EPILOGUE

90 4 0
                                    

A/N:

Wala na pong book 2 to ha. Ito na yon. And wala na rin akong comment sa epilogue dahil maski ako parang nawala sa isip pagkatapos ko isulat ito. Ewan, malay ko ba kung plot twist para sa inyo ang ending! HAHAHA Ayun lang, thank you sa pagbabasa ng short story ko na 'to!!!

---

NAGISING ANG diwa ko sa di pamilyar na lugar. Inikot ko ang paningin sa paligid. I really am not in my house right now, but where am I?

Kinutuban ako nang isang kongklusyon ang namuo sa isip ko. It can't be. He died and was buried that was seen with my two eyes. I can't take another twist in my story. I had enough with the fact that he planned everything before he died. The fact that he used his "creative" way—or rather distractive way to make a story. I can't believe he did that. Really, Art? All for you to make me get rid of you after your death?

Nanlaki ang mata ko nang isang malaki at nakakasakit ang ulong realization na pumasok sa utak ko.

Kumalabig ang puso ko nang makita ang isang panlalaking anino sa malayo. Pero kaagad lumuwag nang makitang si Cleo lang pala iyon. Pero kumunot naman ang noo ko this time. Am I at Cleo's Condo? Paano niya ako naihatid mula rito? Sinundan niya kaya ako sa bahay at nakitang nahimatay?

“You're awake. You—”

“Why am I here?” Deep inside, I'm panicking because of the thing I'm thinking right now. Iisa lang ang alam kong pupuntahan niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at nilagpasan siya. “Kyra, where are you going—”

“Arthur.” Salit siyang natigilan bago ma-proseso ang sinabi ko.

“Art? Sa sementeryo?”

“Sa bahay niya.”

“Kyra, Art is dead—”

“No, he isn't! If he is, paano nangyari ang mga bagay na 'to nang sobrang perpekto at planado? Maliban na lang kung buhay pa at umaaligid siya sa atin, hindi ba?” Nasa pinto na ako nang harangan niya ang harap ko. “Cleo, umalis ka!”

“Kyra, Art. Is. Already. Dead. Wala kang makikita sa bahay nila maliban sa mga magulang niya!”

“How could you say that? Dahil magkakuntsaba pala kayo all this time? Na sinunod mo ang favor niya dahil pareho kayong planado 'to? Para paikutin ang buhay ko?”

“Kyra, no—”

“Who knows if yung sinabi mo pala sa akin kanina ay plano niyong dalawa, Cleo? Na imposibleng magagawa iyon ni Art not unless you said so!” Natigilan siya at natahimik. “See? Ni wala kang masabi! Kaya tabi!”

“No, hindi ka aalis hangga't di ka nakikinig sa akin.”

“Cleo, okay ka lang? Ikaw mismo ang nagsabi na minanipulate niya ang buhay natin! Pero bakit wala kang ginagawa? Bakit wala kang imik? Ano, totoong plano niyo 'to? Ang pikutin ang buhay ko?!”

“Kyra, calm down—”

“Maninupala niya ang buhay ko—natin, Cleo! Pinaglaruan niya tayo para lang maging masaya ako kapag wala siya!”

“Kyra—”

“Nawalan ako ng kalayaan. Hindi na nagawan ng hustisya ang bagay na gusto kong gawin sa mundo. Ganoon ba talaga? Hindi mo magagawang maging masaya kapag wala kang love life? Kaya ko namang mag-isa, dahil ang love na 'yan, palaging pahamak.” Tuluyan na akong nakaupo sa sahig ay saka mas lumabas ang naipon kong luha. Dinaluhan ako ni Cleo at mahigpit na napayakap sa akin habang naluluha na ako.

Bumuhos na bigla ang luha ko nang dumaan sa isip ko ang lahat ng mga naganap ngayon. Yung pagod ko sa mga nangyari, naibuhos ko sa isang hagulgol at sakit. Pagod na ako sa mga nangyari. Kailan ba matatapos? Kailan ba magkakaro'n ng hangganan ang iyak at pagluha?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now