CHAPTER 10

1 0 0
                                    

LUMALAMIG na ang simoy ng hangin, kasabay ang paglitaw ng buwan sa maaliwalas na kalangitan. Ang alon na banayad ang paghaplos sa buhangin ay mukhang unti-unti na ring nagwawala. Katulad kung paano magwala ang damdamin ni Iza. Hindi maikukumpara sa kuryenteng ibinibigay ng poste ng Zameco ang nararamdaman niya sa sa mga sandali na ito. Pero katulad sa mga nagdaang araw at gabi, pinipigilan niya ang sarili na sumabog.

“Gising ka pa ba?”

Halos mahulog sa upuan ang dalaga dahil sa bulong na nanggaling sa likuran niya.

“Bakit ba nanggugulat ka?”

“Nagtatanong lang naman ako kung gising ka pa. Ipinagtimpla ka na nga ng kape ang sungit mo pa.” Lumapit pa lalo ang binata. “Ano gusto mo ba…?”

"Oo na.”

“…ako?”

“Ano?”

“Wala.” Mukhng mas maaliwalas pa sa kalangitan ang mga ngiti ni Jegs.

“Alam mo nakakabwisit ka. Lumayas ka nga sa harapan ko!” Inamba pa ni Iza ang pagsipa niya, pero mukhang ang inis na tinutukoy niya ay hindi makikita sa mukha niya. Napakagat pa siya sa ibabang bahagi ng labi para pigilan ang sarili sa kung ano man ang nararamdaman niya para sa binata.

Tila yata mapapatamis ng mga ngiti nila ang karagatan.

“Mamaya may lason ‘to. Mamatay pa ako.”

Hindi kumibo si Jegs, tanging pag-alog lamang ng balikat niya ang naging indekasyon niya sa pagtawa. Sa paglapag niya ng dalawang tasa sa gitna nila ni Iza, saka naman dumating ang kaibigan niya bitbit ang isang bayong na naglalaman ng shells.

“Okay na ‘to. Sisimulan na ba natin? Tinawag ko na si Parshang.”

Napakuyom ng kamao si Jegs at pilit na ngumiti. “Minsan talaga mali tyempo mo, Val.”

“Ha?” Ibinaba ng dalaga ang hawak niya sa lamesa at tumingin kay Iza. “May pinag-uusapan ba kayo?”

“Ilapag mo na lang ‘yan. Ano bang gagawin?” Kahit wala sa wisyo ang tono ng boses ni Iza, nagawa niya pa rin itong itanong.

“Nadikitan ko na 'to ng mga design kanina. Lalagyan na lang ng alambre sa bawat dulo para maikabit ang keychain.”

Inilahad ni Valen ang ilang piraso ng shells at inabot ito kay Iza. Sa katunayan, hindi dapat kasama si Iza sa paggawa nito, dahil ang sabi ni Jegs baka masira lang ng dalaga ang mga gamit nila. Pero sa pagpupumilit ng dalaga, napapayag niya rin si Jegs.

Ika nga ni Parshang, “Hindi lang kahoy ang marupok.”

Habang ipinapaliwanag ni Valen ang gagawin kay Iza, ang mga mata ni Jegs ay tila yata nauna nang maidikit. Inihiga pa niya ang ulo para lang mas lalong makita ang mukha ng babaeng katabi niya. Para itong isang mahika. Sumagi sa isipin na mukha palang anghel si Iza kung hindi ito nagsasalita.

Ang mga mata ng binata ay tila dinadala siya sa ibang daymensyon ng mundo kung saan mabait sa kaniya si Iza. Sa sandaling umihip ang malamig na hangin, unti-unting ibinaling ni Iza ang tingin sa kaniya.

“Jegs…” Ang malambing nitong boses ay tumutunaw sa pagkatao ng binata.

“Yes, baby?”

“Mahal mo ba ako?”

“Oo.”

“Kung mahal mo 'ko. Halikan mo nga ako na para bang uhaw ka sa labi ko.”

Nakakapanghina ng tuhod ang mga salitang ito.

Napakagat-labi si Jegs. “Oo. Uhaw na uhaw ako…”

“Jegs?” Isang pagtawag ang nagpabalik sa realidad sa binata. “Nauuhaw ka? Hawak mo na nga ang kape, nauuhaw ka pa sa lagay na ‘yan?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No, But YesWhere stories live. Discover now