CHAPTER 3

1 0 0
                                    

PASIMPLENG lumapit si Jegs kay Iza na hindi pa rin tumitigil sa pagkaway. Labis ang nararamdaman niyang tuwa sa mga sandali na ito, kahit na alam niyang hindi niya kaagad mababyran ang bagkero. Ang iniisip na lang ni Iza ay kung paano siya makakapunta ng bayan, para makakuha na rin ng signal. May kaibigan naman siyang mahihingian ng pera kung hindi man siya bibigyan ng kaniyang ina.

"Sigurado ka bang sasabay ka sa kanila?" tanong ni Jegs.

Mapang-asar na humarap si Iza. "Oo." Kampante ang sagot nitong walang pagdadalaang-isip.

"Sigurado ka? Hindi sila pamilyar sa 'kin."

"So? Kailangan ba kilala mo?"

"Hindi naman." Tumango ang binata bago ibinaling ang tingin sa bangka na palapit sa kinaroroonan nila. "Pero, sayang naman ang ganda mo kung kakainin ka lang ng mga papakul."

"Papakul?"

"Papakul, 'yong isda na kumakain ng mga lumulutang na tao sa dagat."

"Anong ibig mong sabihin?" Ramdam ni Jegs ang pag-aalala sa boses ni Iza.

Tumikhim si Jegs at tumingin sa kausap. "Hindi sa mapanghusga ako, pero ikaw rin. Sige, kung gusto mong kainin ng papakul sumama ka sa kanila. Tignan mo, o. Magtitiwala ka sa hindi mo kilala? Sige na, sumama ka na sa kanila."

Matapos itong sabihin ni Jegs ay tumalikod na siya, unang hakbang niya ay hinila siya ni Iza pabalik.

"Sumama ka na lang sa amin. Hanggang bayan lang."

"Ayaw ko ngang maging laman tiyan ng papakul. Ikaw na lang, idadamay mo pa ako." Hinawi nito ang pagkakahawak ni Iza.

Sa pagtatangka na magsalita ng dalaga, narinig nila ang pagtawag ng isang lalaki at nilingon ito. Hindi kalakihan ang bangka, sakto lang ito para sa gamit at limang sakay nito.

"Anong kailangan mo, miss?" tanong ng lalaki na nakasuot ng kupas na berdeng longsleeve.

"Ayan na sila. Sumama ka na, bahala ka d'yan. Hindi ko 'yan sagot, ah." Kahit na seryoso ang mababakas sa mukha ni Jegs, sa kalooban naman niya ay tumatawa siya dahil sa reaskyon na ipinapakita ng dalaga.

"May kailangan ka ba? Sabihin mo na," saad ng isa pang lalaki na nakasuot ng asul.

Hindi kilala ni Iza ang mga kalalakihan, pero dahil sa mga sinasabi ni Jegs, naiisip na niya ang panghuhusga.

"Sabihin mo na. Ako na magsasabi?" Lumingon si Jegs. "Kuya sasabay–"

"Wala, wala. Salamat na lang." Tumakip ang dalawang palad ni Iza sa bibig ni Jegs. Kasabay nito ay ang marahan nilang paglalakad pabalik sa loob. Nang bumitaw ang dalaga, nabakas ang unti-unting pagtawa ni Jegs.

"May nakakatawa?"

"Bakit hindi ka sumama? Ang akala ko ba gusto mo na umuwi?"

Humalukipkip at romolyo pa ang mga mata ni Iza. "Kung sana sinamahan mo ako, di ba? Para na rin sana makabawi ka sa atraso mo."

"Ako pa ngayon ang may atraso? Sino ba ang nanuhod?"

"Sino bang magnanakaw?"

"Sino bang maldita?"

"Sino bang... sino bang ano."

"Oh ano?"

Habang may pang-aasar sa mukha ng binata, unti-unti niyang inilalapit ang mukha sa umaapoy sa galit na dalaga.

"Alam mo, kapag ako talaga nakauwi sa amin sasabihin ko kay daddy na paalisin ka na rito. Ang pangit mo!"

"Edi magsumbong ka ngayon na. Sige na, umuwi ka na." Gumagalaw pa ang mukha ni Jegs habang sinasabi ang mga salita na ito. Parang bata na tinutukso nito ang dalaga.

No, But YesWhere stories live. Discover now