CHAPTER 7

40 3 0
                                    

IS HE STALKING me? Again?!

Wala na ba talaga akong privacy pagdating sa lalaking 'to? Lahat na lang nalalaman niya! Bahay ko, trabaho ko, tapos ngayon bahay ng mga magulang ko?!

Honestly, hindi na siya nakakatuwa. Sobrang hindi.

Lumapit ako sa kanyang magkasalubong pa rin ang kilay. “Anong ginagawa mo dito, Kyra?”

“Ako ang dapat magtanong niyan sayo. Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ng parents ko? Lahat na lang ba alam mo, Cleo? Na nadadaan na lang ang lahat sa stalk? Hindi mo ba alam na invasion of privacy iyon?”

“Mali ka ng—”

“Anong mali? Ako, mali? Edi ano iyang ginagawa mo?!” I inhaled some air. Confrolling myself to be calam at baka marinig nina mama. “Can you please stop stalking me? Wala ka na bang magawa sa buhay mo? Ang trabaho mo na lang ba palagi ay mang-stalk ng taong halos ilang araw ka lang nung nakilala?”

“Kyra, hindi—”

“Bakit mo pa kasi ginagawa 'to?! Para ano, patunayan na totoong in love ka sa akin? Na ano, hindi mo ako niloloko sa mga sinabi mo nung isang araw? Na ano rin, na kaya mo akong pa-in love-in sa mga ginagawa mo ngayon?” I sarcastically laughed. “Well, tell you what, Cleo. I will never fall in love with you. Not in my watch.”

“Kyra? Anak? Anong nangyayari rito?” Napalingon ako kay Mama na may malalim na kunot sa noo. Nang ibalik ko ang tingin kay Cleo ay may dilim na sa mukha nito na binalewala ko na lang.

“Wala, Ma. Kakilala ko lang na bumisita.” Lumapit siya sa pwesto namin. Balak ko pa sanang harangan para hindi makita si Cleo pero nakita niya agad ito.

“Oh, Cleo ikaw pala!” Doon ako napatigil. “Kamusta ang Nanay Helen mo? Okay naman ba? Ay, bakit pala naparito ka? Kilala mo rin ba itong anak ko?” Kilala ni Mama si Cleo? Paano...

“Nakilala lang po somewhere,” Medyo plain na yung boses niya. Hindi na katulad ng... dati. It felt like something strike through me. “Ah, sige ho aalis na ako. Pumunta lang po ako rito para ibigay itong ulam na pinamigay ko na po sa katulong niyo. Uh—”

“Ay, teka, Hijo. May sasakyan ka hindi ba? Kotse?”

Mabagal na tumango ito. “Opo... bakit po?”

“Sakto! Ihatid mo nga ireng anak ko sa trabaho niya. Para sana less hassle pagdating sa work niya.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Anong—?!

“Ma, akala ko ba sasamahan ko kayo rito nina Papa para makapag-bond kaya nga mag-li-leave ako sa trabaho ko saglit? Tapos—”

“May sinabi ba ako?” she innocently asked. “Wala yata! Oh, siya. Ihatid mo itong si Kyra, Cleo, ha? Sa Sea Company lang naman siya nagtatrabaho. Alam mo naman siguro kung asaan?”

I silently slapped my forehead. I know where this is going. Mama's playing Cupid again! Goodness! Ang galing talaga tumaming ni Mama, ano?!

“Ma, ano ba—”

“Tigilan mo ako sa arte, Kyra at nakakahiya sa maghahatid sayo! Gumayak ka na para maihatid ka na ni Cleo!”

Sa huli ay wala akong nagawa. Kapag umaayaw kasi ako ay kung hindi kirot, hampas ang nakukuha ko kay Mama kapag sinasabi kong itigil niya ang ginagawa pero nauuwi lang sa pagbugbong sa akin. Ang ending, nakita ko na lang ang sarili sa sasakyan ni Cleo. Parehong tahimik at tanging bumabalot lang ay katahimikan.

