CHAPTER 2

7 2 0
                                    

MARAHAS ang pagpupusod ni Iza ng maikli niyang buhok. Ang ilan pa sa likuran ay hindi naisamang maitali. Mataas na rin ang sikat ng araw nang magising siya. Ang unang pumasok sa utak ng dalaga ay ang pag-alis nila ngayon, kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para lumabas ng kuwarto.

Unang bumungad sa kaniya ay si Jegs na bitbit ang yantok na bangko.

"Good morning."
Mukhang buo na kaagad ang araw ni Jegs dahil nakita na naman niya ang magandang mukha ng dalaga.

"Walang good sa morning ko. Where's mom?"

"Ang aga-aga nakabusangot ka na. Ngumiti ka naman kaya, no? Para maging positive ang buong araw."

"Pwede ba, hindi ako nakikipaglokohan. Nasaan si mom?"

Bago sumagot ay lumingon ang binata sa likuran niya, kung saan may nakaharang na kurtinang gawa sa kabibe

"Wala na siya." Kasabay ng huling salita ay ang paglingon nito sa dalaga.

"Wala na? Anong wala na?"
Balagbag na humakbang si Iza at itinulak ang binata na nakaharang sa daan. Halos magbuhol na rin ang kurtina dahil sa walang pakundangan nitong paghawi.

Inilibot ng dalaga ang paningin niya sa malawak na silid-tanggapan. Ang mga bulaklak at halaman ay mas nagbigay ng ginhawa sa mga mata, pero hindi ito ang pinagtuunan ng pansin ni Iza. Ang kailangan niya ay makita ang kaniyang ina, pero walang ibang tao sa lugar na 'yon maliban sa kanilang dalawa ng binata.

"Sabi ko sa 'yo wala na siya."

"Anong wala na? Don't tell me, iiwan niya ko rito? No! Hindi ako papayag. Uuwi ako. Tumawag ka ng bangka."
Dalawang hakbang bago makalayo ay nagsalita si Jegs.

"May pera ka bang pambayad sa bangkero? May 500 ka ba d'yan?"

Dahil sa tanong na 'to napatakbo ang dalaga papasok sa loob ng kuwarto niya at hinanap ang backpack na dala niya. Napansin niyang nakauwang ang unahang bahagi ng bag kung saan naroon nakalagay ng wallet. Binitbit niya ito at ipinatong sa kama.

"Nasaan na ang wallet ko? Dito ko lang nilagay 'yon." Kahit pa man bali-baligtarin niya ang bag, wala siyang ibang nakita maliban sa candy na binili niya kahapon.

"Bwisit, bwisit, bwisit!" Sa inis ay hindi napigilan ng dalaga na ibato ang bag sa kabilang parte ng kuwarto. Sinira niya rin ang maayos na pagkakasapin ng kama at ang mga unan ay pinagbabato niya sa paligid.

Nag-aapoy ang ulo niyang lumabas ng kuwarto, kung saan wala na roon ang binata.

Halos bumaon na sa sahig ang paa ni Iza sa bawat hakbang niya. Nalibot na rin niya ang buong IH Inn pero hindi niya nakita si Jegs, kaya ang ginawa niya ay lumabas na lang. Nakayapak at walang ibang pakialam kung magulo man ang ayos niya ngayon.

Sa paglabas niya, naabutan niya si Jegs na kausap si Parshang, na mukhang nagtatawanan pa. Sa pakiwari ni Iza, siya ang pinagtatawanan ng mga ito, kaya mas lalong nanggalaiti siya sa galit.

"Hoy, lalaki!" sigaw nitong pumukaw nang atensyon ng magkapatid. Marahan na napalingon ang binata na may ngiti sa labi.

"Ibalik mo ang pera ko. Magnanakaw ka!"

Sa pagtapat ng dalaga sa harapan ni Jegs, buong lakas niyang pinagsusuntok ito sa katawan.

"Aray, sandali, ano ba?"

Pinilit ni Jegs na hawakan ang dalawang kamay nang nagwawalang dalaga.

"Ano bang problema mo?"

"Ibalik mo ang pera ko!"

"Anong pera, mam Iza?" si Parshang na ang nagtanong.

"Pera ko sa bag na ninakaw ng lalaking 'to. Ibalik mo sa akin ang pera ko, ipapakulong kita!"

No, But YesWhere stories live. Discover now