CHAPTER 9

0 0 0
                                    

“NAKITA ko pa sila kanina Mam Iza, galing sila sa kabilag bahay. Dalawa lang talaga sila.”

Kung may ranggo ang isang kaibigan na nasa lahi ng mga Marisol –Marisolsolera. Si Parshang na ang naging pangulo ng mga ito. Sa bawat galaw ng kuya niya at ng kaibigan nito, nangunguna siya sa pagbabalita kay Iza.

“Ano naman? Pakialam ko sa kuya mo?”

“Tapos mamaya may ginagawa na silang hindi natin alam. Naku! Kung ako sa ‘yo talaga, Mam Iza, gagalawin ko na ang baso.”

“Mukha ba akong multo?”

Umiling-iling si Parshang at saglit na umikot sa kausap. “Marupok pa naman si kuya. Ganyan mga tipo niya, ang babaeng matigas ang ulo. Mapagtya-tyagaan ka no’n kasi sanay na sa hirap ‘yon. Mas mahirap pa sa ugali mo ang napagdaanan n’yan sa buhay.”

Hindi kumibo ang dalaga. Humalukipkip ito at ang mga mata niya ay pasimpleng dumapo kay Jegs na nakatayo sa hindi kalayuan. Kasama nito si Valen habang pinapatuyo nila ang mga nalinisan nilang shells.

Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Iza, pero sa kalooban nila ay sinasakal na niya si Jegs.

“Tingnan mo nagtatawanan pa sila. Di ba sabi nila kapag daw ang lalaki napapatawa ng isang babae, may chance daw na magkagustuhan sila? Pero mas nainiwala ako na kapag nagagalit ng isang babae ang lalaki, mas nai-in love ang lalaki. Kaya dapat galitin mo pa si kuya, tutal baliw naman sa ‘yo ’yan. Kapatid ko ‘yan pero maniwala ka, ikaw ang manok ko. Mukha ka rin namang sisiw sa buhok mo.”

Ang mga salita na may halong panlalait ni Parshang ay wala na sa atensyon ng dalaga. Ang alam niya lang ay gusto niyang ilunod si Jegs.

Dahil din sa nakikita ni Parshang na selos sa mga mata ni Iza, pinagpapatuloy niyang bigyan ito ng dahilan para magalit. Ramdam ni Parshang na handang gumawa si Iza ng paraan para lang makuha ang atensyon ni Jegs.

Mula naman sa puwesto nina Jegs, napapasin ng binata na kanina pa nakatingin ng masama sa kaniya si Iza, kaya ang ginagawa nito ay mas lalo niyang nais galitin ang dalaga.

“May dumi ka ata sa buhok, Val.”

Pinagpagan ng dalaga ang buhok niya. “Natanggal na ba?”

“Hindi pa. Sandali lang.” Inangat ng binata ang kamay niya at hinaplos nang marahan ang buhok ng kaibigan. “Okay na.” Kasabay nito ang pagtingin niya kay Iza.

“Kapag natapos na ba natin ’to lahat aalis na si Iza?”

Sandaling natigilan si Jegs. “Bakit?”

“Hindi ba kasi ang sabi mo kapag naapos na ang lahat, ibabalik mo na ang cellphone niya. So, makakaalis na siya sa isla.”

“Hindi ako sigurado.”

“Bakit parang ayaw mo?”

Hindi kumibo si Jegs, nagpatuloy siya sa inaayos niyang mga shells. Ilang sandali lang din ay lumapit sa kanila si Iza, kasama si Parshang.

“Matagal pa ba ‘yan?”

Lumingon si Valen. “Hindi naman kasi minamadali ang pag-aayos nito.”

“Hindi ikaw ang kinakausap ko. Kaya ‘wag kang sumagot.” Sa pagrolyo ng mga mata ni iza, ibinaling niya ang tingin kay Jegs. “Ano matagal pa ba ‘yan?”

“Kalalapag lang namin, di ba? Hindi pa nga tuyo.”

“May blower naman.”

“Nga naman, tama si Mam Iza.”

“Nahawa ka na ba sa katigasan ng ulo ni Iza?” Napakamot pa sa ulo ang binata.

“Pinaghihirapan kasi ang paggawa nito. Hindi naman natin pwedeng gamitin basta ang blower lang. Madaling masisira ang shells kung gano’n ang gagawin natin,” si Vales na ang nagpaliwanag.

No, But YesWhere stories live. Discover now