CHAPTER 8

47 2 0
                                    

TULALA, HINDI makapakinig nang maayos sa paligid, lutang ang isip. Yan lang ang isa sa mga bagay na naranasan ko after ng pangyayaring iyon. Especially that... that...

Isang busina ng kotse ang nagpagising sa kalamnan ko. “Hoy, miss! May balak ka bang mag-pasagasa?!”

“S-Sorry po!”

“Ta-tanga tanga kasi. Nasa daan pero lulutang-lutang!” pagpaparinig nito.

Napayuko na lang ako at tumakbo paalis doon. Oo, iyon ang isa sa mga halimbawa ng kinakalutang ko. Parang bumabalik kasi ako sa araw na iyon at nararamdaman kong muli ang labi niya na nagbigay sa akin ng iba't ibang feelings. Even a lot of questions bombarded my mind. Isa roon ang, bakit? Bakit niya ito ginagawa?

“You could run away, but you will never escape the fact that I'm in love with you.”

I shook my head as that thought invaded my mind. He's so ludicrous. He really thought I can fall in love with him? Hah! That's where he's wrong. I would never ever consider myself of falling for him. Not this time and even in the future.

Not ever.

I DON'T UNDERSTAND, bakit hindi na siya nagpaparamdam? Bakit hindi na siya nagpapakita? Ineexpect ko pa namang mas magiging makulit siya. Pero bakit ganoon? Parang... literal na hindi na siya nagparamdam.

And why am I acting this way? This isn't me! I shouldn't care about him.

But I can't help it. Kahit mag-focus ako sa trabaho ay walang silbi. Pero at the end of the day, hinayaan ko na lang. Kung hindi magparamdamn then so be it. As if importante siya. Importante ba siya? Hindi! So bahala siya sa buhay niya. Mas masaya nga yung ganito eh. Walang nangungulit sa akin.

OMG! Guy's, totoo ba?” Napalingon ako saglit kina Alice at sa iba niyang kasamahan pero ibinalik ang tingin sa computer pagkuwan.

“Ang alin?!” Ang iingay naman nila. Sapatusin ko mga bibig nila niyan e.

“Na may makakatanggap daw ng Best Employee Award!” Employee Award? Hindi ko alam nagbibigay pala ng award ang boss namin?

“Talaga? Sino raw?” Hanggang kailan ba sila magdadaldalan?

“Ang nalaman kong source ay si...” Bulungan ang narinig ko pagkatapos ay mga singhap. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho kahit nadi-distract nila ako.

Mahigit ilang minuto lang nang dumating ang boss namin. Napatayo ang iba at bumati sa kanya. “Okay, settle down, people. And I have something to announce.” Nakita ko ang hampasan nina Alice. Napalingon na rin ako kay Sir at hinintay kung ano iyon. “I know that for years, hindi ko trip ang gumawa nito dahil it will cause something to the employees. Gusto ko maramdaman niyong pantay-pantay kayo. Pero, this time. I want to give something to someone na deserve ma-recognize dahil deserve niya iyon sa mga hardwork niya.” Sa Award? Akala ko pa naman kung ano na.

“OMG, Sir. Ako ba 'yan?!”

Tinawanan siya ng boss namin. “No, it's not you—sorry, Ms. Lilian but the Best Employee Award goes to... Ms. Delos Santos!” Napatigil ako sa pag-ta-type sa computer. Ano raw? Ako? Sa dinami mg pag-absent ko napili ako sa award na 'yan?!

“Forda sana ol may award!”

“Ay, deserve! Walang makakapantay sa pagka-busy niya sa atin.”

“Ms. Delos Santos? Can you come here for your award?”

Tumayo ako pero di ako lumapit agad. “Sorry for spoiling the moment, Sir. But isn't unfair for all those people na hindi umabsent ni-isa at nagpupursigi kaysa sa akin na nakailang araw na absent?”

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now