CHAPTER 5

0 0 0
                                    

KATAHIMIKAN. Nakakabinging  katahimikan ang bumabalot sa hangin ng Isla Hermosa. Habang nasa hapag-kainan ang apat, wala ni isa sa kanila ang bumasag nito. Magkaharap si Parshang at Iza, habang katabi naman ng dalaga si Mang Hernan, habang si Jegs ay may kalayuan sa kanila.

Salitang tinitingnan ni Parshang ang dalawang magkaaway, habang ang ama nito ay napapansin siya.

Tumikhim ang matanda. "Maganda ata ngayon ang panahon, siguro, Mam Iza maganda kung mamasyal ka."

"Ano namang papasyalan ko rito? Iisa lang naman ang makikita ko. Dagat at bundok."

"Dalawa 'yon, paano naging iisa?" bulong ni Jegs na siya lang ang nakarinig.

"Ayon na nga po ang maganda. Makikita niyo kung gaano kaganda ang lugar na 'to. Jegs, samahan mo si Mam Iza."

Dahil sa narinig natigilan si Jegs sa pagsubo ng pagkain. Hindi siya lumingon kay Iza, ibinaba niya rin ang kutsara. "May gagawin pa ako, tay. 'Yan po si Parshang magala naman 'yan."

"Hindi siya pwede, maglilinis 'yan ng mga kuwarto mamaya."

Nagawa na ring iangat ni Jegs ang tingin niya at tumama ito sa kapatid na may pang-aasar sa mukha. Pinandilatan naman ito ng binata na halatang napipikon na. Noon, siya madalas ang mangpikon kay Parshang, mukhang umikot na ang mesa.

"No need po, Mang Hernan. Hindi ko gustong gumala. At mas lalong hindi ko gustong kasama ang isa d'yan." Umirap ang dalaga.

"Mas lalo naman ako," bulong ng binata.

Kahit anong gawin ni Mang Hernan, mas nanaig pa rin ang katahimikan. Sa pagtatapos nilang kumain, napansin ni Iza ang isang plato na naglalaman ng nag-iisa na lang na hati ng pakwan. Dahil ito ang napili niya kaysa sa saging, inabot niya ang dulo nito, pero kasabay din ang paghila ng isang lalaki.

Umangat ang tingin ni izta. Simula noong nagkasagutan sila, ngayon niya lang tiningnan sa mata ang lalaki.

"Ako ang nauna." Hinila ni Iza ang pakwak, pero hindi ito binitawan ni Jegs.

"Ako ang naghiwa nito."

Pinagpatuloy nilang hilahin ito, na para bang ito na lang ang nag-iisang pagkain sa mundo.

"May saging pa naman," awat ni Parshang. Ngunit wala rin siyang nagawa. Patuloy na nag-aagawan ang dalawa, hanggang sa sabay din nila itong nabitawan at nahulog sa lupa.

"Hindi ba't nasayang lang din? Marami talagang nasasayang sa pag-aaway. Kaya sana 'yong dalawa d'yan, magkaayos na." Hindi man derektang sinabi ito sa kanila ng matanda, alam nilang para sa kanila 'to. Silang dalawa lang naman ang magkaaway.

"No Way. Hindi ako makikipag-ayos sa bastos na lalaki." Sa pagbitaw ni Iza ng mga salita na ito ay ang pagtayo niya para umalis.

Hindi maalis sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ni Jegs, kaya alam niya na kahit na anong mangyari hindi niya mapapatawad ang binata.

"Ang kapal ng mukha niyang sabihin na iniiwan ako ng lahat." Napatigil ang dalaga sa paglalakad at muling nagpunas ng mga mata niyang namumuo na ang luha.

"Hindi niya nga alam ang nangyari, bakit niya sasabihin 'yon?" pagpapatuloy nito.

Hindi itatanggi ni Iza na labis siyang nasaktan sa mga salitang binitawan sa kaniya ng binata. Para bang sa mga simpleng salita, ibinalik ng binata ang mga takot sa sarili niyang hindi niya matatakasan. Kaya kahit na anong gawin ni Jegs, hindi niya mapapatawad ito. Hanggat nasa isla sila, parehas nilang iindahin ang galit sa isa't isa.

Nagpatuloy sa paglalakad si Iza, nang nasa tapat na siya ng kuwarto, kinapa niya ang cellphone sa bulsa niya. Nagsalubong ang dalawang kilay matapos na hindi ito makapa.

No, But YesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα