Chapter 20: Promise

5 1 0
                                    

"One cup of cold caramel frappucino, three cups of hot chocolate, one cup of americano." Austin said while placing every cup of orders naming apat.

He smiled when he placed my americano on the table at binigay naman niya kina Billy iyong nga in-order nila sa kanya.

Sa Café dito sa lagi naming pinupuntahan ang bagsak namin. Puno kasi sa starbucks kaya dito na lang kami pumunta. Tahimik at cozy dito. Maganda rin ang ambiance.

"Bakit ba kasi tayo sumama eh ang boring dito." Reklamo ni Bryan at sumimangot.

"Wala.. babantayan natin yung tatlo. Sa ngayon, sa stool muna tayo doon sa isang counter island uminom ng kape." Sagot ni Billy at tumayo. Kinuha niya ang kape at binalik iyon sa tray.

Napatingala naman si Bryan kay Billy at nagtalo pa sila na dapat nag-bar na lang sila imbis na mag-kape.

"Alcohol is bad for your health, Bryan. Huwag ka ng mapilit at i-enjoy mo na lang yung kape." Singit ni Gino sa kanilang pagtatalo at dumaan si gina nila at pumunta na siya sa stool mag-isa at iniwan ang dalawa.

Nagpatuloy naman sa pagtatalo sina Billy at Bryan tungkol sa kape at beer kahit nalayo sila sa amin at naglalakad patungo doon sa counter island na may mga stool para damayan si Gino doon. Doon sila naupong tatlo at masaya na silang nag-kuwentuhan. I enjoyed watching them arguing loudly from there na rinig hanggang dito.

Mga walang manners talaga ang dalawa. Mabuti at nagbagong buhay si Gino at hindi na nakisama sa kakulitan ng dalawa.

Nahagilap ng atensyon ko si Austin at napalingon ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita. Naalala kong kasama ko nga pala si Austin. Na-enjoy ko na naman ang kaingayan ng tatlo.

"About last night." Panimula niya at may hinablot siya mula sa kanyang bag. He unzipped the pocket and grabbed something there.

Hinablot niya ang mga polaroid pictures at nilapag niya iyon sa mesa. It's 6 polaroid pictures. He pushed it hanggang sa nasa tapat ko na ang nga pictures na yun.

"You might not believe me but you're drunk last night. I don't want you to overthink kaya in-invite kita na mag-kape tayo. Ang wasted mo kasi kagabi." He said concerningly na may halong pamimikon.

"Gaano ka-wasted?" Tanong ko at nilapag ang kape ko sa tabi. Kinuha ko naman ang mga pictures.

Tama nga. Ang wasted ko nga tulad ng sinabi niya. Naka-indian seat ako sa gitna ng dance floor at parang nagpe-perform ako ng ritwal doon. May isa pa akong picture na magkasama kami at nakangiti na hawak ko ang vinyl at yung isa naman ay ganoon rin kaso wala siya. Sa isang picture naman ay may picture siya na nagti-timpla at naghahalo ng beer. I stumbled on the last picture and I creased my forehead.

His left hand is placed on my waist, while right hand is holding my other hand and were both staring at each other. Malayo ang anggulo ng camera. Malinaw at maganda ang pagkakakuha. Ang disco ball na nagbibigay liwanag sa buong room. At kaming dalawa na nasa gitna ng dance floor na parang nags-slowdance.

I slowly began to rethink on what happened last night. Talaga bang malandi ako kapag lasing? First time ko lang malasing.

Pinakita ko iyon sa kanya at napangiti na lang siya ng bahagya. His smile seems to have a meaning from it. Mukhang maganda ang nangyari sa picture na pinakita ko sa kanya.

"Bakit tayo nags-slow dance dito sa picture na 'to?" I asked. Curiosity is now dancing in my mind.

"Where do you want to start?" He asked and placed another picture of us at nilapag iyon sa mesa. Sa tapat ko.

It's a picture of us dancing on the center of the dance floor. His hands are swaying and he's like snapping his fingers. Ako naman ay mukhang nagma-macarena dahil nakahawak sa bewang ko at para akong nakembot.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now