CHAPTER 1

31 4 0
                                    

"ANO ba kasing ginagawa natin dito? Ayaw ko rito, umuwi na tayo."

"Sumunod ka na lang. Ang dami mong nirereklamo sa buhay, Iza!"
Sa sinabing ito ng kaniyang ina, napangiwi na lang ang dalaga. Labag man sa kalooban niya na sumunod sa utos nito, wala na siyang iba pang nagawa.

Narito sila ngayon sa isla na pag-aari ng pamily Hermosa. Pansamantala itong isinarado dahil sa nangyaring pandemya.  Ngayon ay kasalukuyan silang naghahanda para maibalik ang dating sigla ng isla.

Isla Hermosa

Arko na unang bubungad bago makapasok sa loob. Nakapunta na rito si Iza noong bata pa siya– unang beses na hindi na nasundan pa. At ngayon, sapilitan siyang dinala ng kaniyang ina.

"Magandang araw mga madam," bungad na bati ni Mang Hernan, ang naturang tagapangalaga ng isla. May katangkaran ito, at ang pudpod niyang buhok ay kulay puti na. Pero sa palagay ni Iza hindi naman ito masyadong matanda. Mukhang namuti lang ang buhok dahil sa pananatili nito sa isla.

"Ako na ang magdadala ng gamit mo, mam Iza."

"No need, kaya kong bitbitin 'to." Lumingon ang dalaga sa kaniyang ina. "Hanggang anong oras ba tayo rito? Ang tagal kaya ng byahe sa bangka."

"Hanggang bukas. Sumunod ka na lang kay Parshang para makapagpahinga ka na sa kwarto mo."

"Ano, bukas pa? Ayaw ko. Ako na lang ang mag-isang aalis, bahala ka rito. Basta babalik ako ng Manila." Mabibigat ang bawat hakbang ng dalaga palayo sa kinatatayuan ng kaniyang ina, kasama ang dalawang empleyado nila.

Marahan ang pag-iling ng ginang sa inaasta ng kaniyang anak. "Ang tigas talaga ng ulo ng batang 'yon."

"Magbabago pa po 'yan, mam. Tiwala lang."

"Sana nga, Mang Hernan. Hindi ko na alam ang gagawin sa batng 'yan."

"Ganyan ata talaga mga kabataan ngayon. Hindi na marunong makinig sa mga nakakatanda. Akin na po ang gamit niyo, ako na ang magdadala."
Hindi na tumutol pa ang ginang.

"Wag kayong mag-alala, Mam Sandra, yakang-yaka namin 'yan. Kaming bahala kay, Mam Iza."

Manipis na ngumiti si Sandra. "Salamat."

"Oo nga pala, Parshang, nasaan na si Jegs?"

"Andyan lang po 'yon. Baka nanguha na naman ng tayum. Sige po, puntahan ko lang si Mam Iza." Kumaway ito bilang pagpapaalam.

Anim na ektarya ang lawak ng Isla Hermoza. Isa ito sa dinarayong destinasyon sa lalawigan ng Zambales. Maliban sa malinaw at malamig na tubig, maganda rin ang pinong puting buhangin. Mula sa baybay-dagat, matatanaw ang mga matatayog na bundok at ang pormadong ulap na mas nagiging mas kaaya-aya pa sa tuwing sisikat at lulubog ang araw.
Sa mga oras na ito, mataas na ang sikat ng araw na mas lalong nagpapainit ng ulo ni Iza.

"Ano ba namang lugar 'to, wala na ngang mall wala pang signal."
Halos gusto na niyang ibato ang cellphone niya sa dagat dahil lang sa wala siyang makuhang signal.

"Wala manlang bang bangka na dadaan dito? Ano bang gusto ng mga turista dito? Ang boring."

Kahit na sa pamilya nila ang isla, wala siyang balak na panghawakan ito.

Dahil sa kawalan nang pag-asa na makakaalis siya sa isla ngayong araw, bagsak-balikat na bumalik ang dalaga sa loob. Naabutan pa niya si Parshang na nakasandal sa isang kubo at may pang-aasar sa mukha.

Maliit na babae lang ito, morena at mahaba ang buhok. Nakasuot ng sando na mukhang pinaglumaang t-shirt at ginupit lang ang manggas. Maging ang suot nitong short ay mukhang galing pa sa kuya niya.

No, But YesWhere stories live. Discover now