tawa. Pinagtitripan ba ako nito?!

Kinuha ko ang tsinelas ko at inanga sa ere. "Gusto mong tumama nang diretso 'to sa mukha mo tas tawanan din kita?"

"Chill! Natatawa lang ako sa advance reaction mo kasi wala pa akong sinasabi tinakpan mo na agad tenga mo." Tawang-tawa siya. Mas kumulo ang dugo ko sa inis. Kapag ako hindi talaga nakapagpigil!

Nang makitang parang walang kwenta na panoorin siya na tumatawa ay I aimed for his door when he quickly reached my pace to stop me from going away. "Ang bilis naman uminit ng ulo mo."

"Paanong hindi iinit kung grabe ka mambwisit?! Augh! Wala namang katuturan ang pagpilit mo sa akin dito kaya bakit hindi ay paalisin mo na ako?"

"Ang sarap mo kasi asarin," ngisi niya.

"Ang sarap mo naman sapakin," ngisi ko pabalik.

"Sige nga? Gawa!"

Aba at itong bwisit na 'to-

I aimed my fist unto his face when he suddenly dodged it. Uulit sana ako nag pinilit niya akong tumigil. Hindi na sana ako makikinig nang magsalita siya. "Okay, okay. Fine! Hindi ko na itatranslate sayo ang notebook, pero please, samahan mo muna ako sa pupuntahan ko bago mo gawin iyan!"

Binaba ko ang kamao. "For what?"

"Gusto ko, bakit may problema ka?" Bago ko pa siya mahambalos ng tsinelas ko ay saka niya ako hinatak palabas.

I swear, I'll strangle his throat after this!




ISANG SIMPLENG bahay ang pinuntahan namin. Kahit na hindi ko alam bakit kailangan nandito pa ako ay hindi na ako nag-complain pa sa kanya. Kaysa naman siguro basahin niya ang contents ng nasa notebook ni Art.

"Ang bait mo yata ngayon."

Napalingon ako sa kanya sa sinabi. Napataas ako ng kilay. "E ano kung mabait ako o hindi?"

Napailing siya. "Ang ibigsabihin ko lang, himala yata at hindi ka nag-complain?"

Kumunot noo ko. "Ano naman irereklamo ko?"

"Kung bakit pa kita sinama kung pwede naman na kitang ihatid sa bahay niyo."

"Hindi ba nga ang famous line mo pa sa akin ay, "gusto ko, bakit may reklamo ka?" Kaya dapat nga maging masaya ka pa sa ginawa ko." Inikot ko ang mata.

Pinatay niya na ang sasakyan. "Oo na. Sungit." Hindi ko na pinansin ang kanyang huling sinabi at lumabas na ng kotse. Mas naaninag ko ngayon ang simpleng bahay na ito. Kanino kaya ito? Bakit siya pumunta rito?

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now