Nakita ko sa peripheral vision ko na ang seryoso ng kanyang mga mata. Alam ko na sa mga ganitong oras ay dapat wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Pero mukhang mas nangingibabaw ang guilt dahil ako naman talaga ang mali. Na napagkamalan kong iniistalk niya ako. Na... parang sumobra ang mga nasabi kong masasakit na salita.

Can't take the guilt building over me, I opened ny mouth to speak. “About what happened earlier,” I started. “I'm sorry, I didn't know that—”

“Okay lang.”

Napalunok ako sa kanyang response. But I did compose myself. “But I'm really sorry.” pagpupumilit ko. “Hindi ko naman kasi alam na—”

“At ano? Kapag alam mo hindi mo ako sasabihan ng masasakit na salita? Kyra, mapa-hindi o alam mo na magkabitbahay lang ang bahay ng Mama mo at akin, sasabihan mo pa rin ako ng mga ganoon. Dahil ganoon ka kamanhid.”

Di ko alam pero dumaan ang galit sa akin. Manhid? Ako? Alam kong mali ang mga nasabi ko sa kanya pero ang sabihan ako ng manhid?!

“Kung apektado ka pa rin pala sa mga sinabi ko sayo ay sana hindi ka na lang pumayag na ihatid ako! Kaya ko naman mag-isa! Akala mo kailangan kita? Hindi!”

“Ayan!” he exclaimed. “'Yang mga ganyan mo. Paanong hindi kita sasabihan ng manhid? Kaya hindi ko magawang magustuhaniyang ugali mo noon, e!”

“Hindi ko naman hiniling na gustuhin mo kung sino ako!” Biglaan ko na lang binuksan ang pinto at saktong napahinto siya ng kotse dahilan para lumbas ako roon nang nagmamadali.

“Kyra! Bumalik ka rito kung ayaw mong magalit ako sayo!” Nagbingi-bingihan ako sa mga sigaw niya at nagpatuloy sa pagtakbo paalis sa sasakyan niya. Nang makarating kung saan ay may paparahan akong Jeep ay huminto ako. Nang may makita agad ay itinaas ko ang kamay pero kaagad may nagbaba noon. I faced Cleo's rage face.

“And what do you think you're doing?!”

“Ano pa ba? Edi naghahanap ng masasakyan tutal napipilitan ka rin namang ihatid ako, di ba?!” Sinubukan kong muli na itaas ang kamay para i-signal sa Jeep na paparating nang marinig ko ang mura ni Cleo bago ako hinatak paalis doon.

“Cleo ano ba? Saan mo ako dadalhin?!”
Hindi niya ako sinagot basta ay hatak-hatak niya ako patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan patungo. Nang huminto kami sa lugar kung saan walang tao ay hinarap niya ako kaya binuka ko ang bibig para sigawan siya.  “Kahit kailan bwisit ka talaga! At saan mo naman ako pinadpad?! Paano kung ma-late ako sa trabaho? Wala ka talagang kwenta! Bakit pa kasi nagpakita ka pa sa buhay ko—” I stopped midway when his lips crashed mine.

I froze on my spot at tila nanghina ako. Saglit lang ang dampi ng kanyang halik pero parang matagal na dumikit ito sa aking labi.

“One more foul word and you'll receive another kiss from me.” Doon na ako tila natauhan at galit ang kaagad namuo sa akin.

“Jerk—!” Another kiss was gave to me and it lasted long than the other. Mariin akong napapikit para madama ang labi naming magkadikit. Mas lalo tuloy akong nanghina rito kaysa sa pang-una.

I was left with hooded eyes when his lips left mine and before leaning over my ear. “Remember this, Kyra. You'll be deeply fall in love with me. No bluffs, just the truth that will happen eventually.”

A/N:

Nagulat din ako kung bakit may 👄 scene agad HAHAHAHAHHA oksi na yan, yan yung gusto ng character eh 😔😔😔 hehe. Pero ayan ha wala na akong utang na chap sa inyo JAJAHAHAHAH

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now