Chapter 15: Ped Xing

5 1 0
                                    

"As promised, The pink hooded guy will never leave this place." He continued. 

"Akala ko-" He cut me off.

"Mabilis natapos exams namin and the case.. I finished all of our digests. I aced the exams today kaya treat kita ng Jollibee ngayon." He, then, suddenly grabbed my hand at walang-alinlangan niya akong hinila patungo sa kanya. 

Nginitian niya ulit ako. "I told you, this place is ours. And there's an adventure waiting for you." He said. Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. 

"Gusto mo bang tumawid sa Ped Xing?" Tanong niya sa akin. My eyes widened. 

There's no way I'm gonna risk my life para lang tumawid sa Ped Xing! Ayaw ko. Hindi ako marunong tumawid at ang isa pa baka mabangga kami ni Austin. Medyo mabilis pa naman mag-drive ang mga pasahero. Ano bang pumasok sa kokote ng tao na 'to at napag-isipan na tumawid kami ng Ped Xing?

"Ready ka na ba tumawid?" Tanong niya ulit. Hindi ko namalayan na kanina pa pala kami naka-harap at tinitignan lang ang mga nagsisi-daanang mga sasakyan. The stoplight turned from red to green at wala pang senyas na pwede pang tumawid ang mga tao sa pedestrian. 

Napatingin ako sa stoplight at napa-awang ang labi ko. Hanggang ngayon ay green light pa rin at parang walang balak na patawirin kami.

"Ano? Ready ka na? It's now or never. Hold my hand tight, Brianna. Tatawid tayo sa Ped Xing kahit may pulis!" He warned. He grasps his cold hand tight on my hand. 

Hindi maalis ang pagtitig ko sa paghawak niya sa kamay ko. Nag-angat ako ng tingin upang tignan siya sa mukha. He smiled at me. The smile that is sincere, but devilish for me. Talagang nag-balak siya na tatawid kami!

"It's jaywalk! Makulong tayo sa Jaywalking! Ayaw kong makulong!" Inis kong sabi sa kanya. 

"Do you trust me, Brianna? For one second of an eternity of forever? Will you trust me?" He reassured. 

I nodded and cleared my throat. "Bakit mo ba ginagawa 'to? Alam mo naman takot akong tumawid sa Ped Xing diba?" 

"This is a pedestrian lane, Brianna Elise. I need you to trust me. Please?" He begged and waiting for my response. 

"Bakit nga natin gagawin 'to?"

"Basta.. You will realize it soon." panimula niya. "But I need you to trust me first. Tatawid tayo ng Ped Xing sa ayaw at sa gusto mo. Kaya suotin mo na ang favorite Pink Hood slash favorite color ko dahil tatawid na tayo!" He looked at the jacket that I was holding, tapos ay pinasadahan niya ako ng tingin. 

He raised a brow on me at pinipilit niya akong suotin ang pink hoodie na binigay niya sa akin. Inamoy-amoy ko muna ang pink hoodie bago ko suotin. Kahit itong binili niya para sa akin eh amoy Calvin Klein na rin. Iyon lang ba ang pabango niya?

"Cute!" He pouted his lips, before puckering it in amusement to tease me. 

Hindi ko na lang siya pinansin. Binigay ko sa kanya ang bag ko at abala ako sa pagsusuot ng hoodie. It was oversized and I'm comfortable from it. Simula noong pina-suot sa akin ni Austin ang kanyang hoodie kahapon eh nagkaroon na agad ako ng interest sa mga oversized shirts and hoodie. 

"You look good in pink, it suits on you." He complimented and smiled. 

I'm busy on tying my hair at naiilang akong dahil nakatingin siya sa akin. "Will you please stop staring at me like that? Creepy mo rin eh, noh?" Ganti ko at sinabihan siyang 'wag akong titigan. 

He looked away at luminga-linga ang tingin niya sa kung anumang direksyon. Nagmu-mukhang weirdo pero ang cute niya. Kung saan-saan tumititngin para lang hindi ako ma-bother sa pagtitig niya sa akin. 

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now